THIS bit of showbiz news may come a little late. Huli rin kasi naming nakita sa Facebook Timeline ni direk Louie Ignacio ang picture which he posted at the local airport bago sila lumipad patungong Dubai and by the time this column comes out, nakabalik na rin sa ‘Pinas ang grupo nina direk Louie, Marian Rivera, Julie Ann San Jose at Dingdong Dantes mula sa kanilang matagumpay na show dubbed as “Kapusong Pinoy Sa Dubai” which was held early last week.
Sa post ni direk Louie kung saan may kalakip itong photo, kasama at kayakap niya ang Kapuso Primetime Queen. Pareho silang masaya at nakangiti. Isang patunay daw ito that there’s no bad blood between them.
Sabi ng director, “At cno ng chismosa ang nagsabing mag kaaway kami!!!:) hellow off to Dubai na kami wd Dong and Julie:) ang sayaaaa!!!
Magkasabay ngang umalis last Wednesday afternoon sina Dingdong, Marian at Direk Louie- along with PPL head, Perry Lansigan and Rams David, head ng All Acess to Artists, management company ni Marian- to Dubai for a special show.
It’ll be recalled na sumabog ang isyung ‘magkaaway’ daw sina direk Louie at Marian nang palitan ng management ang una ni direk Mark Reyes bilang ‘captain of the ship’ sa self-titled dance show ni Marian sa second season nito. May lumabas pang isyu na kesyo wa raw apir si direk Louie sa kasal nina Marian at Dingdong sa Immaculate Concepcion Cathedral on December 30 dahil sa ‘away’ ng dalawa.
Malinaw naman ang eksplinasyon ng direk Louie na kaya’y hindi niya tinanggap ang second season ng “Marian” ay dahil naging hectic ang schedule niya sa shooting ng Miss World Philippines pageant.
On Marian’s part, walang issue kung napalitan man si direk Louie ni direk Mark sa dance show ng soon-to-be Mrs. Marian Gracia-Dantes. Para kay Yan, gusto lang niya ng positive vibes lalo na’t nalalapit na ang kasal niya sa lalaking pinangarap niya habangbuhay!
*****
For more updates, please follow us on Twitter and Instagram at @whalesharkph. STAR FRAME/LITO MAÑAGO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment