LUSOT na sa Senado ang pambansang badyet para sa susunod na taon bagaman inupakan ito kamakailan ng ilang kritiko ng administrasyong PNoy dahil kargado umano ito ng pork barrel.
Bago niyan, binatikos ni Sen. Miriam Santiago ang nilalaman ng panukalang badyet na mayroon daw lihim na pork barrel na nakasilid sa ilang ahensya ng gobyerno.
Palong-palo si Miriam nang ikalso nito sa publiko ang Pork Barrel na ipinagbawal na ng Korte Suprema. Niyari rin niya ang tutang kalbo ni PNoy dahil sa depenisyon ng ‘savings’.
Hehe he… kaya pala umusok itong si Miriam ay dahil lusot na sa Senado ang nasabing badyet. Inunahan niyang siraan sa publiko ang Senado na kontrolado ni PNoy.
Madam Miriam, talagang ganyan ang sistema natin sa Pinas. Ang nakararami ang siyang nasusunod kaya kahit DITuwid na Daan ay uubra dahil sila ngayon ang nakararami.
Kung sino ang may taban ng palay ay tiyak na yuyuko ang mga manok. Susunod kahit saan ipaling ang palad na mayroong palay upang makatuka lang, nag-uunahan pa nga para makalamang sa isa’t isa.
Hayaan na natin itong si Miriam dahil mas maganda ang punto ni Sen. Bongbong Marcos patungkol sa sobrang pondo at proyekto ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas. Ober de bakod na si pogi!
Argabyado nga naman itong si Marcos na pumupostura rin sa Elections 2016 kung kargado ng sobrang pondo at proyekto ni Roxas na alam na yata ng lahat ng Pinoy na ito ay taeng-tae nang maging Presidente ng bansa.
E, ano bang pakialam natin? Sila ngayon ang mga maton ng bayan kaya maglulupasay man tayo ay ipipilit pa rin nila ang kanilang interes dahil sa panahon ngayon – sila lamang ang magagaling sa bansa.
Nang dahil sa Election 2016 ay marami na ang nabubuwang, ‘yung isa ay taeng-tae na habang ‘yung iba naman naglalaway na nang todo kaya ang resulta ay kanya-kanyang sila ng pautot sa publiko. ‘Tragis na ‘yan!
***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment