Tuesday, November 25, 2014

Physical therapy ni Jinggoy, oks sa Sandiganbayan

PINAHINTULUTAN na ng Sandiganbayan 5th Division ang hirit ni Senador Jinggoy Estrada na sumailalim sa physical therapy.


Ayon sa resolusyong pirmado ng mga mahistrado ng 5th Division, maaari nang makapagpa-therapy si Jinggoy sa Cardinal Santos Memorial Hospital dahil sa humanitarian reason at walang oral argument at pagtutol mula sa prosecution.


Dalawang beses kada linggo maaring ng detention cell sa PNP Custodial Center si Jinggoy para sumalang sa dalawang oras na therapy program matapos indahin ang pananakit ng kanyang kaliwang balikat, mild bulging ng cervical spines at adhesive capsulitis o frozen shoulder.


Mayroon lamang dalawang linggo si Jinggoy para kumpletuhin ang therapy, taliwas sa hirit ng senador na hanggang apat na linggo.


Sa ulat, alas-8:00 ng umaga maaaring lumabas ng Custodial Center si Jinggoy at dapat makabalik din ng alas-11:00 ng umaga. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Physical therapy ni Jinggoy, oks sa Sandiganbayan


No comments:

Post a Comment