NATANGAYAN ng mahigit P200,000 halaga ng pera at mga gadgets ng isang Japanese national matapos na masalisihan sa loob ng kanyang tinutuluyang kuwarto sa Oasis Hotel sa Paco, Maynila.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 James Poso,ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), inakala umano ng dalawang roomboy na kasamahan ng biktimang si Hiroyasu Nishikawa, 50, tubong Chiba, Japan at nanunuluyan sa Room 319 ng Oasis Hotel ang dalawang suspek na inabutan ng mga ito sa loob ng kuwarto kaya hinayaan nila itong umalis bitbit ang isang backpack.
Bago ito, umalis umano ang Hapon at tumawag sa front desk upang ipalinis ang kanyang kuwarto nang abutan naman ng dalawang roomboy ang mga suspek na inakalang kasamahan ng turista kaya pinaalis muna sila saka pinababalik.
Natangay ang may JPY 240,000, HK$18,000, Taiwanese $16,000, P3,000, credit cards, pasaporte ng biktima at tatlong cellphone.
Sinabi ni Poso na malalaman nila sa CCTV kung nagsasabi ng totoo ang dalawang roomboy na hindi muna binanggit ang pangalan na may nakapasok na ibang tao sa kuwarto ng biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment