TODAS ang may siyam katao kabilang ang kilalang pastor na si Myles Munroe makaraang mahulog ang isang jet sa Grand Bahama.
Nabatid na nasagi ng eroplano ang isang crane sa Freeport Ship Yard at tuluyang bumulusok sa kalapit na “junk site.”
Kinumpirma naman ni Bahamian Prime Minister Perry Christie na kasama sa mga namatay ang naturang pastor at ang asawang si Ruth.
Si Myles Munroe ang senior pastor ng Bahamas Faith Ministries International Fellowship.
Sa kasalukuyan, iniimbestigahan na ng Royal Bahamas Police Force ang nasabing insidente. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment