ANG tanong ay sumipot kaya si Vice-President Jojo Binay sa pagdinig ng blue ribbon committee ng Senado sa darating na Huwebes na kung saan ay pinagbibintangan siya ng samu’t saring katiwalian?
Malamang na hindi.
Si Binay kaya ay sumipot sa sarili niyang hamon ng debate laban kay Senador Antonio Trillanes sa susunod na linggo?
Malamang na hindi.
Ang sapantaha kong ito ay base sa mga pahayag ng mga sarili niyang tagapagsalita na naniniwala na ang tamang venue o lugar ng ganitong uri ng paglilitis ay sa Office of the Ombudsman at hindi sa Senado.
Hindi rin daw dapat lumaban sa isang debate ang Bise-Presidente dahil pawang kasinungalingan lamang daw ang bibigkasin ni Trillanes sa debateng ito.
Ang problema ay si Binay mismo ang nagbigay ng pangako na dadalo lamang siya sa pagdinig ng Senado kung ang utos ay manggagaling lamang sa mother Blue Ribbon committee at hindi sa isang sub-committee na pinamumunuan ni Senador Koko Pimentel.
Last week, wala nang katiyakan si Binay na haharap siya sa Senado.
Ang sabi niya ay pag-iisipan din muna niya ito. At may isa pang kahilingan ang kampo ni Binay.
Pinabubura nila ang sub-committee hearing at ang pagtigil ng Senado sa kaso ng katiwalian o corruption na kinahaharap ng ating Vice-President dahil sinungaling daw si Bise Mercado.
May isa pa siyang tiniyak na siya ay darating sa debate nila ni Trillanes sa isang televised debate na ang sponsor ay ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Ang naghamon ay si Binay at ang tumanggap ng hamon ay si Trillanes.
Sa campaign TV commercial ni Trillanes ay eto ang kanyang pagpapakilala sa sarili: Si Trillanes ay atapang na tao, hindi atakbo.
Si Binay ay atapang na tao rin, pero atakbo kaya siya? DEEP FRIED/RAUL VALINO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment