MAHIGPIT na inatasan ni Pangulong Benigno Aqiuno III ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na pulbusin ang Abu Sayyaf Group (ASG).
Sa kabilang dako, kumbinsido ang Pangulong Aquino na hindi pa kailangan ang tulong ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) para labanan ang Abu Sayyaf Group.
Ito’y dahil sa pagkakapaslang ng anim na sundalo sa Basilan kasunod lamang ng paglaya ng dalawang Germans kapalit ng ransom money sa mga Abu Sayyaf.
Sinabi ni Pangulong Aquino na sapat ang puwersa ng AFP at PNP para malipol ang mga terorista.
Ayon sa Pangulong Aquino, mahigpit ang kanyang atas para sa walang humpay na operasyon laban sa Abu Sayyaf hanggang sila’y maubos.
Kasabay ng military operations ang livelihood projects para sa mga komunidad na ginagamit pangproteksyon ng mga terorista. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment