Thursday, July 31, 2014

Giyera uli!

PINAAAGAPAN ng ilang kongresista sa liderato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pagkadismaya dahil sa usad-pagong na panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay Magdalo Rep. Ashley Francisco Acedillo sa liderato ng MILF, posibleng mauwi sa hindi pagkakaunawaan at digmaan uli kung hindi maipaliliwanag at pahuhupain ang diskuntento ng ilang miyembro nito sa mabagal na pagsusumite ng Malacañang sa Kongreso ng BBL.

Pakiusap ni Acedillo, dapat magkusa ang mga opisyal ng MILF na ipaliwanag sa mga miyembro kung bakit naaantala ang pagtalakay ng Kongreso sa BBL dahil hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa ito ng Palasyo.

Naunang sinabi ni House Majority Leader Neptali Gonzales II na hindi pa naisusumite ng Malakanyang ang BBL draft sa Kongreso dahil patuloy pa rin ang ginagawang pag-aaral dito.

Nangangamba ang kongresista na magkaroon ng espekulasyon ang mga dismayadong miyembro at ibang impormasyon ang marinig na iba sa kanilang expectation sa naging resulta ng negosasyong pangkapayapaan at sa nilagdaang kasunduan.

Matapos ang SONA ni Pangulong Aquino, lumabas ang pagka-diskuntento ng ilang miyembro ng MILF sa katagalan ng pag-aksyon ng Malakanyang ukol dito at mayroong naaalarma sa posibilidad na mauwi uli ito sa digmaan.


.. Continue: Remate.ph (source)



Giyera uli!


Sinapit ng Pinay nurse sa Libya, kinondena ng Malakanyang

KINONDENA ng Malakanyang ang sinapit ng isang Filipina nurse na dinukot at hinalay ng armadong kalalakihan sa Tripoli, Libya.


Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, hindi na ligtas ang mga Pinoy sa naturang lugar kaya dapat ng umuwi ang mga ito upang makaiwas sa kaguluhan.


Umapela naman si Coloma sa mga OFW sa Libya na makipag-ugnayan sa quick response team ng Department of Foreign Affairs (DFA) upang mapabilis ang kanilang repatriation.


Papasok na sana sa trabaho ang Pinay nurse nang matiyempuhan ng mga armadong lalaki at matapos dukutin at pagsamantalahan ay pinalaya makalipas ang dalawang oras.


Sa kasalukuyan hawak na ng Philippine Embassy sa Libya ang Pinay nurse na dinukot at hinalay sa Tripoli, Libya.


Ipinabatid ni DFA Spokesman Charles Jose na dinala na ng embahada sa ospital ang biktima at isinailalim na sa medical check-up.


Ayon sa DFA, Miyerkules ng umaga, oras sa Tripoli nang dukutin ang Pinay ng mga kabataang Libyan sa harap ng tinitirhan nito bago dinala sa hindi pa malamang lugar.


Pinakawalan din ang biktima makalipas ang dalawang oras matapos dukutin at gahasain ng anim na suspek. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Sinapit ng Pinay nurse sa Libya, kinondena ng Malakanyang


Tatay nilamog, utol na babae muntik halayin ng kelot na sabog

INAMIN ng 17-anyos na binatilyo na siya ay nasa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot kaya nagawa niyang bugbugin ang ama at tinangkang halayin ang kapatid na babae sa San Mateo, Isabela.


Sinabi ni Mark (hindi tunay na pangalan), gumamit siya ng ipinagbabawal na droga kaya hindi niya alam kung papaano nabugbog ang ama at tinangka pang halayin ang kapatid na babae.

Bukod sa paggamit ng droga ay nahaharap din sa kasong pagnanakaw ang binatilyo.

Ilang ulit na ring pabalik-balik sa rehabilitation center ang suspek subalit dahil sa awa ng mga magulang ay inilalabas din. Marjorie Dacoro

.. Continue: Remate.ph (source)



Tatay nilamog, utol na babae muntik halayin ng kelot na sabog


P20 rollback sa LPG, ipatutupad ngayon

MAGPAPATUPAD ng mahigit P20 price rollback sa kada tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) ang mga kompanya ng LPG ngayong umaga.


Unang nagpaabiso ang Petron na magtatapyas ng P2.25 kada kilo ng kanilang Gasul at Fiesta Gas alas-12:01 ng madaling-araw at P1.25 naman ang tapyas sa kada litro ng auto LPG.

Ang Solane ay magbababa ng P1.90 kada kilo ng LPG.

Alas-6:00 naman ng umaga magkakaroon ng rollback ang Total at aabot ito sa P2.00 kada kilo. Marjorie Ann Dacoro

.. Continue: Remate.ph (source)



P20 rollback sa LPG, ipatutupad ngayon


Mamamayan sa Zambales umapela sa DENR

MANILA, Philippines - Umaapela sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang iba’t ibang stakeholders sa Zambales na umano’y labis nang naaap .. Continue: Philstar.com (source)



Mamamayan sa Zambales umapela sa DENR


Pinay dinukot, ginahasa sa Libya!

MANILA, Philippines - Isang Pinay nurse ang dinukot at ginahasa ng mga kabataang Libyan sa ka­sagsagan ng mandatory evacuation ng pamahalaan sa libu-libong P .. Continue: Philstar.com (source)



Pinay dinukot, ginahasa sa Libya!


Kondisyon ni PNoy hiling isapubliko

MANILA, Philippines - Hinikayat ng ilang kongresista ang Malacañang na isapubliko ang kon­dis­yon ng kalusugan ni Pangulong Aquino. .. Continue: Philstar.com (source)



Kondisyon ni PNoy hiling isapubliko


Pinas mangungutang para mapunan ang P2.6T budget

MANILA, Philippines - Mapipilitan pa ring mangutang ang Pilipinas sa domestic bank at international funding institution upang mapunan ang P283.7 bilyong budg .. Continue: Philstar.com (source)



Pinas mangungutang para mapunan ang P2.6T budget


Ebidensya ng 50% ‘kickback’ ni Revilla sa pork scam, iprinisinta ni Benhur Luy

MANILA, Philippines - Tumanggap umano ng 50 percent kickback mula sa kanyang Priority Develop­ment Assistance Fund o (PDAF) si Sen. .. Continue: Philstar.com (source)



Ebidensya ng 50% ‘kickback’ ni Revilla sa pork scam, iprinisinta ni Benhur Luy


2015 budget dadaan sa butas ng karayom

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Sen. .. Continue: Philstar.com (source)



2015 budget dadaan sa butas ng karayom


NFA rice ibinebenta bilang commercial rice, 10 NFA officials binubusisi

MANILA, Philippines - Iniimbestigahan ang 10 opisyal ng National Food Authority na nasa likod umano ng bentahan ng NFA rice bilang commercial rice. .. Continue: Philstar.com (source)



NFA rice ibinebenta bilang commercial rice, 10 NFA officials binubusisi


5 airlines lilipat sa NAIA 3

MANILA, Philippines - Full blast na ngayon ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 matapos lumipat dito ang limang malalaking i .. Continue: Philstar.com (source)



5 airlines lilipat sa NAIA 3


'Di lang pinagbabaril: Abu Sayyaf, pinasabugan din ang mga minasaker na sibilyan sa Sulu

Tinukoy ng mga awtoridad na si Abu Sayyaf leader Indang Susukan ang nanguna sa pananambang at pagpatay sa may 23 sibilyan sa Talipao, Sulu noong Lunes. Bukod sa iba't ibang kalibre ng baril, gumamit din ng mga pampasabog ang mga bandido sa pagpatay sa mga biktima. .. Continue: GMANetwork.com (source)



'Di lang pinagbabaril: Abu Sayyaf, pinasabugan din ang mga minasaker na sibilyan sa Sulu


‘DI APEKTADO!

TAHASANG sinabi ni Senator Nancy Binay sa Kapihan sa Senado na kahit anong alipusta at komento sa kanyang mga kasoutan, ay hindi siya nagagalit, bagkus ay masaya ito dahil napapansin ng mga tao. CESAR MORALES


.. Continue: Remate.ph (source)



‘DI APEKTADO!


Nancy: ‘Abangan ang susunod na SONA outfit’

MAS lalong naging hamon sa lady solon ang magsuot ng ibang disenyong outfit sa SONA sa kabila ng mga batikos na inani nito sa suot na terno nitong Lunes sa pagbubukas ng 2nd regular session sa 16th Congress.


“Walang time.” Tahasang sagot ni Sen. Nancy Binay sa tanong ng media kung sasagutin ba nito ang mga patutsada ng netizens kaugnay sa outfit nito na sinasabing mala-parachute sa pagbubukas ng Kongreso nitong Hulyo 28, 2014.


Sa lingguhang Kapihan sa Senado nitong Huwebes, ‘relax’ na sinabi nito na mas marami pang bagay siyang dapat na isipin at pagtuunan ng pansin kesa patulan ang kaniyang ‘online bashers’ kaugnay sa isyu ng kanyang SONA outfit.


Aniya, mas lalo niyang nararamdaman ang hamon na mag-eksperimento ng panibagong outfit sa susunod na SONA sa 2015.


“Abangan ang susunod na outfit! ‘Di ba ganun naman sa fashion, dapat adventurous ka. Feeling ko kahit ready na ‘yung isusuot ko next year mayroon pa ring magba-bash,” ayon sa bagitong solon.


Magugunita na inulan ng batikos at naging trending sa online ang outfit nito sa Senado na gawa ng sikat na designer na si Randy Ortiz.


Nilinaw din nito na si Ortiz pa rin ang pipiliin niyang designer ng kanyang gown sa mga susunod pang SONA.


“Wiling na willing. Since 2010 siya na ‘yung nagtatahi ng damit ko sa SONA,” aniya.


Pabiro namang sinabi nito na handa siyang mag-pose ng ‘nude’ sa isang men’s magazine baka sakaling wala nang bumatikos sa kanya dahil wala na siyang suot at ‘di na kailangan ng designer. Linda Bohol


.. Continue: Remate.ph (source)



Nancy: ‘Abangan ang susunod na SONA outfit’


Mahigit 100 katao, nabiktima: Facebook, ginagamit na rin sa pyramid scam

Nagbabala ang mga awtoridad sa netizens na maging mapanuri sa mga alok na negosyo na makikita sa mga social media site. Ang babala ay ginawa matapos matuklasan na mahigit 100 katao ang nabiktima sa pyramid scam na pinadaan sa Facebook. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Mahigit 100 katao, nabiktima: Facebook, ginagamit na rin sa pyramid scam


RAPE AT PUGOT-ULO SA LIBYA

UNTI-UNTING nakauuwi sa Pilipinas ang may 13,000 OFW mula sa bansang Libya.


Pugot-ulo, rape, takot, gutom, hirap ang dala-dala ng mga OFW sa kanilang pag-uwi at nababahala sila sa kalagayan ng napakaraming OFW na naiwan sa nasabing bansa.


Umabot na ang kalagayan ng mga OFW sa kawalan ng masisilungan o matatakasan o ligtas na daanan palabas upang matakasan nila ang mabangis na labanan ng mga tribu o pampulitikang grupo.


Wala nang ligtas na lugar sa Libya at maging ang mga opisina at ahensya ng pamahalaang Libya ay hindi na ligtas.


GOV’T NASAAN?


Naghihinanakit ang maraming OFW sa kawalan ng pamahalaan ng tiyak na tulong sa mga nagnanais na tumakas sa Libya.


Huli na rin umano ang pagpapairal nito ng alert level 4 na nagmamando ng sapilitang paglilikas.


Bagama’t marami ang nagkagustong umuwi, wala naman umanong sapat na tauhan ng pamahalaan na umalalay sa kanila sa paglisan nila sa lugar.


Iilan lang umano ang mga tao ng pamahalaan ng Pilipinas na umaakay sa mga OFW patakas.


Ngayon nga ay sarado na ang mga paliparan ng mga eroplano.


Maging ang mga daang papunta sa ibang mga bansa ay sarado na at napakamapanganib dahil sa kontrolado na ang mga ito ng iba’t iba at magkakalabang tribu.


May mga tribung nagpapalusot sa mga tumatakas ngunit sinasaid ang dala ng mga ito, kabilang na ang dala nilang mga sahod o ipon o padala ng mga kapwa nilang OFW.


LAWAY LANG


Laway o hanggang salita lang ang gobyerno.


Habang nag-iisyu ito ng alert level 4, walang taong gobyerno ang lumalapit sa mga OFW para pairalin ang pakahulugan ng nasabing alerto.


Wala itong handang eroplano, sasakyan, barko at iba pang gamit na pantakas.


Dito naging walang silbi ang pagsasabi ng pamahalaan na ito ang bahala sa mga pamasahe at ibang gastusin ng mga OFW na gustong tumakas sa kaguluhan.


At kung mayroon mang magagamit na mga sasakyan, mapanganib na ang paglalakbay ng mga ito.


Kamatayan, rape at iba pa ang nag-aantay sa bawat OFW na umalis mula sa kanilang kinaroroonan.


PANGANIB WALA SA SONA


Natitiyak natin, mga Bro, na alam ng Palasyo ang nagaganap sa Libya at palatandaan ito ng pag-iisyu ng Department of Foreign Affairs ng mga alerto sa mga magugulong lugar na kinaroroonan ng mga OFW.


Pero nakapagtatakang hindi man lang ito naging laman ng State of the Nation Address para sana magising ang lahat ng mga nanunungkulan sa malungkot at nakakikilabot na kalagayan ng mga OFW.


At kumilos ang mga ito para sagipin sila.


Sa halip, ang SONA ay sumentro lang sa pagbibigay-papuri sa mga nanunungkulan kaugnay ng nagaganap sa loob lang ng bansa. At paghahamon sa mga kritiko sabay sabing walang mararating ang mga ito kundi ang pagkalumpo.


WALANG MARINIG MULA SA IBA


Gaya ng postura ng Palasyo, nagmukhang walang kamalay-malay ang maraming opisyal ng pamahalaan sa sinasapit ng mga OFW, lalo na ang mga dumalo sa SONA.


At nakasentro ang kanilang atensyon sa mga away sa pamahalaan at nungka na pinapansin ng mga ito ang mga away o kaguluhan na hinaharap ng mga OFW.


Naririyan ang nakahanda nilang pagpalakpak sa mga talumpati ng kanilang mga amo o kapwa ukol sa pulitika at kanilang mga pagkakakitaan subalit ni daliri ay wala silang maitaas para iahon ang mga OFW sa sobrang panganib.


Hindi nga naringgan ang mga ito ng kahit anomang reaksyon sa pagkakadukot, pagpugot at pag-rape sa mga OFW sa Libya na naging hudyat ng napakasama nang kalagayan ng mga OFW roon.


GULO SA GAZA STRIP


Hindi basta giyera ng mga Palestinong Hamas at Israelita ang nagaganap sa Gaza Strip, Palestine.


Lumalawak nang lumalawak at bumabangis nang bumabangis ang digmaang ito na maaaring kakalat sa ibang mga bansa na malapit sa Palestine at Israel.


Muli, libo-libong OFW ang madaramay.


Malaki ang posibilidad na lalawak ang giyera sapagkat nanawagan na ang bansang Iran sa lahat ng mga Muslim na tulungan ang Hamas sa laban nito sa Israel.


Hindi na lang armas ang ipinananawagang tulong ng Iran kundi pakikiisa sa Hamas ng mga Muslim upang labanan ang Israel.


Kung magaganap ito, manganganib ang libo-libong OFW sa Israel at iba pang mga bansa sa Gitnang Silangan.


NASAAN ANG GOBYERNO?


Muli nating tatanungin ngayon kung nasaan ang gobyerno ukol sa napipintong paglawak ng digmaan sa Gaza Strip at Israel.


Mayroon na bang paghahanda ito sa nasabing usapin? O baka naman maulit na naman ang kainutilan nito sa pagliligtas sa mga OFW sa kagipitan, rape at kamatayan sa Libya?


Sa ngayon, napaparalisa na ang Hamas subalit bumabagsik ang pakikidigma nito laban sa Israel.


Kung nagtagumpay ang Israel na durugin ang planta ng kuryente ng Hamas na simbolo ng kapangyarihan nito, pilit namang tinatangka ng Hamas na pasabugin ang plantang nukleyar ng Israel sa disyerto ng Negev.


Sa posibleng pakikilahok ng ibang mga bansa sa digmaan, tiyak na lalawak at babangis pa ang digmaan sa mga Arabong bansa.


Nasaan at ano na nga ba ang mga paghahanda na ng gobyerno rito?


Nasaan ang mga opisyal at tauhan ng pamahalaan, gamit at pondo para sa mga OFW rito?


Anak ng tokwa, sana sumpain ang mga opisyal na walang pakialam sa mga usaping ito.


oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.


.. Continue: Remate.ph (source)



RAPE AT PUGOT-ULO SA LIBYA


NASA MABUTING KAMAY ANG BCDA AT SBMA

SABI ng iba, maraming pagkukulang daw ang gobyerno. Ngunit marami rin tayong dapat ipasalamat sa administrasyong Aquino.


Ako personally, ang pinapasalamat ko bilang Filipino ay ang kalidad at dedikasyon ng mga namumuno sa Bases Conversion Development Authority (BCDA) at sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). Dito, panalo si PNoy sa kanyang mga appointee.


Sa BCDA, dynamic duo ang tandem nina Chairman Rolando P. Gosiengfiao at CEO/President Arnel Paciano D. Casanova. Si Gosiengfiao ay isang Iskolar ng Bayan at cum laude pa ng Business Administration sa U.P. Diliman. Malawak din ang kanyang work experience sa labas ng bansa. Si Casanova naman ay U.P. Law graduate at ka-batch ng aming napakaabilidad na congressman sa Marikina na si Miro Quimbo. Produkto rin siya ng Kennedy School of Government ng Harvard. Nagtuturo siya sa Ateneo School of Government at aktibo siya sa Kaya Natin Movement on Good Governance, kasama sina namayapang Jesse Robredo, Grace Padaca at si Among Ed Panlilio.


Kakaiba ang BCDA ngayon dahil hinahabol at hinahabla nila ang mga nanloloko sa ating bansa.


Tulad na lang nang nangyari sa Camp John Hay. ‘Di nila talaga palalagpasin ang napakalaking utang ni businessman Bob Sobrepeña.


Ang gaganda pa ng kanilang mga proyekto tulad ng Clark Green City, ang anim na ongoing projects ngayon sa SCTEx worth P207-million, ‘yung sa Poro Point, at marami pang iba.


Sa SBMA naman ay nagsa-shine itong si Chairman at Adminstrator Roberto Garcia. Unang stint ito ni Garcia sa gobyerno. Dati siyang President at COO ng Oriental at Motolite batteries. AIMM graduate itong si Garcia at sa La Salle nagtapos ng kolehiyo at sa Ateneo naman para sa high school.


Sa darating na Agosto 4 ay ire-release ng SBMA ang P93.7-milyon na LGU revenue shares para sa unang semester ng 2014 sa walong bayan na katabi ng SBMA. Ito ay ang Olongapo City; Subic, San Marcelino, San Antonio, at Castillejos sa Zambales; at mga bayan ng Dinalupihan, Hermosa, at Morong sa Bataan.


Commitment daw nila ito sa neighboring LGUs para naman mapabilis ang pag-unlad sa mga lugar na ito at para lalong makamit ng mga ito ang minimithing inclusive growth ni Pangulong Aquino.


Nawa’y sa ilalim ng pamumuno nina Garcia, Gosiengfiao at Casanova ay mas lalo pang mapaunlad ang SBMA at BCDA para mas malaki ang maiambag sa pondo ng pamahalaan. ABISO/Paul Edward P. Sison


.. Continue: Remate.ph (source)



NASA MABUTING KAMAY ANG BCDA AT SBMA


PULITIKA NI ALI

KUNG sino pa ‘yung hindi nabigyan ng komite, ‘yung hindi binibigyan ng pondo, ‘yung pinupulitika at iniipit sa City Council, aba’y siya pang mas naaasahan ng mga taga-Maynila sa oras ng biglaang pagkakataon at pangangailangan.


Ang tinutukoy po natin ay si Konsehal Ali Atienza ng ika-limang Distrito ng Maynila. Sa pananalanta ng bagyong Glenda sa mga taga-Baseco Compound, 1,600 pamilya ang naapektuhan.


Karamihan ay nagiba ang bahay at ilang araw na hindi nakapaghanapbuhay.


Dito nakita ang tunay na malasakit ni Ali, na kahit nag-iisa at walang kaalyado ay personal na nagtungo sa Baseco upang dalhan ng bigas ang mga pamilyang nasalanta ng bagyo.


Sa panahon ngayon, hindi biro ang mamudmod ng bigas sa mahigit libong pamilya para makakain sa tamang oras.


Sa dinami-rami ng mga konsehal sa Maynila, tanging si Ali at ‘yung isang Foundation ang nagmalasakit sa mga tao sa Baseco.


May binigyan pa siyang dalawang wheelchair at sinundan ng pag-spray ng anti-dengue upang maiwasan ng mga residente na magkasakit.


Hanggang ngayon ay nakahambalang pa ang mga basura at putol na kahoy sa ilang residential area sa Maynila. Wala man lamang mga konsehal na may mga komite na nagpapakita ng inisyatiba upang linisin o ipalinis ang maraming lugar sa Maynila na naapektuhan ni Glenda.


Sa kabila ng kawalan ng komite at kawalan ng pondo, para matulungan ang kanyang constituents halos mamalimos si Kon. Ali Atienza sa kanyang mga kaibigan upang matulungan ang mga nangangailangan.


Ang tanong tuloy ng Manileño, nasaan na ang mga ibinoto nilang konsehal na napakaraming magandang pangako sa kanila ng pagbabago at kaunlaran?


Saan nga nila dinadala ang daang libong pondo para sa kani-kanilang komite?


Kahit pinupulitika si Ali sa Maynila, ibang ganti ang kanyang ipinakikita—‘yung tunay na serbisyo. KANTO’T SULOK/Nats Taboy


.. Continue: Remate.ph (source)



PULITIKA NI ALI


MAPANIKIL NA PAGAMUTAN

GRABENG hirap at pasakit ang inaabot ng mga pamilyang naitatakbo ang kanilang kaanak dahil sa sakit o aksidente sa Mary Johnston Hospital sa Moriones, Tondo, Maynila.


Ito’y sa kadahilanang sobrang mahal ng singil ng “Money Johnston Hospital,” tawag ng mga nagkaroon ng masamang karanasan sa nasabing pagamutan.


Gumamit lang ng konting bulak at betadine ay naniningil na ng libo-libo ang nasabing pagamutan kaya naman problemado ang mahihirap na kliyente nito.


Pwedeng sabihin ng pamunuan ng Money Johnston na huwag itakbo sa kanilang pagamutan ang pasyente dahil “choice” naman talaga ang pagpapagamot. Pero kapag madalian o aksidente ang pangyayari ay hindi naman pwedeng piliin pa ang pagdadalahang pagamutan sapagkat ang nagdadala kadalasan ay tuliro o ngarag kaya hindi na nakapag-iisip pa.


Kapag namatay naman ay dobleng hirap ang pinagdaraanan ng pamilyang kumukuha ng bangkay. Bukod sa sobrang mahal ay pinagtatagal pa ng mga ito ang pagbabayad dahil gusto ng mga ito na umabot sa walong oras ang bangkay sa kanilang morgue upang makuha ng puneraryang may “memorandum of agreement (MOA)” sa kanila.


Maraming dahilang ibinibigay ang cashier ng Money Johnston Hospital sa pamilya. Kesyo wala pa raw sa billing statement na ibinigay nila ang professional fee ng doktor na sa mga oras na iyon ay naka-off na kaya hindi na makontak.


Por diyos por santo, kailangan talaga ng pamilyang namatayan na may krus sa dibdib para makapagpasensya sa mga tauhan ng ospital.


May isa pang mali sa patakaran ng nasabing pagamutan. Kailangan ang kumukuhang pamilya o maging punerarya ay may MASON (brotherhood) na kakilala.


Isang halimbawa rito ay ang 17-anyos na kasambahay sa Tondo na taga-Mindanao na sinasabi ng among Chinese na naglason. Kinukuha ng mga imbestigador ang bangkay at may handang magbayad ng gastos sa pagamutan subalit ayaw i-release ng pagamutan. Kailangan ang hepe ng homicide ng Manila Police District (MPD) ay Mason.


Iyon kasi ang bungad ng isang Mr. Quines, supervisor ng BCMU ng Mary Johnston. Kapag Mason daw ang hepe ay papayag ang pamunuan ng pagamutan na ma-release. At talagang may ganoong patakaran?


Nitong nakaraang Sabado, may lalaking naaksidente sa North Harbor na inoperahan umano sa nasabing pagamutan. Nang kinuha na ng asawa ang kuwenta, nagpalabas sila ng billing statement na halos umabot sa P70,000.


Namatay ang biktima. Kinukuha ang bangkay sa morgue subalit sinabi ng cashier na wala pa sa kuwenta ang PF ng mga doktor. Nang kunin ang kabuuang kuwenta, halos himatayin ang asawa at kapatid ng biktima sapagkat umabot sa kulang P350,000 ang gastos na babayaran.


Naman! At pilit pa ng ospital na umabot sa walong oras ang bangkay upang mapunta sa puneraryang naka-MOA sa kanila. Double whammy ang aabutin ng pamilya dahil ang puneraryang ibinibigay nila ang serbisyo sa pamilya ay nagpepresyo ng halos P300,000 hanggang P500,000 kaya nga ilang beses nairereklamo.


Hay naku, kanino na ngayon pwedeng lumapit ang pamilya kapag may ganitong problema? PAKUROT/Lea Botones


.. Continue: Remate.ph (source)



MAPANIKIL NA PAGAMUTAN


KUDETA WALANG KWENTA AT MGA MAKA-KALIWA

HINDI ko alam kung matutuwa ako o maiinis dahil sa muling pag-usbong ng mga usap-usapan tungkol sa diumano’y planong kudeta laban kay Pangulong Aquino na tila namamaalam na sa mundong ibabaw sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA).


Bagama’t isa tayo sa mga hindi sang-ayon sa ginagawang pamamalakad ni PNoy sa ating bansa, ang pagkakaroon ng panibagong kudeta ay lalo lamang magpapalugmok sa atin bilang bansa. Walang mapapala ang ating mga mamamayan sa mga ganitong kalokohan at ito ay napatunayan na natin mula EDSA 1 hanggang sa naudlot na EDSA 3.


Napatunayan na natin na ang mga kudeta at mga tinatawag na People Power ay walang naidudulot na kabutihan sa ating mga mamamayan at ang mga taong nakikinabang ay itong ating mga madudulas na politiko na wagas sa pagka-hunyango.


Nag-iiba lang din ang mga pangalan ng mga taong nangangasiwa sa ating bansa subalit iisa pa rin ang kanilang layunin at ito ay ang pagbutihin ang kanilang sariling buhay at kabuhayan at hindi ng ating mga kawawang kababayan. Different names, same style ‘ika nga.


Naiisip ko tuloy na hindi kaya ganito tayo bilang bayan ay dahil matagal na rin ang panahon mula noong maranasan natin ang tunay na sakit at pighati na dulot ng ating pagkakawatak-watak?


Hindi kaya kinakailangan na sumailalim tayo muli sa dahas na resulta ng ating kawalan ng pagkakaisa parasa bandang huli ay maisip natin na ito ang dahilan kung bakit hindi tayo umaangat bilang bansa?


Tunay na mala-kanser na ang sakit ng ating bansa dahil sa ating kawalan ng pagkakaisa. Mahilig tayo sa grupo-grupo, paksyonalismo at sistemang kanya-kanya dahil sa gumon tayo sa paniniwalang mas magaling tayo kaysa sa iba. Mahilig tayong magsabi ng kamalian ng iba subalit hindi natin makita ang sarili nating mga pagkukulang upang mapabuti ang ating bansa.


Itong mga militanteng maka-kaliwa halimbawa ay halos araw-araw na nagpoprotesta laban sa katiwalian at halos araw-araw rin ay nasa media ang kanilang mga lider para batikusin ang pamahalaan. Kapag pakinggan natin ang mga ito, tila nasa mas mabuting katayuan ang ating bansa kapag sila ang nakaupo sa poder ng kapangyarihan.


Ngunit kapag ang mga ganitong grupo ay ni hindi man lang malinis ang lugar na kanilang pinagdarausan ng kanilang mga protesta at pagsabihan ang kanilang mga tagasunod na huwag namang magtapon ng basura sa kalsada, paano tayo maniniwala na kabutihan ng bansa ang pakay nila?


Santambak na basura ang tanging naidudulot ng mga mokong na ito at nakaka-hayblad na trapik sa halip kaginhawaan sa mga mamamayan.


Kung ganyan din lang, eh, sa kanila na kanilang bandilang pula at isaksak sa kanilang mga baga dahil kung walang kwenta ang ating kasalukuyang pamahalaan ay tiyak na mas wala silang kwenta.


***

Para sa inyong komento at suhestyon, mag-email lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com. BIGWAS/Gil Bugaoisan


.. Continue: Remate.ph (source)



KUDETA WALANG KWENTA AT MGA MAKA-KALIWA


KAY BINAY NA BA SI PNOY?

MUKHANG nag-iiba na ang ihip ng hangin sa Malakanyang? Hindi kasi inaasahan ng marami na babanggitin ni Pangulong Noynoy Aquino si VP Jojo Binay na kanyang nakasama nang sila ay tambangan noong 1887 kudeta.


Kakaiba ang nasabing pahayag ni PNoy dahil mukhang patungo na sa endorsement kay Binay ang pagpaparamdam ng Pangulo dahil malinaw pa sa sikat ng araw na talagang may pinagsamahan ang Binay at mga Aquino.


Sa madaling salita, matagal na ang relasyon ng dalawang angkan at diyan mukhang dehado si DILG Sec. Mar Roxas dahil hindi naman ganoon kalalim ang kanilang pinagsamahan.


Bukod sa matagal ang relasyon ay malinaw na dugo ang ipinuhunan ng bawat isa kina Aquino at Binay kaya hindi na tayo dapat mabigla sakaling si Binay ang bitbitin ng Pangulo sa 2016.


Maliban sa pagbibigay ni Roxas sa kanyang ambisyong maging Pangulo noong 2010 ay wala na tayong alam na malalim na pinagsamahan nila ni PNoy at dito daig siya ng mga Binay.


Matatandaan ding mayroong history ng ganitong ugali ang mga Aquino matapos iwanan o hindi iendorso ni Tita Cory si Ramon Mitra noong 1992 election at sa halip ay si Fidel Ramos ang kanyang binitbit sa pampanguluhang halalan.


Maliwanag na nangingibabaw ang pagtanaw ng utang na loob sa mga Aquino at iyon ang dahilan kung bakit nila binitbit si Ramos dahil isa ito sa mga nagtanggol sa kanila sa ilang kudetang naganap habang nasa Palasyo ang asawa ni Ninoy.


‘Yan ngayon ang dapat basahing mabuti ng mga loyalist ni Roxas dahil kung magtutulug-tulugan lang sila ay malamang magulat sila sa magiging kaganapan lalo pa’t hindi man lang nabanggit ni PNoy ang kalihim ng DILG sa kanyang SONA.


Mga kaabang-abang na pangyayari sa mga susunod na mga araw dahil kung pagbabasehan natin ang tono ng sinabi nina Binay at ni Cong. Toby Tiangco, tagapagsalita ng oposisyon, ay mababakas mo ang pagiging malamya ng mga ito sa pagpuna sa nakaraang SONA ni PNoy.


o0o

Ibang klase rin ang pag-aksyon ni Muntilupa City Mayor Jaime Fresnedi.


Kaagad nitong pinalitan ang mga punong nasira ng bagyong Glenda sa pamamagitan ng pagtatanim ng 200 banaba trees.


Kakaibang malasakit ang ipinakitang ito ni Fresnedi sa kapaligiran at diyan dapat saluduhan ang alkalde dahil, bukod sa kilala itong enviromentalist ay nakatuon din ang atensyon nito sa kalusugan o tamang nutrisyon ng kanyang nasasakupan.


Sa ngayon, prayoridad ni Fresnedi na tulungan at turuan ang kanyang mamamayan ng tamang nutrisyon dahil buo ang paniniwala ng aklade na ang taong may malusog na pag-iisip at pangangatawan ay malaki ang maitutulong sa kanyang tahanan at pamayanan. ALINGAWNGAW/Alvin Feliciano


.. Continue: Remate.ph (source)



KAY BINAY NA BA SI PNOY?


MASARAP BA ANG DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM?

KUNG tatanungin mo sina Butch Abad at amo niyang si PNoy, aba, masaraaaaaaaaaaaaap na masaaaaarap…walaaaaaaaaang kasingsarap.


King-ina, bilyon-bilyong pisong salaping bayan ba naman ang pupwede nilang paglaruan gaya ng natagpuan ng Supreme Court.


Higit pa, may halong misteryo kung saan-saan dinadala ang mga pondo ng DAP.


Gaya na lang ng P90-bilyong diperensya mula sa nasa P352.7 kabuuang DAP.


Gusto kung tumawa, parekoy, pero hindi ko magagawa sa laki ng kababalaghan dito. Grrrrrrr!


Dahil walang kasingsarap ang DAP, gusto ngayon ng mag-amo na gawing ala-DAP ang buong badyet ng Pilipinas para sa taong 2015.


Panukala ng mag-amo na linawin ang salitang “savings” o natitipid ng pamahalaan mula sa lahat ng mga ahensya, proyekto at programa nito.


Pero hindi basta paglilinaw ang gusto nilang mangyari, parekoy. Dapat umanong magkaroon ng batas para madukot kaagad nina PNoy ang pondo ng isang ahensya o proyekto o programa sa kalagitnaan ng taon.


Kaiba ito sa karaniwang tadhana sa pambansang badyet na para sa isang taon ang badyet at hindi para sa kung ilang buwan lamang. Ito’y para raw magamit nang todo sa taon ng aprubadong badyet ang salaping bayan.


Hindi raw pupwedeng patulugin ang salaping bayan sa pag-aantay ng katapusan ng taon o dalawang taon bago may masabing savings o natipid ang pamahalaan.


May nakikita tayo rito na hindi nila sinasabi, parekoy, ang palapit ng halalang 2016.


Una, dapat na magamit lahat ang salaping bayan na nakalaan sa 2015 upang tiyak ang kita ng mga hijo de putang gustong magkapera sa salaping bayan para sa halalang 2016..


Ikalawa, pwedeng ideklarang mabagal o walang silbi ang mga panukalang proyekto ng mga kalaban sa politika ng grupong PNoy at ibuhos ito sa mga peborit na proyekto at programa nila.


Dito magmumukhang inutil ang mga kalaban habang lalabas na bida ang mga KKK ni PNoy.


Ngayon nga lang, eh, balita nang pinakikilos ang maraming lokal na opisyal na magtayo ng mga programa at proyektong para sa 2016.


Presto, mga pogi at seksi ang mga hijo de putang ito sa 2016 at magpatuloy ang tiyak ang mga misteryo at milagro sa DAP. Pwe! BURDADO/Jun Briones


.. Continue: Remate.ph (source)



MASARAP BA ANG DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM?


Jolina, Bea at Kyla gusto na ring lumayas sa GMA

KUNG hindi lang nahabol ang kanilang kontrata ng GMA Network, supposedly ay nasa ABS-CBN na ngayon sina Dennis Trillo, Lovi Poe at Jennylyn Mercado. At pagkatapos umalma ni Alur Abrenica, kung saan nagsampa nga ng kaso kamakailan ang gwapong aktor against sa kanyang mother network na humihiling na ipawalang-bisa na ang kanyang contract na existing hanggang 2017, may mga kumakalat namang balita ngayon sa social media na marami pang talents ng GMA Artist Center ang gusto nang kumawala sa kanila.


Ang ilan sa mga pangalang gusto ng mag-ober da bakod at gustong magbalik Kapamilya ay sina Jolina Magdangal, Bea Binene at ang singer mom raw na si Kyla. Napanood na rin sa ilang show ng ABS-CBN ang R&B singer na si Jay-R. So, kung wala talagang problema ang Kapuso network sa pagha-handle ng career nang kanilang mga talents, bakit isa-isa na silang nilalayasan ng mga ito? Siguro naman mananatiling Kapuso sina Angel Locsin, Iza Calzado, Paulo Avelino at JC de Vera kung pare-pareho silang naging mga satisfied sa career nila sa nasabing istasyon.


Sabi nga ng ating confidant, since mawala raw si Ms. Ida Henarez bilang head ng GMA Artist Center ay nagkagulo-gulo na at hindi maayos ang sitwasyon sa departamentong ito. ‘Yun na gyud!


GRAND FINALS NG SUFFER SIREYNA NG EB, BUKAS NA


PAGKATAPOS ng matagumpay na grand finals ng Super Sireyna Worldwide kung saan ang Miss Nigeria na si Sahhara ang siyang nagwagi bilang first titlist sa nasabing International Gay Beauty Pageant sa Eat Bulaga, mamayang tanghali naman ay tiyak na riot ang magaganap na Grand finals para sa kauna-unahang Suffer Sireyna 2014.


Kabilang sa mga 10 Grand Finalists na maglalaban-laban para sa iisang titulo na siyang mag-uuwi ng premyong 200K plus trophy and sash ay sina Miss China Marian Rivera, Miss Myanmar Sam Pinto, Miss Czech Republic Marian Rivera, Miss Chili Georgina Wilson, Miss Malaysia Marian Rivera, Miss Norway Pia Guanio, Miss India Isabelle Daza, Miss Angola Georgina Wilson at another Marian Rivera na si Miss Japan.


Bahagi ng cash prize na matatanggap ng tatanghaling winner, kalahati nito ay kanyang ibibigay sa Barangay kung saan siya residente. At malaking puntos para sa magwawaging Suffer Sireyna ay ang naipon nilang mga plastic bottles at kung sino ang may pinakamarami at may pinakamabigat na timbang sa lahat ay ‘yun ang malaki ang chance na makakuha ng korona sa araw na ‘yun.


Gaganapin sa Broadway Studio ng Eat Bulaga ang nasabing finals kung saan nag-imbita ang programa ng mga personalidad at celebrity na popular sa kani-kanilang mga larangan para magsilbing judges sa nasabing event. WALANG KIYEME/Peter S. Ledesma


.. Continue: Remate.ph (source)



Jolina, Bea at Kyla gusto na ring lumayas sa GMA


Hinihinging P2.606T budget sa 2015 ni PNoy, hihimayin daw ng minorya sa Senado

Inihayag ni Senador Nancy Binay na hihimaying mabuti ng minorya sa Senado ang hinihinging P2.606 trilyong budget ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III para sa 2015. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Hinihinging P2.606T budget sa 2015 ni PNoy, hihimayin daw ng minorya sa Senado


Palayain na kung hindi na maayos ang working relationship!

PEOPLE in the business were inordinately shocked when Peter L, Papa Abs and I openly sided with Aljur Abrenica in his recent legal squabble with GMA7, definitely one of the most formidable networks in the country today.


Freak-out daw ba kami sa Kapuso network kaya gayon na lang ang pagkampi namin kay Papa Aljur when all along, GMA happens to be the alleged aggrieved party with the hunk actor as the purported agressor?


Well, honestly and cattiness aside, I feel for Aljur in this legal squabble.


Of course I never did come to discount the fact that it was GMA that was largely responsible for what he has become in the industry but sometimes, you need to consider personal feelings also, along with the fact that there are circumstances that totally discomfit a person that the network would not be totally aware of.


And presently, Aljur Abrenica is no longer happy working for the Kapuso network, hence the desire to break free and start a new life with some people he’d be most comfortable working with.


Sana nga’y bigyan na nang kalayaan ng GMA ang kanilang talento na hindi na raw masaya at kumportableng magtrabaho sa kanilang network.


The reasons why the hunky actor is no longer happy working for the Kapuso network, we’ve already enumerated in the past, we feel there’s no need to rattle them off again.


Basta ako, I’d like to make it clear that I’m not against GMA. I simply happen to be a friend of Aljur who naturally feels for him.


Ever since kasi, he’s always been most polite and courteous in the few occasions that we would meet during presscons. a far cry from the other actors of this generation who are delusional and oozing with braggadocio and very much wanting of sincerity.


Anyhow, according to the prophets of doom, (prophets of doom daw talaga, o! Hahahahahaha!), kiss of death daw sa aming career ang pagkampi namin kay Papa Aljur.


Well, I’m not afraid or shaken if that is what our antagonists would want to know.


Kailangan ding may puso ka sa industriyang ito para hindi ka lamunin ng sistema.


Did I hit the nail right on its head Bubonika, the rat-faced supsupera?


Rat-faced supsupera raw talaga, o! Harharharharhar!


Yucky! Hahahahahahahahahahahahaha!


And speaking of Fermi Chakita, ngarag na ngarag na raw ito sa kaka-follow-up sa kanyang show na naipangako raw supposedly sa kanya ng network na kanyang pinagtatrabahuhan. Hahahahahahahahaha!


Sad to say, wala na raw talagang balak ang network na bigyan pa ng another showbiz-oriented program ang chakitang lola.


Chakitang Lola raw talaga, o! Hahahahahahahahahahaha!


Sapat na raw ang daang milyones na nalugi ng network sa rating-less shows ni Bubonika na, would you guys ever believe, Washington D.C. pa raw 1% ang rating? Hahahahahahahahahahaha!


How gross!


Yuck!


Pa’no kasi, wala na ngang ganda at very lomodic na nga ang arrive, nagpapakawala pa ng mga inaamag na sa kalumaang mga tayutay na panahon pa ni Mahoma nauso? Hakhakhakhakhak!


Ayokooooooooooohhhh! Hahahahahahahahahahaha!


Good riddance, chakitang mudra. Hakhakhakhakhakhak!


‘Yun lang!


ESKALERA ANG CONFRONTATION SCENES NINA BEA AT MARICAR


Our evenings would not be complete unless we get to watch the heated confrontation scenes between the hauntingly fiery Bea Alonzo as Rose and feisty Maricar Reyes as Sasha in Dreamscape’s riveting evening soap Sana Bukas Pa Ang Kahapon.


Hahahahahahahahahahaha!


Iba talaga ang atake ng dalawa sa kanilang respective roles.


Whereas Bea appears to be calculating and veritably shrewd, Maricar happens to be a raging virago of a bitchy woman. Hahahahahahahahaha!


Ang saya-saya!


In between, perfect foil naman sa kanilang bitchiness ang cool at amusing ways ng lead actor na si Paulo Avelino who essays the role of Patrick in this soap.


Kaaliw rin on the side ang scheming bitch ways ni Dina Bonnevie na agaw-eksena ang shimmering black gown this week sa party ng kanilang kumpanya. Hahahahahahahaha!


Incidentally, napanonood ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon right after Ikaw Lamang.


“BE CAREFUL” THANKSGIVING SA BIG DOME, MAPANONOOD SA ABS-CBN NGAYONG SABADO


Ipalalabas ng ABS-CBN ngayong Sabado (Agosto 2), sa ganap na 10:45 ng gabi, ang hitik sa saya, musika, at kilig na “I HEART YOU 2: The ‘Be Careful With My Heart’ Anniversary Thanksgiving.”


Ang libreng show na ginanap lamang noong Biyernes (Hulyo 25) sa Araneta Coliseum ay taos-pusong regalo ng Kapamilya network sa lahat ng mga manonood sa buong mundo na dalawang taon nang nakikipagkapit-bisig sa number one “feel-good habit” ng bayan na ‘Be Careful With My Heart.’


Tunghayan sa programa ang special solo at duet performances nina Maya (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief (Richard Yap), at sorpresang pagtatanghal ng iba pang miyembro ng cast gaya nina Kute (Aiza Seguerra), Lim kids (Jerome Ponce, Janella Salvador, at Mutya Orquia), at sina Doris, Sabel, Yaya Lea, at Manang Fe (Tart Carlos, Vivieka Ravanes, Joanne Marie Bugcat, at Gloria Sevilla).


Maki-sing-along rin sa nakakikilig na theme songs ng show kasama ang Kapamilya singers na sina Erik Santos, Juris, Richard Poon, at Morisette Amon. Huwag palampasin ang special telecast ng I HEART YOU 2: The Be Careful With My Heart Anniversary Thanksgiving, ngayong Sabado na sa ABS-CBN. Samantala, patuloy na ma-inspire sa number one feel-good habit ng bayan, Be Careful With My Heart, araw-araw, bago mag-It’s Showtime sa Primetanghali ng ABS-CBN.


KAKAIBA ANG DATING NI ‘MAMA’!


This story I’d like to write if only to do justice to most gays who are supposedly being taken advantaged of by most men in their lives.


Lately kasi, pumanaw ang isang closet queen na erpats ng isang mabait at may breeding na aktor.


‘Yung kamatayan ng kanyang erpats ay iniyakan talaga ng young actor pero nagulat talaga ang nakararami sa tahimik at walang tigil na pagluha ng isang gwaping na bagets sa burol.


Tumigil na kasi sa pag-iyak ‘yung anak pero ang gwaping na ombre ay patuloy pa rin ang tahimik na pagluha.


Lover pala nang pumanaw na erpats ng mabait na aktor ang crying ombre.


Minsan pa, pinatunayang walang kasarian ang pag-ibig. Kapag nagmahal ka nang totoo ay susuklian din ito ng tapat na pagmamahal dahil tao ka at hindi hayup.


***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.


And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong! DAPAT LANG!/Pete G. Ampoloquio, Jr.


.. Continue: Remate.ph (source)



Palayain na kung hindi na maayos ang working relationship!


APLIKASYON SA SSS CALAMITY PACKAGE SIMULA NGAYON

NAG-ANUNSYO ang Social Security System (SSS) ng listahan ng mga lugar, na may SSS Calamity Package para sa mga miyembro na sinalanta ng Bagyong Glenda. Ang pagsusumite ng SSS calamity package aplikasyon ay magsimula ng Agosto 1, 2014 ngayon hanggang Oktubre 31, 2014.


Lahat ng kwalipikadong miyembro ng SSS, na naninirahan sa mga sumusunod na lugar na idineklarang nasa ilalim ng State of Calamity dahil sa Bagyong Glenda na nagmula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay makakukuha ng loans pati na nang Advanced Pension Payments sa ilalim ng SSS Calamity Relief Package.

1. OBANDO, BULACAN

2. CAVITE

3. LAGUNA

4. RIZAL

5. BATANGAS

6. CUENCA, BATANGAS

7. STA.TERESITA, BATANGAS

8. LAUREL, BATANGAS

9. LEMERY, BATANGAS

10. SAN NICOLAS, BATANGAS

11. PADRE GARCIA, BATANGAS

12. IBAAN, BATANGAS

13. MALVAR, BATANGAS

14. BATANGAS CITY

15. QUEZON PROVINCE

16. ALBAY

17. CAMARINES SUR

18. TIGAON, CAMARINES SUR

19. BULA, CAMARINES SUR

20. NAGA CITY

21. SAMAR

22. MUNTINLUPA CITY

Tatanggapin ng SSS ang mga aplikasyon ng mga miyembro na mag-aavail ng loans, simula sa Agosto 01, 2014, (ngayong Biyernes) sa alinmang sangay ng SSS.

Ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon ay sa Oktubre 31, 2014, maliban sa Direct House Repair and Improvement Loan, na kung saan isang taon matapos ang pagbibigay ng kanyang nararapat na anuns’yo para sa sirkular ng SSS.

Para sa karagdagan impormasyon o kung may katanungan, maaaring kayong tumawag sa SSS Call Center at (02) 920-6446 hanggang 920-6455, o kaya ipadala ang inyong email sa member_relations@sss.gov.ph. ANG INYONG LINGKOD/Dr. Hilda Ong

.. Continue: Remate.ph (source)



APLIKASYON SA SSS CALAMITY PACKAGE SIMULA NGAYON


Bebot, tiklo sa pananaksak ng sekretarya sa QC

MALUBHANG nasugatan ang sekretarya ng isang doktor sa St. Luke’s Medical Center nang saksakin ng isang babaeng may sama ng loob dito sa Quezon City kaninang umaga, Hulyo 31.


Isinugod sa emergency room ng naturang ospital sanhi ng tinamong saksak sa mukha, baba at kanang kamay ang biktimang ayaw magpabanggit ng pangalan.


Nakuwelyuhan naman agad at sasampahan ng kasong attempted murder ang suspek na inilarawang may edad 25-30, 4’ 10, medium built, makasuot ng itim na jacket at nakaposas ang mga kamay.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 10:35 ng umaga sa loob ng kuwarto sa 4th floor ng Medical Arts Building ng SLMC.


Bago ito, sa kabila ng mahigpit na seguridad ay nakapuslit sa loob ng SLMC ang suspek kahit may dalang patalim na ibinalot nito sa kanyang esktrang damit.


Nang makapasok sa kuwarto, agad nitong pinuntirya ang mukha ng biktima na nagsisigaw kaya agad nasaklolohan at napigil ang salarin. Robert C. Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Bebot, tiklo sa pananaksak ng sekretarya sa QC


Parak, arestado sa ‘pulis torture’

ARESTADO ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na tinaguriang ‘pulis torture’ matapos ireklamo ng kanyang helper sa Maynila kagabi.


Nahaharap sa kasong Physical Injuries in Relation to anti-Torture Act of 2009; Arbitrary detention; Unlawful Arrest at Illegal Possesion of Firearm si PO3 Glenn Bullecer, nakatalaga sa PNP-Cainta, ng Building 10, Unit 1, Safari Condominium, San Andres Bukid, Maynila.


Naaresto ang suspek matapos magreklamo sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ang biktimang si Jonathan Daquiz, 24, ng 3650 Davila St., Tejeros, Makati City.


Ayon sa biktima, naganap ang insidente alas-11 ng gabi kamakalawa matapos na magpaalam ang biktima na aalis na sa kanila at kinukuha na ang 1 buwan na suweldo.


Nagalit ang suspek at pinagsalitaan siya na, “Baka makapatay ako ng tao”, dahilan para umalis na lamang ang biktima at hindi na kinuha ang kanyang suweldo.


Pagbalik naman ng biktima, ay sinugod siya ng asawa ng pulis at pinagsisipa gayunman, hindi rin ito pinansin ng biktima at lumayo na lamang ito.


Nang makasalubong ang pulis ay bigla na lamang ito pinosasan saka kinaladkad at isinakay sa kotse kung saan doon na siya pinagsusuntok, kinuryente at tinutukan ng baril.


May apat na oras umano sa loob ng kotse ang biktima hanggang dalhin siya sa MPD-Police Station 6 pero walang naikaso sa biktima kaya pinalaya at dito na nagpasama sa isang residente sa kanilang lugar ang biktima para magreklamo sa pulisya.


Nagsagawa naman ng follow-up operation ang mga tauhan ni PC Insp. Arsenio Riparip, hepe ng MPD-GAIS at naaresto ang suspek alas-8:00 ng gabi, kamakalawa sa kanilang bahay.


Iniimbestigahan naman ang pulis sa nabanggit na tanggapan ng pulisya. Jocelyn Tabangcura-Domenden


.. Continue: Remate.ph (source)



Parak, arestado sa ‘pulis torture’


‘Dry run’ sa Sucat interchange bridge, naudlot

NAUDLOT ang gagawin sanang “dry run” kamakalawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa gagawin nilang pagsasara sa Sucat Interchange Bridge makaraang pigilan sila ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).


Napag-alaman na hindi pinahintulutan ng MMDA ang DPWH na isagawa ang dry run dahil hindi umano nakipagkoordinasyon ang mga ito sa kanilang tanggapan.


Maging ang pamunuan ng Traffic and Parking Management Office (TPMO) ng Parañaque City ay nagulat nang malaman na lang nila na may plano ang DPWH na magsagawa ng pagsasaayos sa naturang tulay dahil hindi rin umano nakipagkoordinasyon ang naturang ahensya sa lokal na pamahalaan.


Ayon kay Teddy Barandino, hepe ng TPMO ng Parañaque, hindi na dapat magsisihan at kailangan na munang mapag-usapan ang mga gagawing hakbang sa gagawing pagsasaayos sa tulay.


Dahil dito, paplantsahin ng pamunuan ng DPWH, MMDA lokal na pamahalaan ng Parañaque at Skyway operations and maintenance corporation ang schedule at retrofitting ng Sucat Interchange Bridge.


Matatandaan na naglabas ng abiso ang DPWH na magsasagawa sila ng rehabilitasyon at pagsasaayos ng naturang tulay kung saan tatagal ito ng 45-araw na magreresulta ng mabigat na daloy ng trapiko sa naturang lugar.


Pinag-aaralan naman ng lokal na pamahalaan ng Parañaque kung magpapatupad sila ng truck ban at re-routing sa naturang lugar upang maibsan ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko. Jay Reyes


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Dry run’ sa Sucat interchange bridge, naudlot


Altas bumalik sa dating porma

TINALO ng Perpetual Help Altas ang Lyceum of the Philippines University Pirates, 78-62, kahapon sa 90th NCAA basketball tournament na ginanap sa The Arena sa San Juan City.


Balik sa dating porma ang Altas at naputol ang two-game skid nila ng kumana ang tinanghal na best player of the game na si guard Juneric Baloria ng 23 points, nine rebounds at limang assist at isampa ang Perpetual sa solo third place sa team standings hawak ang 4-2 win-loss record.


Nahirapan ang Pirates sa ipinakitang tikas nina Altas starting unit Baloria, Earl Scottie Thompson, Harold Arboleda at Justine Alano at nahinto ang kanilang three-game winning streak.


Bumanat agad sina Arboleda at Thompson na pumukol ng tres habang tumapos ng three-point play si Joel Jolangcob para ilista ang 12-4 start.


Lamang ang Perpetual, 15-11, at sa kaagahan ng second canto ay bumaon agad ng tres si Arboleda habang umiskor sa transition si Thompson at Baloria para palobohin ang lamang nila sa 11, 24-13.


Umabot pa sa 15 pts. ang lamang ng Altas, 44-29, matapos isalpak ni John Ylagan ang three-pointer may 8:21 pa ang natitirang oras sa third period.


Bumira si Alano ng 15 markers habang may tig-13, 10 at siyam na puntos sina Alano, Thompson at Jolangcob ayon sa pagkakahilera.


Sinubukang makadikit ng Pirates sa third ng bumira si Wilson Baltazar ng pitong sunod na puntos para pangunahan ang koponan sa 9-0 run at ibaba ang hinahabol sa anim na puntos, 44-38.


Sinalto nina Alano at Jolangcob ang asam na makabalik sa laro ng Lyceum matapos isalpak ng three-point plays para sa umabot muli sa double-digit ang abante ng Perpetual, 50-38.


Dumikit ang LPU, 70-62, tangan ng Perpetual may 2:30 pa sa orasan subalit tumipa ng walong sunod na iskor ang Altas para biguin ang Pirates.


Naglagak ng 15 pts. sina Baltazar habang tig-12 puntos ang inambag nina Gabayni at Guy Mbbida para sa Intramuros-based squad Lyceum.


Samantala, napintahan ng Letran Knights ang pangalawang panalo matapos kaldagin ang Emilio Aguinaldo College Generals, 63-61.


Umarangkada si Kevin Racal ng 19 markers at 11 rebounds upang itarak ang 2-4 baraha ng Letran at ipalasap sa Generals ang pang-limang sunod na talo sa anim na laro. Elech Dawa


.. Continue: Remate.ph (source)



Altas bumalik sa dating porma


Kelot, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis

HINDI inakala ng isang lalaki na pulis na pala ang bumibili sa kanyang shabu sa isinagawang buy-bust operation dahilan upang madakip sa Valenzuela City, Miyerkules ng gabi, Hulyo 30.


Nakilala ang suspek na si Alberto Domingo, 56, ng Tiwala St., Pasolo ng lungsod.


Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nagtutulak ng shabu ang suspek sa nasabing lugar kaya nagkasa sila ng entrapment operation alas-9 ng gabi sa tapat ng bahay ni Domingo.


Umaktong poseur buyer si SPO1 Arnel Capuno at nang iabot ng suspek ang isang sachet ng shabu sa una kapalit ng P200 ay agad na dinamba si Domingo saka dinala sa presinto. Rene Manahan


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis


Magsyota, natusta sa motel

UPANG ikubli ang ginawang krimen, sinunog ng isang lalaki ang bangkay ng kanyang nobya saka isinunod ang sarili sa Goa, Camarines Sur nitong Miyerkules ng gabi, Hulyo 30.


Ito ang lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Goa-PNP, sa sinapit ng dalawang hindi nakikilalang biktima na kapwa nasa 25 hanggang 30-anyos.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 10:45 nitong Miyerkules ng gabi sa loob ng Room #9 ng Papelon Lodging House sa Goa, Camarines Sur.


Bago ito, nabatid na nag-check-in sa nasabing motel ang dalawa noon pang nakaraang Linggo.


Pero ayon sa mga roomboy, kahapon lamang ay lumabas ang naturang lalaki at nang bumalik ay may dala nang malaking container na may likidong laman.


Sa pag-aakalang tubig lang ang dala ng kanilang kostumer, hindi na nila ito pinansin hanggang sa biglang sumiklab ang malaking apoy na nagmula sa kuwarto ng mga biktima.


Rumesponde naman agad ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP)-Goa nang tumawag sa kanila ang cashier ng lodging inn na si Rachel Uy.


Pero nang maapula na ang naturang sunog at nagsasagawa na ng clearing operation ang mga tauhan ng BFP, bumulaga sa kanila ang sunog na sunog na bangkay ng isang babae at isang lalaki.


Nangamoy gasolina rin ang loob ng kuwartong tinutuluyan ng magkasintahan kaya kinutuban ang police investigator na sinunog ng lalaki ang kasamang babae saka sinilaban ang sarili.


May nakita rin na itim na marka sa leeg ng babae na isang senyales na pinatay ito sa sakal bago sinunog ang bangkay.


Teyorya rin ng pulisya, na bago ang pagpatay at pagsunog sa bangkay ng babaeng biktima ay nagtalo ang magkarelasyon na humantong sa krimen.


May nakuha rin na sachet ng shabu sa bahagi ng naturang kuwarto. Robert C. Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Magsyota, natusta sa motel


Bebot, tigbak sa riding-in-tandem sa QC

ISANG bangkay ng babae ang natagpuang nakahandusay at may tama ng bala sa dibdib sa Bgy. Holy Spirit, Quezon City kaninang madaling-araw, Hulyo 31.


Pinaniniwalaang panghoholdap ang motibo ng riding-in-tandem dahil sa nawawalang handbag ng biktima.


Ayon sa mga residete sa lugar, naglalakad ang biktima sa lugar mula sa trabaho nang sumulpot ang mga suspek at inagaw ang bag nito.


Imbes na ibigay na lang, nakipambuno pa ang biktima sa isa sa mga suspek kaya binaril ng isa pang suspek bago nagsitakas dala ang bag.


Aalamin naman ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng lungsod kung may nakalatag na CCTV sa pinangyarihan ng krimen para matukoy ang mga suspek. Robert C. Ticzon/photo by: Ivan Gaddia


.. Continue: Remate.ph (source)



Bebot, tigbak sa riding-in-tandem sa QC


FEU, naalarma sa ‘bomb threat’

NAGDULOT ng tensyon sa mga estudyante at empleyado ng isang unibersidad sa Maynila ang umano’y bomb threat, kaninag umaga, sa loob ng campus.


Sa ulat, pasado alas-11 ng umaga ng ipag-utos ng pamunuan ng Far Eastern University (FEU) Manila at FEU Tech ang pagpapalabas sa mga estudyante at faculty staff dahil sa natanggap na bomb threat.


Dahil dito, agad na kinansela ang klase ng mga estudyante upang makasiguro sa seguridad ng mga ito.


Mabilis namang rumesponde ang mga tauhan ng MPD Explosive Ordinance Division upang iberipika ang nasabing banta. Jocelyn Tabangcura-Domenden


.. Continue: Remate.ph (source)



FEU, naalarma sa ‘bomb threat’


SUV vs jeep, mag-ina naipit

NABALIAN ng paa ang isang ginang habang sugatan ang kanyang anak nang maipit sa nagbanggaang SUV express at isang pampasaheorng jeep na kanilang sinasakyan sa Quezon City kaninang umaga, Hulyo 31.


Isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) sanhi ng pagkabali ng buto sa kanang paa ang biktimang si Karen dela Cruz, 31, habang sugatan naman sa paa ang anak nitong si Evita, 10.


Masuwerte namang hindi nasaktan ang isa pang mas batang anak ng ginang.


Sumuko naman agad at ngayon’y iniimbestigahan na ng mga tauhan ng Quezon City Traffic Sector 5, ang SUV driver na si Antonio Sadaran.


Pinag-aaralan naman kung isasali sa reklamo ang driver ng pampasaherong jeep na hindi nakuha ang pangalan.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8:00 ng umaga sa may southbound lane ng Commonwealth Avenue, Q.C.


Nakasakay si Karen kasama ang dalawang anak niya sa jeep nang tumbukin ng SUV express na minamaneho ni Sadaran ang hulihan ng kanilang sinasakyan.


Depensa naman ni Sadaran, hindi niya napansin ang naturang jeep na nakahinto sa halos gitna ng kalsada.


Bukod pa rito, sinabi rin ni Sadaran na sanhi ng malakas na ulan ay naging zero visibility ang daan bukod pa sa madulas ito. Robert C. Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



SUV vs jeep, mag-ina naipit


7 nalason sa kabute sa Ilocos

LAOAG CITY, ILOCOS NORTE – Pitong katao ang nalason matapos kumain ng kabute sa bayan ng Pidding, Laoag City, sa nasabing lalawigan kahapon ng hapon, July 30.


Kinilala ni Senior Insp. Don Acacio, chief-of-police ng Pidding, ang mga biktima na sina Marcelo Tumenes, live-in partner na si Sherelyn Agustin; bayaw nitong sina Junnie Agustin, 24; Albert Agustin, 25; Bonifacio Agustin, 75; Trinidad Agustin, 57; at anak nitong si Lea Agustin, 22.


Ayon kay Acacio, ang insidente ay naganap alas-5:30 ng hapon ng ulamin ng mga biktima ang kabute na nilagyan ng malunggay.


Ilang minuto ang nakalipas, biglang sumakit ang mga tiyan ng mga biktima, nahilo at sabay-sabay na nagsuka ang mga ito.


Sinabi ng Pidding District Hospital physician Dr. Myrna Hernaes na ang kinain nilang kabute ang sanhi ng kanilang karamdaman. Allan Bergonia


.. Continue: Remate.ph (source)



7 nalason sa kabute sa Ilocos


Babae, hinalay saka pinatay sa Baguio

BAGUIO CITY – Pinaghahanap ngayon ng Baguio City Police Office (BCPO) ang mga hindi pa kilalang mga suspek sa pagngagahasa at pagpatay sa isang 52-anyos na babae sa BHG Compound, Baguio City.


Ayon sa BCPO, kinilala ang biktima na si Theodora Agapito, ng BHG Compound, sa nasabing lungsod.


Sa imbestigasyon, ilang mga saksi ang nakakita sa mga tatlong suspek na umakyat sa nakabukas na bintana ng bahay ng biktima.


At makaraan ang ilang minuto, narinig ng kapitbahay na may parang humihingi ng tulog kung kaya’t pinasok nila ang bahay ng biktima.


Dito nila nakita ang biktima na naliligo sa sariling dugo at walang pang-ibabang suot.


Agad itinakbo ang biktima sa Baguio General Hospital and Medical Center ngunit dead-on-arrival ito.


Sinabi ng police na pagnanakaw ang pakay ng mga suspek dahil nagkalat ang mga kagamitan ng biktima. Allan Bergonia


.. Continue: Remate.ph (source)



Babae, hinalay saka pinatay sa Baguio


HIV cases, lalong sumisirit

NAALARMA na ang Department of Health (DoH) sa patuloy na pagsipa ng bilang ng mga nagkakasakit ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) na nakapagdudulot ng sakit na AIDS.


Ayon kay Dr. Eric Tayag, Hepe ng National Epidemiology Center ng DoH, 16 na bagong kaso ng HIV ang kanilang naitatala sa araw-araw ngayong taon.


Sa tala ng Philippine HIV and AIDS Registry, aabot sa halos 500 bagong kaso ng HIV ang naire-report na, 15% ang itinaas nito sa kaparehong panahon noong taong 2013.


Dahil dito, aabot na sa mahigit 2,000 ang kabuuang kaso ng HIV sa unang anim na buwan ng taong ito habang mahigit sa 19,000 naman ang naitala mula noong 1984 hanggang sa kasalukuyan. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



HIV cases, lalong sumisirit


Wednesday, July 30, 2014

2 education bills, pasok na sa 3rd reading sa Senado

NAKAPASOK na sa third and final reading ang dalawang panukalang batas na magtataguyod na gawing mas maging accessible lalo na sa mga mahihirap at working students ang edukasyon.


Batay sa pahayag nina Sen. Pia Cayetano, chairperson ng Senate committee on education, arts and culture at senators Sonny Angara, Antonio Trillanes IV ang naging co-sponsors ng Senate Bill 2274 o An Act to Expand Access to Education Through Open Learning and Distance Education at Senate Bill 2272 o Ladderized Education Act of 2014.


Sa ilalim ng ladderized system, dapat na bigyan ng pagkakataong makapagtrabaho ang mga naka-graduate at nakatanggap ng certificate ng dalawang taon sa technical-vocational training.


Sa ilalim ng Senate Bill 2274, mabibigyan naman ng tiyansa ang mga estudyante na makapag-aral kahit na hindi na pumunta sa eskwelahan basta’t nakumpleto nito ang designed materials at methods na itinakda ng Deparment of Education (DepEd) o ng Commission on Higher Education (CHED). Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



2 education bills, pasok na sa 3rd reading sa Senado


Pacman, planong magretiro sa 2016 para tumakbong senador

TAHASANG inamin ni 8-Division World Champion Manny “Pacman” Pacquiao na magreretiro na siya sa larangan ng ‘boxing’ sa taong 2016.


Paliwanag ni Pacman, nais niyang tumakbo bilang senador sa susunod na eleksyon sa ilalim ng UNA o United Nationalist Alliance ni Vice-President Jojo Binay.


Hati naman ang mga fans lalo na sa pagtakbo ni Pacquiao bilang senador.


Nakatakdang depensahan ni Pacman ang kanyang WBO Welterweight Title laban kay undefeated American fighter Chris Algieri sa Nobyembre ng taong kasalukuyan. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Pacman, planong magretiro sa 2016 para tumakbong senador


Planong kudeta vs Aquino admin, malabo – Biazon

MALAKI ang kumpiyansa ni House Defense Committee Chairman at Muntinlupa Representative Rodolfo Biazon na malabong mangyari ang bantang destabilisasyon laban kay Pangulong Noynoy Aquino.


Batay sa ginawa niyang pagtatanong-tanong sa mga aktibo’t retiradong sundalo, sinabi ni Biazon na kanyang nakumpirma na walang namumuong banta sa administrasyon.


Sa tingin ni Biazon, may nagtagni-tagni lamang ng mga usapan na ikina-kuryente ng ilan gaya ni Senador Antonio Trillanes na napasabog ng naturang isyu.


Binigyang-diin ni Biazon na imposible ang planong kudeta dahil sa wala magtutulak dito dulot ng malakas na suporta ng publiko sa Presidente. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Planong kudeta vs Aquino admin, malabo – Biazon


Bagyong Inday lumakas sa habagat

LALO pang lumakas ang Bagyong Inday habang papalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) bunsod ng haging habagat.


Ayon sa PAGASA, pasok na ngayon ito sa tropical storm category na bagyo, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kph.


Ani PAGASA weather forecaster Manny Mendoza na huling namataan ang bagyo sa layong 580 kilometro hilagang-silangan ng Basco, Batanes o sa silangan ng southern Taiwan.


Patuloy pa rin na makakaranas ng mga pabugso-bugsong pag-ulan ang Luzon at Visayas dahil sa hanging habagat na pinag-iibayo ng bagyong Inday.


Nananatili naman ang bilis nito sa 17 kph pa-hilaga hilagang-kanluran.


Inaasahang lalabas ito ng PAR ngayong gabi.


Dahil lumakas si “Inday,” asahan din ang pinag-ibayo pang paminsan-minsang pag-ulan sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, Cagayan Valley at western Visayas, na dala ng Habagat.


Mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang asahan sa MIMAROPA.


May gale warning pa rin sa lahat ng dalampasigan ng Luzon.


Posible namang Linggo ng gabi o Lunes ng umaga lalapit ng PAR line ang isa pang sama ng panahon na nasa Karagatang Pasipiko, kung manananatili ang bilis nito. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagyong Inday lumakas sa habagat


NFA rice na ginagawang commercial rice, nabuko ng NBI sa Iloilo

NABUKO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagre-repack ng 2,000 sako ng NFA rice upang maibenta bilang commercial rice sa Barangay Napnud, Leganes sa Iloilo kaninang madaling-araw.


Ayon sa NBI, pinasok ng mga operatiba ang isang bodega na pag-aari ng isang Dennis Devicente at dito nadatnan ang mga sako ng NFA rice na inililipat pa ng mga trabahador sa sako ng commercial rice.


Kinumpiska nila ang mga sako ng bigas at ang mga kagamitan na ginagamit nila sa pagre-repack.


Kinandado na rin ang bodega upang masiguradong walang mailalabas na ebidensya.


Sa nakalap na intelligence report ng NBI, galing sa bodega ng NFA sa Roxas, Capiz ang mga narekober na bigas at nakatakda sanang ibenta sa mga merkado sa Iloilo.


Sinubukan ng NBI na makapanayam si Devicente ngunit hindi ito mahagilap.


Nahaharap ang may-ari ng warehouse sa paglabag sa Presidential Decree (PD) No. 4 o Diversion at Illegal Distribution of NFA rice. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



NFA rice na ginagawang commercial rice, nabuko ng NBI sa Iloilo


Pinay nurse, ‘sex slave’ sa Libya

GINAWANG sex slave ang isang Pinay nurse makaraang dukutin ng ‘di pa kilalang armadong lalaki sa Tripoli, Libya.


Sa pahayag ng health ministry spokesman ng bansa, Miyekules ng umaga nang magtungo sa kanyang trabaho ang Pinay na dinukot ng hindi pa kilalang armadong grupo.


Matapos ang ilang oras, pinakawalan din ang Pinay nurse matapos gahasain ng mga suspek.


Una nang iniutos na Philippine government ang pagpapatupad ng sapilitang paglilikas dahil sa kaguluhan doon.


Saklaw nito ang nasa 3,000 na nagtatrabaho bilang doktor at nurses.


Dagdag ng health spokesperson ng Libya, nilisan na ng mga Pinoy medical personnel ang mga ospital sa Tripoli at nag-aabang ng paglikas. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Pinay nurse, ‘sex slave’ sa Libya


8 Chinese, 4 Pinoy arestado sa illegal mining

ARESTADO ang walong Chinese national at apat na Pinoy dahil sa iligal na pagmimina sa dalampasigan ng Barangay Upper Sibatang, Pagadian City.


Sa ulat ng pulisya, nakuha sa kanila ang dalawang backhoes, tatlong dump trucks at ilan pang kagamitan na gamit sa pagmimina.


Kinilala ang mga suspek na Chinese na sina Liu Gi Yi, 29; Chong Yong De, 27; Zhang Shu Kei, 24; Duan Cuang Zong, 55; Lui Chang Yin, 50; Xiao Min, 36; Tang Zihan, 25; at Zong Dong, 39.


Napag-alamang walang work permits ang mga naaresto.


Haharap sa kasong iligal na pagmimina ang mga suspek na ngayon ay nakakulong na sa Pagadian City Jail.


Samantala, isa pang kasamahan nilang Pinoy ang pinaghahanap ng mga pulis matapos itong makatakas ng arestuhin ang mga suspek. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



8 Chinese, 4 Pinoy arestado sa illegal mining


Radio Commentator kritikal sa van

KRITIKAL ang lagay ng isang radio commentator matapos mabangga ng isang close van sa Barangay Naguiddayan, Bantay, Ilocos Sur.


Nakilala ang biktima na si Danilo Tajon, komentarista sa isang istasyon ng radyo, habang ang driver ng van ay si BD Aguilar, ng San Nicolas, Ilocos Norte.


Batay sa imbestigasyon ng PNP-Bantay, parehong direksyon ang binabaybay ng dalawa nang mag- overtake si Aguilar at nabangga niya si Tajon na naka-motorsiklo at dahil sa lakas ng pagkahagis, tumama ang kanyang ulo sa semento.


Lumabas ang dugo sa bunganga at tainga ni Tajon na agad dinala sa ICU ng Metro Vigan Cooperative Hospital, Bantay.


Nasa kustodiya na ng PNP-Bantay ang driver ng van. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



Radio Commentator kritikal sa van


150 na-trap dahil sa landslide sa India

NASA 150 katao sa Malin, isang village sa Maharashtra Pune district, malapit sa Mumbai, India ang na-trap dahil sa landslide na dulot ng pag-ulan.


Ayon kay Suresh Jadhav, isang district administrator sa Maharashtra state, aabot na rin sa walo ang namatay at dalawa ang sugatan dahil sa nasabing insidente.


Sa ngayon, rumesponde na ang mahigit 200 volunteers at 50 ambulance para sa rescue effort. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



150 na-trap dahil sa landslide sa India


13 todas sa tigdas sa Lanao del Sur

ISASAILALIM sa mass vaccination ang 9,000 bata dahil sa tigdas sa siyudad ng Marawi at Lanao del Sur.


Ito’y matapos naalarma ang local government units (LGUs) ng Marawi City at Lanao del Sur dahil sa mabilis na paglobo ng bilang ng mga batang tinamaan ng tigdas.


Ayon kay Dr. Alemader Minalang ng Department of Health (DoH) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), batay sa kanilang monitoring, umaabot sa 92 katao ang tinamaan ng tigdas.


Ayon kay Minalang, sa nasabing mga apektadong residente, 13 sa mga ito’y kumpirmadong binawian na ng buhay.


Inamin ni Minalang na mahihirapan rin silang masugpo ang sakuna lalo pa’t wala silang laboratoryo para sana sa sampling dahil kailangan pang ipapadala pa sa DoH Northern Mindanao.


Dagdag pa ng opisyal na huling silang nakatanggap ng testing kits noon pang 2002.


Kaugnay nito, hinikayat ni Minalang ang mga residente na tutugon sa ilulunsad na mass vaccination lalo na sa mga pamilyang mayroong maliliit na kabataan.


Napag-alaman na hinikayat rin nito na ang mga residenteng may sapat ng edad na iinom ng mga bitamina upang lalakas ang kanilang resistensya. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



13 todas sa tigdas sa Lanao del Sur


2K sako ng NFA rice nabawi sa Iloilo

MANILA, Philippines - Nasa 2,000 sako ng National Food Authority (NFA) rice na binebenta bilang commercial rice ang nasamsam ng National Bureau of Investigat .. Continue: Philstar.com (source)



2K sako ng NFA rice nabawi sa Iloilo


Pinay nurse dinukot, ginahasa sa Libya

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Huwebes na may Pilipinang nars ang dinukot at ginahasa sa Tripoli sa kasagsag .. Continue: Philstar.com (source)



Pinay nurse dinukot, ginahasa sa Libya


Mga magnanakaw na gumagamit ng bolt cutter, target ng mga pulis sa Iloilo

Pinaghahahanap ngayon ng mga awtoridad sa Iloilo ang isang grupo ng mga magnanakaw na nagtangkang manloob sa isang tindahan at bangko gamit ang bolt cutter. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Mga magnanakaw na gumagamit ng bolt cutter, target ng mga pulis sa Iloilo


Coup vs PNoy imbento ni Trillanes

MANILA, Philippines - Imbento lamang ang ibinunyag ni Sen. Antonio Trillanes na bantang des­tabilisasyon laban kay Pangulong Aquino. .. Continue: Philstar.com (source)



Coup vs PNoy imbento ni Trillanes


P2.6T budget sa 2015 isinumite na sa Kamara

MANILA, Philippines - Isinumite na ng Ma­lacañang sa Kamara ang panukalang P2.606 trillion 2015 National Budget para mahimay ito ng maayos sa Kongreso. .. Continue: Philstar.com (source)



P2.6T budget sa 2015 isinumite na sa Kamara


‘Troop movement’ sa MM ikinaalarma

MANILA, Philippines - Naalarma ang netizens kahapon sa senaryo ng mga tangke at mga truck ng militar na nakita ang presensya sa Metro Manila sa gitna na rin .. Continue: Philstar.com (source)



‘Troop movement’ sa MM ikinaalarma


Trillanes ‘di sisitahin ni PNoy sa kudeta

MANILA, Philippines - Hindi sisitahin ni Pa­ngulong Aquino si Sen. .. Continue: Philstar.com (source)



Trillanes ‘di sisitahin ni PNoy sa kudeta


DAP gagawing legal

MANILA, Philippines - Ipinahiwatig kahapon ni Senate President Franklin Drilon na gagawing legal ng Kongreso ang Disbursement Acceleration Program (DAP) sa p .. Continue: Philstar.com (source)



DAP gagawing legal


Buwaya na 16-ft ang haba na umaligid daw sa mga bahay, nahuli sa Palawan

Isang buwaya na may habang 16 na talampakan ang nahuli ng mga residente sa Bataraza, Palawan nitong Miyerkules ng madaling-araw matapos maipit sa mga bakawan. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Buwaya na 16-ft ang haba na umaligid daw sa mga bahay, nahuli sa Palawan


Bagyong Inday lumalakas pa rin

NANANATILING malakas ang Bagyong Inday at wala pa ring direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa.


Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na inilabas alas-5:00 Miyerkules ng hapon, huling namataan si Inday sa layong 605 kilometers (km) silangan ng Basco, Batanes.


Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 55 km per hour (kph) malapit sa gitna at kumikilos pahilaga hilagang-kanluran sa bilis na 19 kph.


Ani Aldczar Aurelio, wala pa ring nakataas na babala ng bagyo sa anumang bahagi ng bansa dahil wala pa ring direktang epekto ang bagyo.


Ang Metro Manila, CALABARZON, Kabikulan, Cagayan Valley, Kanlurang Kabisayaan at ang mga lalawigan ng Zambales at Bataan naman ay makararanas ng paminsan-minsang mga pag-ulan. Gina Roluna


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagyong Inday lumalakas pa rin


LASOG!

NADUROG ang kaliwang binti ni Dennis Serafin De Guzman, 20, matapos mabangga at pumailalim sa Apex Commutere Transfort Bus na minamaneho ni Toedoro Pastrana sa Edsa, Kamuning, Quezon City, agad naman rumesponde si PO3 Francis Serrano ng Traffic Sector 4 ng QCPD. JUN MESTICA

.. Continue: Remate.ph (source)



LASOG!


SONA: LANGIT AT IMPIYERNO

SA nakaraang State of the Nation Address ni Pangulong Noynoy Aquino, ipinagdiinan nitong umuunlad na ang mahal kong Pinas.


At isa sa mga dahilan nito ang tinirador ng Supreme Court na Disbursement Acceleration Program.


May pag-unlad din umano sa pagbibigay ng kakayahan sa mga mamamayan na mabuhay at nag-“now showing” pa ng mga pelikulang nagpapakita ng mga kabataang nakatapos ng pag-aaral at pagsasanay para sa kanilang mga sarili, pamilya, komunidad at bayan.


Tanong: nangangahulugan ba na nagaganap sa nakararaming Pinoy ang sabayang pag-unlad ng gobyerno at ng bayan?


SWS SURVEY


Sa araw na nagkukwento si PNoy ukol sa pag-unlad ng Pilipinas at nagpapalabas na rin ng napakaigsing mga pelikula ng pagbabago sa buhay ng mga nagugutom at mahihirap, nagpalabas naman ang Social Weather Station ng resulta ng survey nito sa nasabing usapin.


Sabi ng SWS, 55% ng mga pamilyang Pinoy na binubuo ng lima katao ang naghihirap at 41% ang nagsabing sila’y kapos sa pagkain.


Batay sa 100-milyong Pinoy ngayon, nasa 55-milyon ang naghihirap at nasa 41-milyon ang nagugutom.


Heto ang masakit: dumami ng 500,000 katao ang mga naghihirap at 15% naman ang naidagdag na bilang sa mga nagugutom habang lumilipas ang panahon sa ilalim ng gobyernong PNoy mula Marso hanggang Hunyo 2014.


Sa buong Pilipinas ‘yan, mga Bro, pero pinakamatindi ang paghihirap sa Visayas at Mindanao. Ang Metro Manila at Luzon ay nagsabing nabawas-bawasan ang paghihirap at gutom pero hanggang 7% lang.


IBON SURVEY


Sinasabi naman ng Ibon Foundation na nasa 67% o 67-milyong Pinoy ang naghihirap. Tumutugma umano o kaunti lang ang pagkakaiba ng resulta ng survey nito sa survey mismo ng pamahalaan sa pamamagitan ng National Statistical Coordination Board.


Sinasabi ng Ibon na may 67% ng mga mamamayan ang nagsasabing sila’y mahihirap habang sinasabi ng NSCB na may 56-milyon ang nabubuhay sa kitang P100 kada araw at 66-milyon naman ang nabubuhay sa kitang P125 kada araw.


Bagama’t taong 2013 ang datos na ito ng NSCB, wala umanong gaanong ipinagbago ito sa taong 2014. Ang totoo umano, ipinapako ng gobyerno ang pag-aaral nito sa kahirapan sa nasa 20-30 milyon o 25-milyong Pinoy lang pero lumalabas ang napakalaking bilang ng naghihirap kung hihimayin talaga ang rekord nito mismo.


Sa halip, lumalala pa nga umano ang kalagayan ng mga ordinaryong mamamayan o obrero kaya.


KRISIS SA EMPLEYO


Gamitin man ang 7% na sukatan ng gobyerno sa kawalan ng trabaho o ang 10% na rekord ng Ibon, ang Pinas ang may pinakamataas na bilang ng walang trabaho sa Asya.


Kapag pinagsama umano ang 4.5M tambay o walang trabaho at 7.3M underemployed o kulang ang pinagkakakitaan, aabot ang bilang ng mga naghihirap at nagugutom na obrero sa 11.8M.


Heto ang rekord ng mga kapitbansa ng Pinas ukol sa unemployment: Brunei (1.1%), Cambodia (0.10%), Indonesia (5.7%), Malaysia (2.9%), Myanmar (4.0%), Singapore (2.0%), Thailand (0.9%), Vietnam (2.2%), South Korea (3.7%), India (3.8%) and China (4.1%).


Ito ang masakit: sa 38.7M may trabaho na Pinoy, parami nang parami ang halos puro part time sa bilang na 38.7% ng mga may trabaho.


Kabilang sa mga part timer ang kontraktuwal. ‘Yun bang === may trabaho ka ng limang buwan pero sibak ka matapos nito at hindi ka na makababalik pa sa pinanggalingan mong kompanya.


Kakambal naman nito ang mababang sahod at kawalan o kakulangan ng mga benepisyo mula sa Social Security System, Philhealth at Pag-IBIG.


Sino nga ang hindi maghihirap at magugutom diyan?


MATAAS NA PRESYO


Mariin na sinasabi ng Ibon na malaki talaga ang epekto sa kahirapan at gutom ang napakatataas na presyo o halaga ng mga produkto at serbisyo sa kasalukuyan. Maliit na nga ang kita o sahod ng nakararaming milyon-milyong mamamayan, lalo pa silang inilulublob sa kahirapan ng presyo.


Sa panahon ni PNoy, naganap ang pagtataas ng presyo ng bigas-National Food Authority mula sa P27 kada kilo sa P32 kada kilo.


Hinahaluan pa ito ng sabwatan ng pandaraya ng mga taga-NFA at rice trader o negosyante sa bigas. Bumibili ang mga rice trader ng bulto-bultong bigas mula sa NFA, papalitan ng sako ang mga ito at ipapasang komersyal ang NFA rice sa halagang P43 pataas.


Gutom at paghihirap nga ‘yan.


TUBIG AT KURYENTE


Hindi maitatatwa ang katotohanang grabe na ang pagmamahal ng kuryente at tubig.


Anak ng tokwa, kuwentahin ninyo kung ano ang inilundag ng presyo simula nang umiral ang pribatisasyon ng kuryente at tubig at malulula kayo, lalo na sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan ng Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.


Sa karanasan ng marami, ang dating P700 kada buwan na tubig ay nasa P1,600-P2000 na ngayon. Ang dating P300-P500 buwan-buwan na kuryente ay nasa P2,000-P5,000 pataas na ngayon.


Ang dating P400,000 na kuryente ng pabrika buwan-buwan ay naging P3M batay sa karanasan ng lumayas sa Pinas na pabrika ng tsokolate.


Triple rin ang singil ng mga kompanya ng tubig at kuryente sa mga residential na kostumer nila.


Sa Tondo, Manila, may matandang nagsabit lang ng ilang chichirya sa kanyang bintana para siya’y kumita ng mga barya, pero, anak ng tokwa, bigla siyang siningil ng komersyal ng kuryente. May nagtinda naman ng banana cue, bigla siyang siningil ng komersyal na tubig.


Gutom at kahirapan talaga ang aabutin nating lahat.


LANGIT AT IMPIYERNO


Nais palabasin sa SONA na nasa pintuan na tayo ng kalangitan. Pero hindi kaya sa loob na ng impiyerno tayo nakapasok?


Nagtatanong lang po.


oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/Benny Antiporda


.. Continue: Remate.ph (source)



SONA: LANGIT AT IMPIYERNO


CAMPUESTOHAN HIGHLAND RESORT ANG BAGONG DISNEYLAND NG PILIPINAS

ANG Campuestohan Highland Resort ay isang World-Class Themed Highland Resort na nagpabago sa mukha ng turismo sa Negros Occidental, dahil sa magandang serbisyo at pamamalakad ni Ralph Richard “Siote” Tan.


Kinagigiliwan ng lahat na i-feature sa kanilang Facebook account, hindi lamang dito sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa. Ang Campuestohan Highland Resort ay pasado sa lahat ng requirements na hinihingi ng pamahalaan. Makikita rin ang patuloy sa pag-unlad ng naturang resort na ipinuhunang salapi at pagod ni Siote Tan.


Ang pagiging mabait at matulungin ni Siote ay natural sa kanya. Siya ay magaang kausap, masayahin, marunong makisama sa kanyang mga tauhan at madaling lapitan. Naipakikita niya sa mga hotel guests, ang pinakamabuting kaugalian natin ang “Filipino Hospitality” na pinakatatak nating mga Pilipino na hinahangaan sa buong mundo.


Ang mga naglilingkod sa kanilang resort, kailan man ay walang kapaguran sa pag-asiste sa kanilang kostumer sa kahit anong mga katanungan ang kanilang nais bigyang linaw tungkol sa napakagandan resort at amenities.


Ang mga kawani ay tapat at maaasahan na kahit gamit, pera o anomang bagay na mahalaga na maiiwang hindi sinasadya ng mga hotel guests ay “tiyak” na hindi mawawala at siguradong maibabalik sa kinauukulan.


Ayon kay Siote Tan, nais nya maipamalas ang kaibahan ng Campuestohan Highland Resort sa ibang resort, dahil mayroon silang: “unique Log cabin, state-of-the art 3D swimming pool, imported giant playground, zip line and the Region’s only 4-lane sky bike, sky bridge, the country’s tallest giant Gorilla, the rope course, life super heroes in a Stonehenge podium and with Giant Panda and friends nearby and the one and only giant Log Pavillon that houses the restaurant and function halls for both small and corporate events and meetings. Maaari din nilang makita sa aming facebook account: Campuestohan Highland Resort o website: http://ift.tt/1pF1lG0”.


.. Continue: Remate.ph (source)



CAMPUESTOHAN HIGHLAND RESORT ANG BAGONG DISNEYLAND NG PILIPINAS


NASA KAMAY LAHAT NI PNOY ANG PONDO PARA SA 2016 POLLS

KUNG sa akala ninyo, parekoy, ay narendahan na si PNoy at kanyang mga KKK sa paghawak ng pondong bayan dahil sa desisyon ng Supreme Court laban sa Priority Development Assistance Fund at Disbursement Acceleration Program, diyan kayo nagkakamali.


King-ina, buhay na buhay ang PDAF at DAP.


Simple lang ang paliwanag, halimbawa, ni Chiz Escudero ukol sa PDAF. Ang labag lang sa Konstitusyon ay ang pakikialam o paghawak ng implementasyon ng PDAF ng mga mambabatas dahil labag nga naman ito sa sinasabi ng Konstitusyon na ang Palasyo ang tagapagpatupad ng batas at hindi ang Kongreso na tagagawa ng batas lang ang trabaho.


Kaya nga, king-ina, bukas sa mga kongresman at senador ang magpanukala ng batas para sa mga peborit nilang proyekto na may kasamang badyet.


At ang kasunod nito, may kikbak pa rin sila riyan. Maaaring aabot pa rin sa P70-milyon kada taon ang pagkakaperahang proyekto ng isang kongresman at P200M ang senador. Grrrrr!


Paano ang DAP?


Heto nga’t pati ang hepe ng militar ay nangangampanya na dapat ipagtanggol ng mga sundalo ang DAP dahil dito raw nanggagaling ang kanilang mga pagkakataon na magiging moderno at makapangyarihan.


Ito’y makaraang magkaroon ng bagong liderato ang militar na nagsabing “huwag sasali sa pulitika ang mga sundalo”


Hindi pa natutuyo ang laway ng liderato sa pagsasabing dapat maging non-partisan o neutral sa pulitika ang mga sundalo, naririyan na ang kautusang dapat ipagtanggol nila ang DAP?


Ano ‘yan, ha!


Pero sa ligal na usapin, hindi pa pinal ang kautusan ng SC sa DAP, lalo’t may motion for reconsideration ang Palasyo.


Kaya pupwedeng ipagpatuloy ng Palasyo ang DAP, lalo’t hindi naman sinabi ng SC na ang DAP mismo ay unconstitutional kundi ang ilang pinaggagagawa nina PNoy, Abad at Purisima rito.


Kaya nga, buhay na buhay ang PDAF at DAP at, dahil dito, walang duda na may magpapatuloy sa pandurugas o pagnanakaw sa salaping bayan…para sa sarili, politika at iba pa.


May isang mahalagang development nga lang, nakakonsentra sa kamay ng Pangulo ang paghawak sa pondo ng PDAF at DAP at pupwedeng magamit ang kapangyarihan nito para pilayin ang mga kalaban at protektahan at isulong ang interes ng mga kakampi nito, sa 2016 lalo na.


Kita n’yo na ang misteryo at milagro sa PDAF at DAP? BURDAD/Jun Briones


.. Continue: Remate.ph (source)



NASA KAMAY LAHAT NI PNOY ANG PONDO PARA SA 2016 POLLS


MABUTI’T HINDI NAGBIGTI

MAY ulat na nagkulong lang daw sa kanyang kuwarto sa buong araw si Pangulong Aquino…at nagmukmok matapos ang kanyang SONA.


At least, hindi nai-report na NAGTAGO siya sa ILALIM ng KAMA.


***

Inamin din ng Malakanyang na naging “emo” si PNoy sa kanyang silid sa Bahay Pangarap.


Araw-araw, lagi tayong nakababasa sa diyaryo na nagbigti habang nag-e-emote.


Buti na lang, hindi siya NAGBIGTI.


***

Sabi ni Communications secretary Sonny Coloma, hindi magre-resign si Pangulong Aquino matapos na tila magpaalam siya sa SONA.


Ahhh, hindi nga ‘yan magbibigti!


Sayang…


Sayang nga naman ang buhay.


***

Todo palakpak si Senate Prexy Franklin Drilon kay PNoy noong SONA.


SONAmabits ang lecheng ‘yan!


***

Bakit naman hindi papalakpak si Drilon kay PNoy?


Siya kasi ang may pinakamalaking DAP fund na nakuha.


Hayup!


***

Palakpakan din ang maraming kapanalig ni PNoy na nasa Batasan.


Kaya nga para tayong nakakita ng mga buwayang nagpipista sa Kamara.


***

Ang sabi ng mga kritiko, KULANG-KULANG ang talumpati ni PNoy.


Huh! At least, ang talumpati pala ang KULANG-KULANG.


***

Kahit ano pang paliwanag ni PNoy sa kanyang SONA, wala naman talagang naniniwala.


Paano maniniwala ang sambayanan na tuloy-tuloy niyang kinakalingan ang mga naging biktima ng trahedya kung patuloy na nananaghoy ang mga biktima ng Yolanda at Zamboanga siege dahil hirap na hirap na sila sa gutom, ginaw at sakit?


King ina talaga!


***

Sa labas ng Kamara habang nagso-SONA si PNOY, naroon ang tunay na mukha ng pinabayaang sambayanan ng gobyerno.


Mga manggagawang kakarampot ang sahod, mga kawani ng pamahalaan na pinababayaan, mga kabataaang nagrereklamo sa mataas na matrikula, mga nanay na kulang ang badyet dahil mababa ang sahod ng mga asawa.


…Mga tsuper na ang pinaghahanapbuhay na lang ay ang mga kompanya ng langis, mga guro na katiting din ang suweldo at mga biktima ng human rights.


Ano ang sinasabi ni PNOy na pag-unlad ng bayan? KANTO’T SULOK/Nats Taboy


.. Continue: Remate.ph (source)



MABUTI’T HINDI NAGBIGTI


SONA NI PNOY

INABANGAN ng milyong Juan at Maria ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino noong nakaraang Lunes, Hulyo 27.


Tulad ng inasahan, muli ay walang ipinagkaiba ang SONA sa nakaraang mga SONA ng Pangulo dahil ‘replay’ lang naman ang kanyang mga pinagsasabi.


Inisa-isa ang mga nagawa ng kanyang pamahalaan, bagay na paulit-ulit nang napakinggan nina Mang Juan at Aling Maria.


Pero sa rami ng accomplishment ng administrasyon ni PNoy, bakit daw hindi naramdaman ng mga Pinoy, lalo na ang mahihirap?


Dahil makalipas ang apat na taon, ang pangakong maiibsan ang paghihirap ng maraming Juan at Maria ay ‘di naman daw nangyari.


Gumanda nga raw ang takbo ng ekonomiya, pero lalo namang naghirap ang mga Pinoy dahil sa sobrang taas ng mga bilihin.


Tulad halimbawa ng bigas na noong nakaraang administrasyon ay nabibili ng P18 per kilo lamang.


Ang bigas ay napakahalaga dahil kung ito’y sumobra ng mahal katulad ng nangyayari ngayon, aba’y malaking problema dahil marami ang magugutom.


Sa sobrang taas kasi ng halaga ang bigas, ‘di na nagagawang kumain ng maraming Juan at Maria ng tatlong beses sa isang linggo.


Bukod sa bigas, nakakamatay rin ang sobrang taas na presyo ng iba pa tulad ng gulay, karne at iba pa.


Paktay kang bata ka, ika nga ng aking kaibigang Tsinoy.


Dahil mahal ng kanyang mga itinitinda, wala na raw bumibili, paktay rin daw ang kanyang negosyo.


Kaya kumbaga, ‘di lang mga mamimili ang nagrereklamo dahil pati mga negosyante ay nagrereklamo na rin dahil ‘di nabibili ang mga paninda.


Kumpara sa nakaraang mga SONA, ang pagkakaiba ng SONA ngayon ay ang pagkaka-deliver ni PNoy na may halong emosyon…’yon lang.


May natitira pang SONA si PNoy bago nito iwanan ang puwesto na ipinagkatiwala at ipinagkaloob sa kanya ng sambayanan noong halalang Mayo 2010.


Maririnig pa kaya ang mga paulit-ulit na naririnig sa kanya tuwing SONA?


Malalaman natin ‘yan sa Hulyo 27, 2015. CHOKEPOINT/Bong Padua


.. Continue: Remate.ph (source)



SONA NI PNOY


“Nude pose? Why not?” – Sen. Nancy Binay

MATAPOS mag-trending sa online ang mala-parachute na kasuotan ni Sen. Nancy Binay sa pagbubukas ng 2nd regular session ng 16th Congress nitong Lunes, Hulyo 28, 2014, aminado ang bagitong solon na may kasalanan siya kung bakit nagmala-parachute itong tingnan.


“Hindi talaga flattering ang hitsura. Actually, may kasalanan din ako. Ang taas kasi dapat shorter. Kaso hindi ko hinatak ang sa likod, may tali ‘yun,” ani Binay.


Aniya, napansin din ng kanyang anak na tila lumaki siyang tingnan sa nasabing kasuotan sa bahay pa lamang.


Itinanggi din nitong sabihin kung magkano ang gown na gawa ng sikat na designer na si Randy Ortiz.


“Hindi pa napag-uusapan ang presyo. Matagal na ako kay Randy. Minsan nakakalimutan na niya,” aniya.


Yari sa piña ang puting blouse na may embroidery at multi-colored ang ‘baloon’ na mahabang palda nito.


Marami din naman ang pumuri sa nasabing kasuotan ng bagitong senadora dahil bumagay naman ito sa kanyang simpleng hair and make-up.


Samantala, pabirong sinabi ng solon na handa siyang mag-pose ng ‘nude’ sa isang men’s magazine baka sakaling hindi na siya pagpiyestahan dahil wala na siyang suot.


“Why not? Magpo-pose ako. Walang designer. Walang suot. Wala na nga akong suot, baka maba-bash pa ako ha?” pabiro pang pahayag nito.


Dapat din aniya niyang paghandaan ang “fashion shoot” dahil ayaw niyang pagpiyestahan ng online bashers ang kanyang mga bilbil. Linda Bohol


.. Continue: Remate.ph (source)



“Nude pose? Why not?” – Sen. Nancy Binay


Super excited sa kanyang singing career

KAYA pala laging hawak ni Julie Anne San Jose ang kanyang sariling microphone na ginagamit niya sa Sunday All Stars kahit tapos na siyang mag-perform, branded pala at may kamahalanan ito. One hundred thirty thousand ang bili niya rito na inorder pa niya abroad.


Gumastos din umano siya ng around thirty thousand pesos sa pagpapa-personalized nito na may nakasulat pang JAPS na initials ng kanyang pangalan. “Maganda rin naman ‘yong ganito na nag-i-invest ka,” aniya. “Actually most of the international singers, merong ganitong sariling mic.


“‘Yong sa akin, piinalagyan ko po ng diamonds. Para ano lang, para magandang tingnan. Aside from syempre ro’n sa mismong quality ng tunog, kumbaga mas maganda kung may sarili kang mic para at least, ‘di ba? tantiyado mo?


“Tantiyado mo kung gaano kalakas o gaano kahina at saka importanteng-importante ‘yong monitor mo talaga. Kailangang naririnig mo ang sarili mo tapos, ‘yon, sa hygiene rin. Importante rin ‘yon.


“Pero itong ganitong mic po, kailangan niya ng receiver rin. Parehas niya rin.


“Maganda rin naman ‘yong ganito na nag-i-invest ka. Actually most of the international singers, merong ganitong sariling mic. ‘Yong sa akin, pinalagyan ko po ng diamonds. Para ano lang, para magandang tingnan.”


Tamang-tama ang nasabing personalized mic niyang ito sa pinaplanong major concert niya. Tuloy na ba talaga ito? “Hopefully, sana matuloy talaga. I will let you guys know naman kapag tuloy siya.


“If ever, baka late this year.”


Sa malaking venue ba gaganapin gaya ng Araneta Coliseum o MOA Concert Arena?


“Secret!” sabay ngiti ni Julie Anne. “Secret muna.”


Ano naman ang balita sa kanyang second album?


“I’m happy naman po na maganda ang feedback. Marami pong tumatangkilik ng album. I’m starting ‘yong mall show na po sa iba’t ibang lugar para sa promo nito.”


Naka-9 times Platinum ang kanyang first album. Matinding record ito na kailangan niyang i-beat o lagpasan. “Yes. Oh my God!” sabay tawang reaksyon ni Julie Anne. Kinakabahan nga po ako! Ha-ha-ha!


“Ano, may pressure rin po sa akin kasi ‘yon nga po, ‘yong first album gano’n na ang status niya.


“Tapos parang kailangan pong ano, e, kailangang mas higitan pa ‘yon or kailangang pantayan, ‘di ba?


“And, ayon, basta kung anoman po ‘yong mangyari. So be it naman po.”


Kasama sa second album niya ang kantang Right Where You Belong. Naging theme song ito ng The Master’s Sun at napaka-popular na sa ngayon at madalas pinatutugtog sa airwaves.


“Natutuwa po ako. Kasi pini-play talaga nila ‘yong music. Masarap sa pakiramdam na marami ang nagkakagusto nito kaya sobrang thankful ako sa mga tumatangkilik nito.”


Meron ba ulit siyang gagawing soap sa GMA?


“Pinag-uusapan pa rin po. Baka mga last quarter of this year po.”


May bago kayang igu-groom na ka-loveteam niya?


“I still don’t know yet. But, I’m open,” para sa bagong katambal ang ibig niyang sabihin. RUB IT IN/Ruben Marasigan


.. Continue: Remate.ph (source)



Super excited sa kanyang singing career