Monday, November 10, 2014

SI JOJO BINAY AT SI MANNY VILLAR

GINAWA na ito minsan ni Senador Manny Villar nang siya ay kandidato sa pagka-Pangulo. Sa kabila ng panawagan ng ibang mga senador na ipaliwanag ang pagkakasangkot niya sa tinuturing na ma anomalyang C-5 road extension program ay nanatiling tahimik siya sa issue na ito.


Ang akusasyon noon laban kay Villar, na No. 1 contender sa pagka-Pangulo, ay nagpalusot siya ng P200-million na double entry sa budget para sa C5 extension na road project sa Las Piñas at Parañaque patungong C5 na tatawid ng South Expressway.


Sa Las Piñas naroon ang marami niyang subdivision at nasa Parañaque naman ang mga lupain ni Brother Mike Velarde. Sinasabing kapwa sila nakinabangan sa mga lupain ng dalawang ito.


Matindi ang pressure na ipaliwanag ni Villar kung bakit nagka liko-liko ang C5 extension para paboran siya at ang kaibingan niyang si Velarde. Dahil sa pressure na ito ay napilitan si Villar na mag-privilege speech sa Senado upang ipagtanggol ang sarili.


Ang kaso lang, pagkatapos ng kanyang speech ay bigla na lang siyang umalis sa session hall at hindi na siya natanong ng mga kapwa niyang senador.


Bumagsak ang rating ni Villar at tuluyan na siyang natalo sa kanyang kandidatura. Sa kangkungan siya dinampot.


Gayundin naman ang ginawa ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona. Tumanggi siyang humarap sa Senado hanggang sa ma-impeach siya.


Sa trial niya sa Senado, si Corona ay bigla na lang bumatsi pero naharang siya ng Senate security.


Hanggang ngayon ay ayaw ni Binay na humarap sa Senate blue ribbon committee. Babastusin lang daw siya ng mga senador sa blue ribbon committee.


Naghamon din si Binay ng debate kay Senador Antonio Trillanes pero mukhang hindi ito mangyari dahil sa suggestion ng kanyang mga kasangga na useless maki-debate kay Trillanes. DEEP FRIED/RAUL VALINO


.. Continue: Remate.ph (source)



SI JOJO BINAY AT SI MANNY VILLAR


No comments:

Post a Comment