Tuesday, November 11, 2014

LPA ramdam na sa Vis-Min

UMAARANGKADA na ang mga pag-ulan sa Visayas at Mindanao bunsod ng low pressure area (LPA) na unang namataan sa silangan ng Mindanao.


Ayon kay PAGASA forecaster Rene Paciente, huling namataan ang LPA sa layong 605 kilometro sa silangan ng Surigao City.


Sa pagtaya ng weather bureau, hindi na ito lalakas at sa halip ay malulusaw na sa susunod na maghapon.


Gayunman, mananalasa pa rin ito ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.


Ang Northern at Central Luzon naman ay lalo pang maaapektuhan ng malamig na hanging amihan sa mga darating na araw. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



LPA ramdam na sa Vis-Min


No comments:

Post a Comment