Monday, November 3, 2014

Bagyong Paeng, humina habang papalayo

HUMIHINA na habang lumalayo sa Philippine area of responsibility (PAR) ang Bagyong Paeng.


Bagama’t isa pa ring typhoon, taglay na lamang ng bagyo ang lakas ng hanging papalo sa 195 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna at may 230 kph na pagbugso.


Kumikilos pa rin ito pahilagang-silangan sa bilis na 15 kph at huling namataan sa layong 1,295 kilometro silangan ng Basco, Batanes.


Ayon kay PAGASA weather forecaster Buddy Javier, inaasahang lalabas na ng PAR ang bagyo ngayong tanghali.


Posibleng sa paglabas ng PAR ng bagyo, bababa na muli ang temperatura dahil sa Amihan o Northeast monsoon.


Pero dahil sa trough o extension ni “Paeng,” asahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Central Visayas at Mindanao.


Pulo-pulong mahinang pag-ulan naman ang mararansan sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos Region dulot naman ng Amihan.


Habang sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog naman ang posibleng maranasan.


May gale warning pa rin sa northern at eastern seaboards ng Luzon at eastern seaboard ng Visayas. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagyong Paeng, humina habang papalayo


No comments:

Post a Comment