Tuesday, November 4, 2014

Kaso ng carnapping, sumirit

TUMAAS sa 27 ang naitalang insidente ng carnapping mula sa dating 10 – 12 carnapping incidents lamang sa isang araw.


Ito’y ayon sa legal department ng Land Ttransportation Office (LTO) at ang kanilang basehan ay batay sa tinatanggap nilang ulat mula sa iba’t ibang panig ng bansa.


Ayon sa naturang departamento, ang malaking pagtaas ng carnapping incident ay nagsimula nang maubusan ng car plates ang LTO na naipagkakaloob sa mga bagong rehistradong mga sasakyan.


Bukod dito, mas tumindi pa ngayon ang operasyon ng carnapping syndicate dahil hindi nakalagay sa data base ng LTO ang impormasyon ng mga bagong sasakyan.


Ayon sa plate section ng LTO, mahigit 1-milyong mga sasakyan ang hindi pa nila nabibigyan ng car plates mula 2013. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Kaso ng carnapping, sumirit


No comments:

Post a Comment