TODONG suporta ang ibibigay ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa bagong hepe ng kapulisan ng lungsod upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan.
Ayon kay Malapitan, nakatakda nang dumating ang 20 mobile car para magamit ng mga pulis sa pag-iikot kung saan mabisa ang police visibility upang mabulabog ang mga criminal upang magdalawang-isip na gumawa ng masama kapag may nakikitang mga pulis na nagroronda.
Humihingi rin ng mga karagdagan pulis si Malapitan sa PNP dahil kulang ang 780 pulis na lungsod sa laki ng lungsod.
Ayon pa kay Malapitan, pangatlo ang lungsod na pinakamalaki sa Metro Manila at kumpara sa Maynila at Quezon City ay halos doble ang kapulisan ng mga ito kaysa sa Caloocan City.
Palalagyan naman ng mga CCTV camera ang bawat barangay sa lungsod na magiging mata kung sakaling may maganap na krimen kung saan sinabi rin ng alkalde na hindi sasaang-ayunan ng lungsod ang budget ng mga barangay na walang cctv.
Nabatid naman kay Senior Supt. Bartolome Bustamante, bagong upong hepe ng lungsod na gagawin niya ang lahat ng makakaya upang hindi mabigo ang mayor kung saan gagawin niya ang nais ni Malapitan na police visibility.
Palalakasin ni Bustamante ang bawat estasyon ng mga pulis kung saan mag-iiwan siya ng mga warrant of arrest para sa mga wanted sa batas upang agad na malaman ng mga pulis na may nagtatago sa naturang barangay. RENE MANAHAN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment