ISA na namang kapuso aktres TV host ang aalis na sa kinabibilangan niyang programa, ang Eat Bulaga.
si Isabelle Daza ay nagpaalam na raw sa kanyang mga kasamahang Dabarkads nito lang nakaraang linggo bagama’t nanghihinayang siya na umalis na siya sa programa subalit hinding-hindi niya makalilimutan ang masasayang araw na inilagi niya sa noontime show sa loob ng apat na taon.
Nasa Dos na raw ang magandang anak ng Miss Universe Gloria Diaz. Tinanggap daw ang offer ng Dos ng kanyang manager na si Leo Dominguez.
Mas malaki raw ba ang magiging talent fee roon? May pagtatakang tanong ng aking hairdresser na si Samantha. Hindi naman siguro. Gusto lang yatang mag-grow ni Isabelle bilang artista dahil hindi marahil hindi siya nabibigyan ng project tulad ng soap opera. Mami-miss si Isabelle ng kanyang mga Eat Bulaga Fans.
-0-
Pinatunayang muli ang bagsik ng kamao ni Congressman Manny Pacquiao ng anim na beses pinatumba ang kalaban niyang American boxer na si Chris Algieri na hindi pa natatalo sa kanyang larangan. Ipinagyayabang pa naman ng Kano na si Pacman ang kanyang patutumbahin. Ganon din ang paniniwala ng manager nito at iba pang mga Amerikano na ina-knokout daw si Pacquiao.
Sina California Governor/actor na si Arnold Schwarzenegger at Sylvester Stallone ay pumunta ng Macau upang panoorin ang boksing ng kanilang idol na si Pacman. Bago ang laban ay bumisita pa ang dalawa sa room ni Manny at nakipag-picture taking pa. Nang matapos daw ang fight ni Pacquiao at algieri, naniwala na sila na ang ating pambansang kamao ay the best in the world. O, ‘di ba naman!
-0-
Bagama’t matagal nang hindi lumalabas sa pelikula at telebisyon ang actor na si Dennis Isla, meron naman itong trabaho sa City Hall ng Manila kay Mayor Joseph Estrada. Iba talaga kapag nakapag-aral. Merong kapupuntahan kapag walang project sa industriya ng pelikula at telebisyon. Huling napanood si Dennis sa isang pelikulang pang metro Manila Film Festival na ang pamagat ay Four Fathers na idinerek ni Edgardo “Boy” Vinarao.
Miss na rin ni Dennis Isla ang pag-arte at sana nga ma-rediscover uli siya. Nitong magkita kaming dalawa, para ring walang nabago sa sa kanya. Ganon pa rin ang maganda niyang mukha. Mukha pa rin siyang artista. Ang nabago lang sa kanya ay ang kanyang edad. Father role na. Hahaha! Babu! Ciao Bambino! MEMORABILIA/MATUK ASTORGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment