MULING nagpatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa makaraang magtaas sila ng presyo nito noong nakaraang linggo.
Alas-12:01 ng hatinggabi kanina ay pinangunahan ng Pilipinas Shell ang pagbaba ng presyo ng P1.00 kada litro sa halaga sa gasolina, P0.15 kada litro naman sa kerosene habang P0.35 naman sa diesel.
Sumunod naman kaninang alas-6 ng umaga ang Phoenix Petroleum ng bawas-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo na kahalintulad din ng halaga ng ibinaba ng Pilipinas Shell.
Sa ipinadalang text messages ni Ina Soriano ng Pilipinas Shell, ang panibagong pagbaba sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Inaasahan naman na magpapatupad din ng kahalintulad na pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilan pang kumpanya ng langis sa bansa.
Matatandaang huling nagpatupad ng pagbabawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis noong Oktubre 28 ng P0.35 kada litro sa gasolina at P0.20 naman kada litro sa diesel. JAY REYES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment