Tuesday, December 31, 2013

Paglilipat ng imahe ng Itim na Nazareno dinumog ng mga deboto

DINUMOG ng mga deboto at labis na nagsikip ang trapiko sa paligid ng Quiapo church ngayong unang araw ng Enero dahil sa nakatakdang traslacion at pagsisimula ng novena para sa imahe ng Itim na Nazareno dahil sa nalalapit na piyesta nito sa Enero 9.


Isasara ang ilan bahagi ng kalsada upang bigyang daan ang inaasahang volume ng tao na makikibahagi sa nabanggit na okasyon.


Ayon kay Quiapo Church rector Msgr. Clemente Ignacio, makikipagpulong sila kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino at maging sa Philippine National Police (PNP) upang mailatag ang maayos na prusisyon sa Enero 9, 2014 mula sa Quirino Grandstand hanggang sa pagbabalik ng imahe sa simbahan ng Quiapo.


Ayon sa pamunuan ng Quiapo Church, milyon-milyong deboto na naman ang makikilahok sa naturang maghapong aktibidad.


The post Paglilipat ng imahe ng Itim na Nazareno dinumog ng mga deboto appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Paglilipat ng imahe ng Itim na Nazareno dinumog ng mga deboto


3 buwan baby patay sa ligaw na bala, 1 pa kritikal

PATAY ang tatlong buwan lamang na sanggol nang tamaan ng ligaw na bala sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Anonang, Caoayan, Ilocos Sur habang patuloy namang nilalapatan ng lunas ang 2-anyos na bata sa katulad din na insidente sa Laoag City.


Kinilala ang namatay na biktima na si Vhon Alexander Llagas.


Nabatid na kasama ng biktima ang kanyang ama na natutulog sa kuwarto nang bigla na lamang umiyak ang sanggol.


Nang tingnan ang baby ay nakitang nagdurugo ang ulo nito.


Tinangka pang dalhin sa pagamutan ang bata pero binawian din ng buhay.


Samantala, agaw-buhay naman sa Laoag City General Hospital ang 2-anyos na bata matapos matamaan ng stray bullet sa Brgy. 3, Lusong area, San Nicolas, Ilocos Norte.


Kinilala ang biktima na si Rhanz Angelo Corpuz, ng Brgy. Lusong, San Nicolas, Ilocos Norte.


Ang biktima ay tinamaan ng ligaw na bala sa sentido.


Ayon sa ina ng biktima, natutulog na si Corpuz nang tamaan ng ligaw na bala ang anak.


Agad isinugod sa LCGH ang bata kung saan sa kasalukuyan ay nasa kritikal na kondisyon.


The post 3 buwan baby patay sa ligaw na bala, 1 pa kritikal appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



3 buwan baby patay sa ligaw na bala, 1 pa kritikal


Ilocos Norte nahintakutan sa 5.1 magnitude na lindol

NAHINTAKUTAN ang mga residente sa Ilocos Norte sa pangambang maulit sa kanilang lugar ang naganap na pagyanig sa lalawigan ng Cebu nang maramdaman ang 5.1 magnitude na lindol sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon ngayong araw.


Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ito kaninang alas-4:01 ng madaling araw.


Natukoy ang sentro ng pagyanig sa 105 kilometro sa hilagang kanluran ng Burgos, Ilocos Norte.


Batay sa ulat ang lindol ay may lalim na 40 kilometro at tectonic ang pinagmulan.


The post Ilocos Norte nahintakutan sa 5.1 magnitude na lindol appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ilocos Norte nahintakutan sa 5.1 magnitude na lindol


LPG may buena manong rollback sa 2014




KASABAY ng pagpasok ng taong 2014, magpapatupad naman ng rollback sa presyo ng kanilang liquefied petroleum gas (LPG) ang Petron Gasul.

Ayon sa ulat, P7.65 kada kilo ang ibabawas sa presyo nito.

Nangangahulugan na aabot sa P84.15 ang kabuuang ibababa para sa 11 kg regular cylinder tank.

Samantala, P5.34 kada kilo naman ang magiging price reduction sa LPG products sa Cebu at Bohol.

