MAHIGPIT nang mabababantayan at mamo-monitor ang mga buntis sa pamamagitan na rin ng programa ng Department of Health (DoH) – MIMAROPA na nasasakop ng Midoro, Marinduque, Romblon at Palawan na “Watching Over Mother and Babies Program” (WOMB) sa probinsya ng Oriental Mindoro upang maiwasan ang insidente ng maternal mortality.
Layunin ng nasabing programa na ma-monitor at mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga buntis hinggil sa kanilang pagdadalantao hanggang sa sila ay manganak.
Ayon kay DOH-MIMAROPA Regional Director Eduardo C. Janairo, may mga Rural health workers at Information Technology (IT) ngayon ang nagsasanay sa Calapan, Mindoro na siyang itatalaga at ipapakalat sa lugar.
Ani Janairo, trabaho ng mga health workers na tuntunin ang mga buntis, kunin ang kanilang mga impormasyon upang mairekord at maipadala naman sa IT.
Habang ang mga IT naman ang magdodokumento ng mga records ng mga buntis saka ipadadala ito sa Regional Office.
“Sa pamamagitan ng WOMB program, mahahanap na ang mga buntis na hindi nagpapatingin para sila’y ma-tsek at ma-monitor hanggang sa kanilang panganganak, kaya tinawag natin itong watching over mothers and babies,” ayon pa kay Janairo.
Paliwanag pa ni Janairo, mabibigyan na ng sapat na kaalaman upang maayos ang kanilang panganganak at sa gayun ay maiwasan din ang maternal mortality.
Samantala, pinagkalooban naman ng DOH-MIMAROPA ng libreng pneumococcal vaccine sa Pinamalayan, Oriental Mindoro ang mga senior citizen.
Bukod sa nabanggit na aktibidades, isinagawa rin ang Misting and Disinfection Operations sa Calapan City port sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Layunin ng Misting and Disinfection operations na itaboy ang pinamumugaran ng lamok na may dalang sakit katulad ng nakamamatay na dengue. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment