SINUGOD ng mga Filipino-Chinese nursery student ang QCPD-Station 2 sa Masambong para sa kanilang field trip. Sinamahan ni Station Commander P/Supt. Pedro Sanchez sa Women and Childrens Protection Desk at ipinakita ang hitsura ng mga uniporme ng pulis para maging pamilyar sila dito sakaling mangailangan ng tulong. Pinamemorya din sa kanila ang numerong 117 na pwedeng tawagan sakaling magkaroon ng emergency. Pinasakay din sila sa police mobile car, ipinakita ang gamit sa pagpaptrolya gaya ng radyo, posas at ipinaliwanag kung saan ito ginagamit. Ayon sa mga otoridad maganda rin ang ganitong mga pagkakataon para maging pamilyar ang mga bata sa mga pulis. At hindi sila matakot na humingi ng tulong sa mga ito. VAL LEONARDO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment