Tuesday, November 25, 2014

2 timbog sa pagbebenta ng gasolina ng LGU

LAOAG CITY – Arestado ang dalawang empleyado ng Laoag City engineering office matapos silang mahuling nagbebenta ng gasolina ng Local Government Unit (LGU).


Ang mga suspek ay nakilalang sina Valentine Agcaoili at Devid Melchor, ng nasabing siyudad.


Sa imbestigasyon, nahuli ang mga suspek sa aktong nagbebenta ng walong containers o 160 liters cruel oil sa isang lalaking sakay ng tricycle malapit sa landfill sa halagang P4,000.


Hindi umano ito ang unang pagkakataon na magbenta ng gasolina ang mga suspek sapagkat matagal na nilang gawain ito at matagal na din silang minamanmanan ng pulisya.


Ang mga nasabing gasolina ay nakalaan upang gamitin ng mga sasakyan ng lokal na pamahalaan.


Nahaharap sa kasong administrative at criminal ang mga suspek. ALLAN BERGONIA


.. Continue: Remate.ph (source)



2 timbog sa pagbebenta ng gasolina ng LGU


No comments:

Post a Comment