TAMA ba itong nabalitaan namin na hindi raw natuloy na lumipat ng TV station si John Lloyd Cruz dahil sa mababang talent fee ang susuwelduhin niya sa channel 7? Balak kasing lumipat ito dahil daw sa selos kay Coco Martin na kaliwa’t kanang mga projects nito. Tuwing meron siyang gagawing project, asahan mong meron ng nakalaang kasunod na gagawin.
Naiinip na raw kasi ang gwapong aktor dahil sa kawalan ng soap o teleserye o maging pelikula man yata wala rin siyang assignment sa star cinema.
So far, nag-expire na raw ang contract nito sa channel 2 noon pang nakaraang buwan at hinihintay na lamang daw nito ang renewal kasi nga umatras na ito sa pangingibang bakuran. Pupwede raw kunin si John Lloyd ng Ch. 7 sa drama anthology at iba pang mga programa bilang panauhin na artista. ‘Wa rin payag ang binata dahil mababa rin ang talent fee. So stand by na lang muna ito sa mother station niya tutal naman meron pa itong ongoing na sitcom, ang Home Sweetie Home kung saan nagdagdag ng cast at ang action/drama actor na si Phillip Salvador na first time niyang mapasali sa isang comedy.
-0-
Matagal na ring nawala sa sirkulasyon ang singer/actor na si Ronnie Liang. Sa Amerika na raw pala ito nakatira at ngayon narito sa Pilipinas at nagbalik showbiz.
Conservative itong si Ronnie at ayaw niyang magpa-sexy sa pelikula or sa mga pictorial kahit maganda ang kanyang pangangatawan, at nagkaroon lang siyang photoshoot na topless iyan daw ang una niyang pagpapakita ng katawan. Kiyems!
Subalit sa kanyang pagbabalik pelikula ay maraming beses daw itong hinubaran ni direk Elwood Perez doon sa katatapos lang na project na siya ang bida (unang pagbibida), ang Esoterika Manila. Maraming eksena na hubad ang damuho at wala raw itong kiyeme na masilipan siya ng mga tao roon sa shooting at maging ang mga kasamahan niya sa shooting.
Tinanong daw ito ng isang writer kung dakila ka kuya at sumagot raw na panoorin na lang daw ang pelikula at kayo na ang humusga, abaw gid may pasuspense pa, palagay namin ay meron din itong ipinagmamalaki sa hinaharap at nakagugulat nga kung bakit napahubad siya ni direk Elwood na sila lang dalawa ang nakaaalam. Naintriga raw kami. Ciao Bambino! MEMORABILIA/MATUK ASTORGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment