Monday, November 10, 2014

ABNOY SI YOLANDA AT NASAAN SI GEN. RAÑOLA?

ISANG taon na ang nakalipas nang humagupit sa Leyte at Samar ang abnormal na lakas ni Yolanda.


At dahil nga abnoy ang lakas ng hijo de-putang Yolanda kaya libo-libong buhay ng mahal nating mga kababayan ang nautas.


Maliban pa sa pagkapilay ng kabuhayan at ekonomiya sa mga apektadong lugar.


Abnoy talaga ang animal na Yolanda, dahil ginulo nito pati ang politika sa Tacloban! Tsk, tsk, tsk!


Isipin na lang na sa kasagsagan ng sakuna, eh, imbes na pagtuunan ng pansin ang mga biktima ay inuna pa ng halimaw ang kagustuhang patalsikin ang alkalde ng nasabing lugar.


Abnoy talaga si Yolanda!


Noong dumating naman ang mga ayuda mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, imbes na pasalamatan ang mga ito’y may pagkakataon pang inipit pa sa Customs ang maraming relief goods.


Abnoy talaga si Yolanda!


At makalipas ang isang taon, bagama’t pilit na bumabangon ang ating mga kababayan ay kitang-kita na lugmok pa rin ang mga biktima ng Abnoy talagang si Yolanda!


Dahil hindi na nga niya ipinadama ang tulong ng gobyerno, eh, maging ang bilyong pisong ayuda mula sa internasyonal na komunidad ay pinaniniwalaang kinulimbat pa!


Abnoy talaga si Yolanda!


May pagkakataon pa nga, parekoy, na habang nag-aabang ng ayuda ang marami nating kasangkay, sa kabilang bahagi pala ng Tacloban ay may ipinatapon na relief goods.


Mga sira na raw…dahil hindi naipamigay sa mga biktima! King-ina!


At ngayon, maging ang “Tacloban airport” na nagsilbing kanlungan ng maraming biktima ni Yolanda ang siya namang pinagdidiskitahan ni Yolanda.


Ipasasarado na raw at ililipat sa katabing bayan!


Sa halip kasi na tumulong ay mas inuuna pa ang pamumulitika.


Dahil sa totoo lang, parekoy, napakaraming Yolanda sa ating pamahalaan! Abnoy talaga! Huh!


-o0o-


Habang rumaratsada ang naglipanang iligal na sugal sa iba’t ibang lugar na sakop ng Southern Police District, gaya ng nagkalat na video-karera (VK) machines sa PCP-2 ng Pasay na pag-aari ni SPO1 Latore ay tahimik lang ang tagatanggap, este, tanggapan ni District Director C/Supt. Henry Rañola.


Ok lang, parekoy, na hindi magparamdam si Rañola sa kasong kamanyakan ng tauhan niyang si Col. Erwin Emelo.


Dahil iniimbestigahan na umano ito ng PNP hierarchy.


Pero ang nakabibinging katahimikan sa naglipanang iligal na gawain sa SPD gaya ng iligal na sugal ay may naaamoy tayong kakaibang niluluto.


Mukhang “lutong-Macao”, ika nga!


Asan ka na po, Gen. Rañola?


Nagmamasid ka nga lang ba? O namamantikaan na? Hak, hak, hak! BURDADO/JUN BRIONES


.. Continue: Remate.ph (source)



ABNOY SI YOLANDA AT NASAAN SI GEN. RAÑOLA?


No comments:

Post a Comment