Wednesday, November 26, 2014

4 na Pinoy, utas sa aksidente sa Alberta, Canada

DEAD-ON-THE-SPOT ang apat na overseas Filipino workers (OFWs) matapos ang isang malagim na car accident sa Alberta, Canada.


Kinilala ang mga biktimang sina Archie Bermillo, Romil Mosina, kapwa empleyado ng isang kilalang burger joint, at Rosalinda Tipdas at Eva Janet Caperina, pawang mga maid.


Sa ulat, patungo sila sa Kingman nang dumulas ang kanilang sasakyan sa kalsadang balot ng snow kaya’t nakabanggaan ang isang tractor.


Nakipagkasundo na ang Office of the Honorary Consul sa Edmonton sa employer ng mga biktima para sa agarang repatriation ng kanilang mga labi. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



4 na Pinoy, utas sa aksidente sa Alberta, Canada


No comments:

Post a Comment