Tuesday, November 11, 2014

Dalagita patay sa pagkalunod sa Pangasinan

LINGAYEN, PANGASINAN – Isang 13-anyos na dalagita na honor student ang namatay matapos malunod habang naliligo sa Agno River sa Lingayen sa nasabing lalawigan.


Ang biktima ay nakilala lamang sa pangalang ‘Girlie’, ng nasabing bayan.


Ayon sa Lingayen police, tinangay ng tubig ang biktima sa malalim na parte ng ilog.


Samantala, sinabi naman ng ina ng biktima na ang apat na kapatid nito ay nailigtas.


Sa imbestigasyon, si Girlie at ang kanyang apat na kapatid ay nagkayayaang maligo sa nasabing ilog.


Humingi ng saklolo ang ina sa karatig bahay upang hanapin ang biktima.


Sa ngayon ay nakalagak na ang bangkay ng bata sa kanilang tahanan. ALLAN BERGONIA


.. Continue: Remate.ph (source)



Dalagita patay sa pagkalunod sa Pangasinan


No comments:

Post a Comment