“Petron will implement a P7.65/KG (VAT incl) rollback effective 12:01 a.m. Jan. 1 to reflect the drop in international contract prices for the month of January. A P5.34/KG decrease will be implemented in Cebu and Bohol to align prices. These have been under a price freeze since November. Thank you,” saad ng advisory ng Petron.




The post LPG may buena manong rollback sa 2014 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



LPG may buena manong rollback sa 2014


Money ban ng Comelec, kinatigan ng SC

Tuluyan nang ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na kumukwestiyon sa legalidad ng money ban na ipinatupad ng Commission on Elections noong May 2013 midterm elections.


Sa desisyong isinulat ni Senior Associate Justice Arturo Brion, idineklara ng Court En Banc na moot and academic na ang kasong inihain ng Bankers Association of the Philippines na kumukwestiyon sa constitutionality ng Comelec Resolution 9688 na may petsang May 7, 2013.



Sa nasabing resolusyon, ipinagbawal ng Comelec ang pagwiwithdraw ng mahigit P100,000 sa bangko, at ang pagdadala ng mahigit P500,000 cash mula May 8 hanggang May 13, 2013 para mapigilan ang vote-buying.


Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, ang kapangyarihan ng korte na magsagawa ng judicial review ay limitado sa mga aktwal na kaso o kontrobersiya.


Pero dahil naapektuhan ang kaso ng money ban ng mga tinatawag na supervening events, ito ay maituturing nang moot and academic at hindi na kailangan pang sumailalim sa judicial review.


Ayon sa mga petitioner, nilabag ng money ban resolution ang rights to due process ng isang indibidwal dahil sa hindi makatuwirang paghihigpit sa pagwithdraw at pagdadala ng pera, na nakakaapekto naman sa mga lehitimong aktibidad. – Beth Camia


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Money ban ng Comelec, kinatigan ng SC


Azarenka, masaya sa pakikipagtunggalian kay Williams


(Reuters) – Naniniwala si Victoria Azarenka na ang tunggalian nila ni Serena Williams ay ginagawa siyang isang mas magaling na player at nais niyang magpatuloy ito sa susunod na apat na linggo sa Brisbane International at Australian Open.


Ikalawa sa likod ng 17-time major champion, magtatapat lamang sina Azarenka at Williams kung kapwa sila aabot sa final sa Pat Rafter arena sa susunod na weekend at Melbourne Park sa Enero 25.



Ang Belarussian, na napanalunan ang Australian Open sa huling dalawang taon, ay may 3-13 rekord kontra Williams ngunit naghati sa apat na laban noong nagdaang season at tinalo ang American, 7-5, 6-3, sa isang exhibition match sa Thailand noong nagdaang linggo.


“I think it’s great, first of all, to be a part of that rivalry because it really helps you to grow as a player, as a person,” lahad ng 24-anyos sa mga mamamahayag sa Brisbane noong Lunes.


“You learn things about yourself and what you need to improve, because when somebody is taking you to the limit you really have a good look at what you have to do better to rise up.” “


I definitely enjoy that and love tough competition. To take that challenge for me every time is very exciting. That’s what I wake up for and train hard for.”


Naiwasan ni Azarenka si Williams sa Australia noong nakaraang taon. Nakatakda silang magharap sa huling apat na laban sa Melbourne bago napigilan ito ng isang injury kay Williams na ikinatalo niya sa quarterfinal laban sa kababayang si Sloane Stephens.


“Every year I look so much forward to coming here,” sabi niya. “It’s one of my favorite places to play. I’ve loved it since I was a junior.”


Bubuksan ng second seed na si Azarenka ang bagong season sa ikalawang round ng Brisbane International laban kay local wild card na si Casey Dellacqua, na tinalo ang Kazakh na si Galina Voxkoboeva, 3-6, 6-2, 6-3, sa unang round noong Lunes.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Azarenka, masaya sa pakikipagtunggalian kay Williams


A Visionary Congress In 2014

On behalf of the House of Representatives, I extend my warmest greetings to the Filipino nation as we usher in the year 2014 filled with hope and unified spirit despite all the challenges we faced as a people.


The trials that we confronted in the past year affirmed our ability to rise above the most difficult of circumstances through our patience, perseverance, and hard work, our charity and cooperation, and most of all, with our strong conviction and belief in our individual and collective abilities, and with abundant faith in the overflowing grace of the Almighty.



We look forward to the year ahead, filled with gratitude for those who have unselfishly helped us in the past, with optimism in our ability to surmount the difficulties that lie ahead, and with undeterred resolve to make this coming year better and more prosperous for us all.


With a renewed commitment to be a visionary Congress – one that will anticipate the needs of the nation and steer the country towards progress, and on behalf of the House of Representatives, I wish everyone a peaceful and prosperous New Year.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



A Visionary Congress In 2014


OFW deployment, bumaba noong 2013

Ni Samuel Medenilla


Iniulat ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang bahagyang pagbaba sa bilang ng mga umalis na overseas Filipino worker (OFW) ngayong taon.


Tinukoy ang preliminary data, sinabi ni DOLE Secretary Rosalinda Baldoz na ang bilang ng mga nagkatrabahong OFW sa ibang bansa ay bumaba sa 1.53 milyon.



Sinabi ni Baldoz, namumuno sa governing board ng POEA, na ito ay 8.96 porsiyentong mas mababa kumpara sa 1.69 milyon noong nakarang taon.


Ito ang lumabas sa kabila ng pagdami ng landbased OFWs, na umakyat sa 1.36 milyon mula sa 1.34 milyon noong 2012.


Karamihan sa 900,000 ng OFWs na ito ay muling kinuha sa kanilang dating trabaho (rehire), habang ang mga nakakuha ng bagong trabaho (new hire) ay 419,257.


Ang Kingdom of Saudi Arabia ang nananatiling pinakapopular na destinasyon para sa landbased sector sa 351,470 OFWs sa kabila ng mga pagsusumikap na i-nationalize ang puwersang paggawa nito o mas kilala sa tawag na Saudization.


Sinusundan ito ng United Arab Emirates sa 236,797 at Singapore sa 123, 358.


Iniugnay naman ni Baldoz ang pagbaba sa deployment figures sa performance ng seabased sector, na malaki ang ibinaba mula sa 344,169 OFWs noong nakaraang taon sa 176,392 lamang ngayong taon.


Sinabi ni POEA administrator Hans Cacdac na ito ay sanhi ng kabiguan ng ilang manning agencies na magsumite ng deployment report sa itinakdang panahon sa POEA.


“We have a drop box system where some manning agents are a month delayed in reports. We expect to finalize the seabased data during the first quarter of 2014,” wika ni Cacdac.


Sinabi ni Baldoz na inaasahan na muling tataas ang deployment figures ngayong 2014.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



OFW deployment, bumaba noong 2013


‘Hobbit’, namamayagpag pa rin sa takilya

LOS ANGELES/NEW YORK (Reuters) – Sinapol ng The Hobbit: The Desolation of Smaug, ang tadtad ng special effects na kuwento ng mga duwende laban sa isang dragon, ang ikatlo nitong sunod na box office title, nang kumita ng $29.9

million nitong post-Christmas weekend upang daigin ang mga newcomer na The Wolf of Wall Street at The Secret Life of Walter Mitty.



Pumangalawa ang animated film ng Walt Disney na Frozen, sa ticket sales na umabot sa $28.8 million sa ikatlong linggo nito, kasunod ang Anchorman 2: The Legend Continues ni Will Ferrell, na kumolekta ng $20.2 million sa domestic theaters.


Pang-apat ang American Hustle, na muling pagsasama-sama ng direktor na si David O. Russell at ng mga bida ng Silver Linings Playbook na sina Bradley Cooper at Jennifer Lawrence, sa kitang $19.6 million sa mga sinehan sa Amerika at Canada, ayon sa studio estimates.


