Monday, November 3, 2014

ILITSON SI DRILON AT PUWESTO PIJO SA LEMERY

KAHIT sinasabi natin noon pa man na hindi tayo pabor sa timing dahil nagkukulay politika lang ang isinasagawang imbestigasyon ng Senado laban kay Vice-President Jojo Binay, gayunman ay hindi na ngayon mapigilan ang pagnanasa ng taumbayan.


Na malaman ang katotohanan, kung nasa magkano nga umabot ang perang nakulimbat umano ni Nognog!


May tanong lang tayo kina Sens. Koko Pimentel, Alan Peter Cayetano at Antonio Trillanes.


Desidido nga ba kayo na halukayin ang mga posibleng nangulimbat sa pera ng bayan? Ha?


Kahit sino pang hijo de-putang opisyal ang nasasangkot?


Hmmm, bakit hindi na rin ninyo imbestigahan ang umano ay milyones na “overpricing” sa Iloilo Convention Center (ICC)?


Aba’y hindi maaaring pumaimbulog ang presyo ng lintek na proyektong ‘yan kung walang nagkamal diyan! At ang masakit ay (pork barrel) “baboy” si Sen. Drilon, este, ni senador ang itinuturong pinagmulan ng nasabing pondo.


Kaya hindi kapani-paniwalang si Binay pa rin ang bumaboy sa nasabing proyekto.


Lalo namang malabo kung ang iturong nangulimbat diyan ay sina Tanda, Beauty at Sexy!


Hek, hek, hek!


Ibig-sabihin, ang baboy lang ang posibleng bumaboy sa ICC. Ehek!


‘Yan ay kung may naganap ngang pambababoy!


Ibig kong sabihin, parekoy, kaugnay sa posibleng anomalya sa ICC, eh, bakit hindi igisa o ilitson si Sen. Drilon?


Nawawala ba ang tikas sa imbestigasyon nina Pimentel, Cayetano, etal. kung ang kanilang kaalyadong Senate President ang nasasangkot? Ha?


At walang dahilan, parekoy, itong mga magigiting na senador dahil gaya ng sinimulang imbestigasyon sa Makati, ang kaso ng ICC ay “overpricing.” At kung sa kaso ng Makati ay puro ngakngak lang ang “whistle blower” kuno na si Mercado, itong sa kaso ng ICC y may nagsampa na talaga ng kasong “plunder” laban kina Sen. Drilon!


In-short, mas madaling ilitson at/o patunayan itong baboy kesa sa ulikba!


Hak, hak, hak!


‘Yun nga lang, parekoy, ‘yan ay kung totoong kontra-anomalya nga itong ating magigiting na senador!


Ilitson ‘yan, now na!


-o0o-


Mismong ang nagpapakilalang collector ni Provincial Director Sr. Supt. Jireh Omega Fidel ang sumasalo sa isang pwesto pijo sa palengke ng Lemery, Batangas.


Kaya hindi natitinag ang nasabing lantarang iligal na sugal ng isang Tita!


Hindi lang natin malaman kung talagang may basbas ni PD Fidel itong ginagawa ng isang pulis na nagpapakilalang collector niya.


O kaya ay binubukulan lang ng animal na ito si PD!


Para magkaalaman na ay nararapat sigurong iparatsada na ni PD itong puwesto pijo ni Tita! BURDADO/JUN BRIONES


.. Continue: Remate.ph (source)



ILITSON SI DRILON AT PUWESTO PIJO SA LEMERY


No comments:

Post a Comment