PINAGHAHANAP na ngayon ng awtoridad ang isang lalaki na inirereklamong nanghalay sa isang menor-de-edad na kasambahay sa lungsod ng Lucena.
Napag-alamang namasukan umano ang biktima bilang kasambahay sa kanilang lugar, ngunit ginagawa raw parausan ng kanyang amo.
Dahil sa ginagawang pambababoy ay nagsumbong na ang biktima sa kanyang inang walang kaalam-alam sa ginagawa sa kanya ng amo.
Ayon sa biktima, matapos maligo ay bigla na lang siyang pinasok ng suspek at pwersahang siyang hinila papasok sa kuwarto nito para isakatuparan ang panghahalay.
Nabatid na ilang ulit na siyang pinagsamantalahan ng kanyang amo sa bahay nito ngunit ‘di makapagsumbong ng biktima sa takot na patayin siya ng suspek.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang biktima habang hinahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa ng awtoridad. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment