Saturday, November 1, 2014

MAALWAN ANG BIYAHE NITONG UNDAS

MALUWAG ang naging biyahe ng mga motorista palabas ng Kamaynilaan nitong nakalipas na Undas kung ihahambing sa mga nakalipas na taon.


Sa mga interbyu sa telebisyon at radyo ay naging maayos at taas ang noo ng mga opisyal na ang tono ay lumalaro lang patungkol sa kanilang ginawang sapat na kahandaan para sa okasyon ng Undas 2014.


Epektibo raw ang kanilang estratehiya upang hindi mahirapan ang ating mga kababayan pauwi sa kanilang mga lalawigan upang dalawin ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay.


Pero, pero…pero! Hindi dahil sa kanilang estratehiya kundi dahil sa pagiging ‘KJ’ o ‘kill joy’ ng Malakanyang. Naging epektibo ang plano sa mga terminal, pantalan at paliparan dahil kay PNoy.


Gamit ni PNoy ang kanyang ‘Big Brother’ sa Malakanyang ay inanunsyo nito noong gabi ng Huwebes na ‘half day’ o kalahating araw na lamang ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno.


Hindi rin gumawa ng hakbang ang PNoy na gawing holiday ang araw ng Biyernes (Oktubre 31) o Lunes (Nobyembre 03) para sa mga pribadong manggagawa sa ating bansa.


Nagkataon kasi na ang ating nakagawian na a-uno at a-dos ng Nobyembre ay pumatak ng araw ng Sabado at Linggo kaya isa lamang itong ordinaryong mga araw para sa mga manggagawa.


Kaya ang resulta, taumbayan! Maalwan ang biyahe dahil kakaunti na lamang ang lumuwas patungo sa kanilang lalawigan. Kamot sa ulo ang mga kompanya ng bus, barko at eroplano dahil liit kita pero laki gastos. Tskk tskk!


‘Yung iba na medyo malapit ang uuwian ay balikan ang kanilang ginawa noong Sabado upang may araw pa silang magpahinga sa araw ng Linggo bilang paghahanda naman sa trabaho sa araw ng Lunes.


Tiyak na ginunita tuloy ng marami si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga panahon na ganito dahil sa kanyang tanyag na ‘Holiday Economics’ na natutulog siguro si PNoy nang ituro ito noon sa klase.


***

Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


.. Continue: Remate.ph (source)



MAALWAN ANG BIYAHE NITONG UNDAS


No comments:

Post a Comment