Thursday, November 27, 2014

Female singer taghirap na, may gusto pang mang-aswang ng dyowa

PINANINDIGAN ng singer ang pagmamahal sa kanyang dyowa na nakilala lamang niya sa isang gay bar. Nagsasama sila ngayon sa isang probinsya at nagtatanim na ng gulay. Pinipilit ng singer na makabalik sa mundo ng showbiz pero wala nang kumukuha sa kanya.


Lahat ng sakripisyo ay ginagawa ng singer para sa kanyang papang batang-bata sa kanya at sa pamilya nito na tinutulungan niya. Ang sariling anak niya sa unang lalaki ay nakakulong daw ngayon sa Saudi Arabia pero hindi niya magawang tulungan. Pati ang tarpaulin business ay pinasok ng hitad at ang pagretoke sa mga litrato.


Sa sobrang kahirapan na dinaranas ng dating sikat na singer, maging ang kanyang third eye ay apektado, hindi na ito gumagana ngayon. Wala na yata siyang nakikitang mga kakaibang nilalang. Ang kanyang faith healing service ay natigil (o, wala lang talagang nagtitiwala sa kanyang special power) na rin.


Maghirap man siya’t lahat basta ang kanyang papa ay hindi niya pababayaan at ipaglalaban niya ito hanggang kamatayan. Nanggigigil nga siya ngayon sa isang indie director na gustong aswangin ang kanyang papa. Nag-advance kasi ng 2K ang huli sa direktor para sa panggastos nila pero sa isang kondisyon, magbibigay muna ng hubad na larawan ito sa hayok sa lamang direktor na matagal na palang may pagnanasa kay papsy.


Mukhang malabo nang matulong ang proyekto dahil wala pang ibinibigay na downpayment sa nasabing singer na nagsisilbing manager ni papsy. Eh, two-thou nga hindi maibigay at may kapalit pang nude photo, DP pa kaya?


Sino kaya ang direktor na ‘to, si BC ba, SM, RR o si BA? Hehehe!


***


DANIEL MATSUNAGA, GINAWANG PARAUSAN NG BABAE


Isang may account name na Teesh De Sagun II sa Facebook ang nagbisto na naging boylet niya si Daniel Matsunaga. Kaya ito nagtatalak at ikinanta ang nangyayari sa kanila ni Daniel dahil nag-aaway sila ngayong ng kanyang boyfriend na hindi na hindi nito pinangalanan.


Sa tuwing mag-aaway daw sila ng kanyang boyfriend ang ex PBB housemate ang pinupuntahan nito para lamang makipag-sex at upang asarin din daw ang papa nito.


Ano ba ‘yan, kung true ito, si Daniel ba ang tagakamot ng mga nangangating babae?


Aba’y may nakarating din kasi sa aming chika na may isang kilalang TV personality din daw na sineserbisyuhan ang Japanese/Brazilian hunk na itetch.


***

For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE


.. Continue: Remate.ph (source)



Female singer taghirap na, may gusto pang mang-aswang ng dyowa


No comments:

Post a Comment