Tuesday, November 25, 2014

Binay, kakasuhan na ang mga kritiko

HINIMOK ng mga kaalyado ni Vice-President Jejomar Binay na sampahan na ng kaso ang umano’y naninira dito.


Ayon kay Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian, panahon na para buweltahan ni Binay ang mga detractors nito sa ligal na pamamaraan.


Para sa mambabatas, hindi dapat pagpasensyahan na lang ng bise-Presidente dahil sumusobra na ang mga nagbabato dito ng kung anu-anong bintang.


Mula sa overpricing ng mga gusaling itinatayo sa Makati, nanganak na ang mga alegasyon dito ng katiwalian at pagpapayaman sa posisyon.


Bukod sa malawak na hacienda sa Rosario, Batangas, naakusahan na rin si Binay ng pagmamay-ari ng mga condo unit na umano’y ipinangalan pa sa mga dummy at pinakahuli ay ang dalawang ektaryang lupain naman sa Dingalan, Aurora. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Binay, kakasuhan na ang mga kritiko


No comments:

Post a Comment