Saturday, November 1, 2014

‘Paeng,’ palalakasin ng amihan sa Luzon

PINALALAKAS ng bagyong Paeng ang hanging amihan na umiiral sa malaking bahagi ng Luzon, kasama na ang extreme Northern Luzon, Central Luzon, Metro Manila at mga karatig na lugar.


Huling namataan ng Pagasa ang sentro ng bagyo sa layong 1,220 km silangan ng Baler, Aurora (15.1°N, 132.9°E).


Taglay nito ang hanging 120 kph malapit sa gitna at pagbugsong 150 kph.


Kumikilos ang storm Paeng sa direksyong pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 13 kph.


Samantala, ang CALABARZON, MIMAROPA, Kabikulan, Kabisayaan, Zamboanga Peninsula, Hilagang Mindanao at CARAGA ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.


Ang Cagayan Valley, Cordillera at rehiyon ng Ilocos ay makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na may pulu-pulong mahinang mga pag-ulan.


Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.


Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa hilagang-silangan ang iiral sa Luzon at Silangang Kabisayaan at ang mga baybaying dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.


Sa ibang dako, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa hilagang-silangan hanggang hilagang-kanluran na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Paeng,’ palalakasin ng amihan sa Luzon


No comments:

Post a Comment