Tuesday, November 11, 2014

2 rider umiwas sa checkpoint, lagas sa bus

DAHIL sa pag-iwas sa checkpoint, dalawang lalaki ang nalagas nang suwagin ng isang pampasaherong bus ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Ilocos Sur kaninang madaling-araw, Nobyembre 11.


Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Albert Soliven, 30, may asawa at Ronnel Sagun, 23, kapwa ng Bgy. Sarapidap, Candon City.


Sumuko naman agad sa Candon PNP at nahaharap sa kasong 2 counts ng reckless imprudence resulting to homicide ang suspek na si Junriel Gubatan, 36, tubong Claveria, Cagayan.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 12:45 a.m. sa national highway ng San Isidro, Candon City.


Bago ito, nabatid na tinakasan ng mga biktima ang isang police checkpoint na nakalatag sa lugar.


Pero habang humaharurot papatakas ay hindi napansin ni Soliven na siyang nagmamaneho ng motorsiklo ang isang humaharurot na Florida Bus.


Sa lakas na pagkakasuwag, tumilapon sa ere ang dalawa at nasagasaan pa ng bus nang bumagsak sila sa kalsada. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



2 rider umiwas sa checkpoint, lagas sa bus


No comments:

Post a Comment