NANINIWALA tayong may katotohanan nga ang lumulutang na milyones na pag-aari umano ng pamilyang Binay sa iba’t ibang bahagi ng Pinas.
‘Yan ay dahil ayaw lumutang ni Vice-Pres. Jojo Binay para ipaliwanag sa taumbayan kung magkano talaga ang kanilang nakulimbat, este, ano talaga ang tunay na kaganapan hinggil sa alegasyon.
At kung magkatotoo nga ang sinabi ng baboy na hindi talaga titigil ang Senate Blue Ribbon sub-committee, eh, isa lang ang ibig-sabihin.
Na bagama’t alam ng nakararaming Pinoy na may bahid politika ang naturang imbestigasyon, dahil naging pipi nga si Binay, ay rito na magtatapos ang pangarap ni Nognog na maging kauna-unahang ulikbang Pangulo ng bansa! Hak, hak, hak!
Ang masaklap, eh, sandamakmak na asunto pa ang kanyang kahaharapin! Huh!
Pero kung sakali nga, parekoy, na tuluyang mawasak ang karera sa politika ni Nognog ay hindi naman siguro ganun katanga ang sambayanang Filipino na si SILG Mar Roxas ang gagawing alternatibo ni Binay sa 2016 elections.
Huwag na nating pag-usapan, parekoy, ang pilantod na rating nito sa anomang pampanguluhang survey.
Ituon na lang natin ang isyu sa kaliwa’t kanang pamumulitika nito na maging ang mga biktima ni Yolanda ay pinabayaan dahil hindi nito naisulong ang kanyang pansariling political interest.
Sa madaling salita, alang-alang sa pansariling interes ay nakahanda pala itong si Roxas na ipikit ang mga mata habang lugmok sa kapighatian ang kanyang mga kababayan!
Isang asal, parekoy, na masyadong mapanganib para sa isang Pangulo!
Kaya nga mariin tayo sa paniniwala na kung si Binay ay hindi nararapat sa pinakamataas na posisyon sa ating bansa dahil sa naglutangan na mga pangungulimbat umano sa kaban ng bayan . . . ay lalo namang hindi si Roxas!
Buti pang si Duterte na lang! Hek, hek, hek!
-o0o-
Wala talagang kupas ang tikas sa iligal na sugal nitong tinaguriang Laguna “bookies king” na si dating Bay, Laguna Mayor Edwin Ramos na mas lalong kilala bilang ER.
‘Yan, parekoy, ang nilalaman ng sandamakmak na text messages na ating natatanggap para maipaabot kay Provincial Director Supt. Florendo Saligao ang nasabing iligal na gawain.
Sandali nga muna kernel, bakit nga ba hindi mo kayang ipatigil ang sugal ng lintek na ER na ‘yan? Ha?
Totoo nga ba ang hinala ng aking texters na malaki ang pakinabang mo mula sa iligal na sugal ni ER kaya hindi mo ito kayang iparatsada?
O may iba pang dahilan na ikaw lang ang nakaaalam? BURDADO/JUN BRIONES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment