SA pagpapatuloy ng pagbubulgar natin sa malawakang ‘anomalyang’ nangyayari sa North Cemetery, Sta. Cruz, Maynila, bukod daw sa malawakang pagbebenta ng mga iligal na lote sa nasabing sementeryo, talamak din ang naging bentahan ng mga nitso ng mga patay na hindi na nadadalaw ng kanilang mga kamag-anak na kung tawagin ay puntod ng Lupang Hinirang.
Ayon sa source, ang mga lote sa mga puntod ng tinatawag na “Lupang Hinirang” ay isa-isang kinukumpiska ng pamunuan ng sementeryo kapag hindi na raw nadadalaw ng mga kamag-anak ang puntod ng kanilang mga patay.
Pagkakumpiska umano sa mga puntod ay kaagad namang ginagawan ng transfer of right ni North Cemetery Administrator Daniel‘Dandan’ Tan para maibenta kaagad sa mga target buyer.
Ang bentahan ng mga nakumpiskang puntod ay depende sa lokasyon ng kinatitirikan nito.
Ayon sa source, kapag ang puntod na nakumpiska ay nasa bukana, ang presyo raw nito ay umaabot sa P100,000 hanggang P150,000.
Tinataya naman na nasa P20,000 o P30,000 ang presyo ng puntod na ang lokasyon ay nasa kadulu-duluhan.
Ang tanong ko lang, saan naman kaya napupunta ang perang pinagbentahan ng mga nakukumpiskang mga puntod na hindi nadadalaw?
SINA MAYOR AT COP ANG PADRINO
Wow naman, hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang operasyon ng lotteng ng mag-asawang Cris at Rose sa Pasig City.
Hindi pa rin kumikilos si Mayor Maribel Eusebio kahit ginagamit ng mag-asawa ang kanyang pangalan.
Maging si Pasig chief of police Supt. Mario Rariza ay hindi kumikilos.
Magkano kaya?
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment