MARIING ipinahayag ni Budget Secretary Butch Abad na walang pork barrel sa panukalang P2.6-trilyong budget para sa 2015.
Ang pahayag ay paninindigan ng kalihim dahil sa pagkwestyon ni Senador Miriam Defensor-Santiago sa umano’y P37.3-bilyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) na nakatago sa lump sum funds.
Pero ipinagtataka ni Abad kung saan nanggaling ang sinasabing mahigit P37-bilyon ni Santiago.
Malinaw aniyang wala nang pork barrel sa 2015 budget.
“This is the most detailed budget ever presented to Congress,” depensa pa ni Abad maliban na lang aniya sa mga pondong gagamitin sa mga hindi pa masabing pangyayari tulad ng lindol o bagyo.
Matatandaang idineklara na ring unconstitutional ng Korte Suprema ang PDAF.
Posibleng bukas o sa mga susunod na araw, maipapasa na sa Senado ang 2015 budget ng gobyerno. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment