MAKAKAUWI na bukas, Martes sa kani-kanilang bahay matapos ang 50 araw na pananatili sa evacuation centers ang mga pamilyang lumikas dahil sa pangangalit ng Bulkang Mayon.
Ito ay matapos magdesisyson ang Regional at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na maaari nang makauwi ang mga evacuee na hindi nakatira sa 6-kilometer permanent at 7-km extended danger zones malapit sa bulkan o katumbas ng 80-porsyento nang nasa 54,000 evacuees sa ngayon.
Dahil dito, aabot na lamang sa 10,000-15,000 indibidwal ang matitira sa evacuation center.
Sa ngayon ay nasa alert level 3 pa rin ang Mayon dahilan para posible pa rin ang “hazardous eruption” sa susunod na ilang linggo. Bagama’t matatandaang bumagsak nitong mga nagdaang linggo ang aktibidad na naitatala sa bulkan.
Nililinaw ng disaster officials at Phivolcs na sa ilalim ng alert level 3, ang inirerekomenda lamang nilang ilikas ay ang mga nasa loob ng permanent at extended danger zones. Gina Roluna
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment