SA panahong ang elektrisidad ay pangunahing problema ng bansa, kapuri-puri ang inisyatibo ng SM management para gumamit ng alternative energy.
Ang SM North EDSA ang kauna-unahang mall, hindi lang marahil sa buong bansa kundi sa buong mundo, na gagamit ng solar power.
Kikilalanin din ito ng Guinness world record bilang mall na may pinakamalaking solar power facility dahil makapagdye-generate ito ng 1.5 megawatts.
Umabot ng kabuuang 5,760 solar panels, inaasahang magbibigay ito ng 5 porsyentong tulong sa araw-araw na electricity consumption ng mall.
Tama ang aksyon na ito ng Sy family dahil ito’y maliwanag na kanilang ambag sa pagsusumikap ng gobyerno laban sa nakaambang power crisis.
Bukod sa ambag na ito sa pamahalaan, makatitipid pa ang SM dahil, ayon sa kanila, P2-milyon ang mababawas sa electric power bill ng mall kada buwan.
Sa pagtataya ng SM, ang nasabing power facility ay kayang ilawan ang 16,000 lighting fixtures, patatakbuhin ang 59 escalator at 20 elevator ng mall.
Dala ng tumatandang power firms, may pangamba ang Energy Department na magkaroon ng power shortage simula sa 2nd quarter ng darating na taon.
Kaya ang masasabi natin, napapanahon ang paglalagay ng Sy family ng naturang solar power facility sa kanilang sangay riyan sa North EDSA.
Ang maganda pa raw sa solar facility, ito’y environment-friendly na siguradong ‘friendly’ rin sa libo-libong mamimili ng SM malls.
Ang galing talaga ng SM management.
Dahil sa nakaambang power crisis, sana’y magkaisip ang iba pang malalaking negosyo na gumamit ng energy alternatives, tulad ng solar power.
Hindi lang business firms ang kailangang kumilos, kundi lahat ng gumagamit ng elektrisidad para nakahanda pagsuong ng power shortage.
Siguro’y kailangang kumilos din ang local government unit leaders para sa pagsasakatuparan ng paggamit ng alternatibong power facilities.
Sa sama-samang pagtutulungan ng mga lider at kanilang constituents, baka sakaling ‘di na makaranas ang bansa ng power crisis sa 2015. CHOKEPOINT/BONG PADUA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment