Tuesday, November 25, 2014

Katiwalian sa bilibid linisin – De Lima

HINAMON ni Justice Secretary Leila de Lima si Bureau of Corrections (Bucor) director Franklin Jesus Bucayu na linisin ang talamak na katiwalian sa loob ng pambansang piitan.


Una rito, inamin mismo ni DoJ Sec Leila de Lima na nakababahala ang sitwasyon sa nasabing piitan na nakumpirma na ilan sa mga maimpluwensyang inmate ay namamayagpag sa loob ng piitan.


Dahil dito, hinamon ni De Lima si Bucayu na linisin ang hanay nila at ang kawani dahil may bahid ng katotohanan ang mga balita hinggil sa katiwalian sa loob ng piitan.


Sinabi naman ni Bucayu na inumpisahan na nila ang imbestigasyon kaugnay sa mga kontrabandong naipapasok sa loob.


Mamadaliin na rin umano ang pagpirma sa implementing rules and regulation ng BuCor modernization act para bigyan ng mas mataas na sahod ang mga prison guard, mas magandang kagamitan, at tauhan ng ahensya.


Malaking tulong umano ang budget na ibibigay sa ahensya lalo na sa sahod ng mga prison guard na nag-uumpisa sa P12,000 lang kaya napipilitan ang mga ito na tumanggap ng suhol sa mga inmtate dahil sa liit ng sahod.


Sa ngayon, aabot sa P1-billion ang pondo ng nasabing piitan at karamihan dito ay nagagamit sa pagkain ng mahigit 21,800 inmates.


Malaki rin umanong tulong ang ipinatatayong kulungan sa Nueva Ecija dahil ang capacity lamang ng National Bilibid Prison (NBP) ay 9,000 katao.


Sinabi ni Bucayu na aabot sa 25,000 ang kapasidad ng bagong piitan na itinuturing na mega prison na paglilipatan ng ibang inmate. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Katiwalian sa bilibid linisin – De Lima


No comments:

Post a Comment