Tuesday, November 11, 2014

MULA TACLOBAN PATUNGONG PALO, LEYTE? KABALIWAN!

HINDI maitatago ni Pangulong Benigno Aquino III (BSA3) ang kanyang pag-ayaw, hindi sa Tacloban City at mamamayan nito, kundi sa pamilyang Romualdez.


Alalahanin ang sinabi ni Interior Sec. Mar Roxas ilang araw makaraang wasakin ni Typhoon Yolanda ang Leyte at mga kapit-lalawigan, kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang “Magbitiw ka para mapabilis ang tulong, alalahanin mo ang iyong apelyido (Romualdez) at ang President natin ngayon, isang Aquino..xxx.”


Tapos na iyon. Itong paggunita, isang taon ng pagbayo ni Yolanda, binisita ni BSA3 ang bayan ng Guian at Palo at hindi ang Tacloban. Sabi ni Aquino, mas malawak daw ang nasira sa dalawang bayan kumpara sa Tacloban?


Sa salita ni PNoy, ililipat na rin daw ang airport mula sa Tacloban tungo sa Palo?


Isang malaking kabaliwan!


Sabi ni Pangulong Noy, “In a two to four meters storm surge, lulubog kaagad ‘yung airport. Si airport naman ang pagdadalhan natin ng initial na, ‘di ba, si doctor, si relief, si communication. Lahat ng wala—‘yung bumagsak ‘pag nagkaroon ng event, airport ang pinakamabilis. Pero ‘yung airport mo, guaranteed isa sa unang babahain at ‘pag binaha ‘yan lilinisin mo. So habang binabaha, hindi pwedeng landingan. Habang nililinis, hindi rin pwedeng landingan. So kailangan na nating ilipat ito kasi ang alternative gagawa tayo ng seawall,”


Sagot naman ni Leyte Congressman Ferdinand Romualdez, “All aircraft from other countries, big and small, used the Tacloban airport to bring in relief goods, medical equipment and personnel-volunteers. What delayed the use of the airport was the clearing of debris but it was cleared of debris in 24 hours,”


Para gumawa ng bagong airport sa Palo, P12-bilyon ang kailangan. Meron na raw nakalaan? Ano kaya kung matibay na seawall ang gawin kung ‘yung baha lang ang problema mo Mr. President?


Malinaw na isyung politikal ang plano ng rehimeng Aquino sa usapin ng airport sa Leyte. Kapartido’t kaalyado nina PNoy ang angkan ng Petilla. Sa isipan niya, kaaway ng kanyang pamilya’t angkan ang mga Romualdez dahil sa karanasang politikal sa kamay ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at dating Unang Ginang at Ilocos Congresswoman Imelda Romualdez Marcos. IYAN ANG HINDI MAITATAGO NA KATOTOHANAN!


Kabaliwan na ilipat pa ang Tacloban airport sa Palo, Leyte. Tama na ang politika, Mr. Aquino! Bayan muna!


Ang totoo, kailangan ng Partido Liberal ang malaking pondo sa 2016. Sa P12-bilyon na kunwari ay para sa Palo airport? ‘Yun na iyon. Kabaliwan, hindi ba PNoy? BALETODO/ED VERZOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



MULA TACLOBAN PATUNGONG PALO, LEYTE? KABALIWAN!


No comments:

Post a Comment