Panglima ang puwesto ng The Wolf of Wall Street ng direktor na si Martin Scorsese sa kinitang $18.5 million, bagamat pumangalawa ito sa The Hobbit noong Christmas Day, ayon sa taya ng box office tracking site na Rentrak.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Hobbit’, namamayagpag pa rin sa takilya


WE WELCOME THE NEW YEAR 2014 WITH HOPE AND OPTIMISM


Ang Araw ng Bagong Taon sa Pilipinas ay bahagi ng mahabang Panahon ng Pasko. Bago pa man sumapit ang Bisperas ng Bagong Taon, mayroon nang lumilikha ng mga ingay mula sa mga torotot, sirena, radyo, mga kaldero at kawali, at mga paputok. Ang mga hapag-kainan ay puo ng pagkain na pang-Media Noche. May mga basket na naglalaman ng 12 bilugang prutas na nakadisplay upang kumatawan sa mabuting kalusugan, kasaganahan, at suwerte sa buong taon pati na rin ang pasasalamat sa taon na nagdaan. May mga nagpa-party, sayawan at kantahan sa mga lansangan at pagtitipun-tipon ng mga pamilya. Nakasabog ang mga barya sa lahat ng bahagi ng tahanan, pati na sa mga bintana at pintuan. Nakasindi ang lahat ng ilaw upang makaakit ng biyaya at magandang kapalaran.


Ang tradisyunal na simbolo ng ng Bagong Taon ay iang sanggol na naka-diaper, na may sash kung saan nakasulat ang Bagong Taon. Itinatanghal din sa telebisyon ang pagpapalit ng taon ng bawat time zone at mga lungsod sa iba’t ibang bansa sa tradisyunal nilang selebrasyon.


Ang Gregorian calendar, na pinagamit noong 1582 ni Pope Gregory XIII, ay nagtakda ng unang araw ng taon bilang Enero 1. Maraming bansa na ang gumagamit ng Gregorian calendar, kung kaya ang Bagong Taon ang pinakatanyag na pagdiriwang sa buong mundo, na sinasalubong nang buong kasihyahan at pag-asa.


Noong unang panahon, iniuugnay ng mga Roman ang Bagong Taon kay Janus, ang diyos ng mga pasukan, mga pindo at ng mga simula kung saan ipinangalan ang unang buwan ng taon, January. Dalawa ang mukha ni Janus, ang isa nakaharap sa pupuntahan at ang isa naman sa pinanggalingan.


Ang Manila Bulletin, sa pangunguna ng Chairman of the Board of Directors na si Dr. Emilio T. Yap, President and Publisher Atty. Hermogenes P. Pobre, Executive Vice President Dr. Emilio C. Yap III, Editor-in-Chief Dr. Cris J. Icban Jr., Business Editor Loreto D. Cabañes, iba pang opisyal at kawani, ay naghahangad para sa ating mga kababayan ng lahat ng mainam sa taon na ito. Salubungin natin ang Bagong Taon ng may kagalakan at optimismo. Makamtan nawa ang kapayapaan, kasiyahan, at kasaganahan ng Republika ng Pilipinas at sa buong mundo ngayong 2014. MANIGONG BAGONG TAON SA LAHAT!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



WE WELCOME THE NEW YEAR 2014 WITH HOPE AND OPTIMISM


Juico, papalit kay GTK

Aminado si Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) president Go Teng Kok na unti-unti na nitong lilisanin ang asosasyon dahil sa kanyang karamdaman.


Gayunman, mananatili itong pangulo ng asosasyon si GTK bago ipasa ang responsibilidad kay vice chairman Philip Ella Juico.



“We don’t know yet what will happen. As of now, magaling na ako at malakas. Maybe in the next two months ay mas gumanda ang kalusugan ko at baka tumama sa sweepstakes. May pera na uli ako para tulungan ang PATAFA,” sinabi ni Go

habang nagpapagaling sa kanyang operasyon sa colon noong nakaraang Hulyo.


“This is my first time to miss the World Athletics Championships in Russia, also the SEA Games, but I was ably represented on both by Mr. Juico,” pahayag ni Go, inamin din na ang Philippine Sports Commission (PSC) chairman at kasalukuyang

pangulo ng Wack Wack Golf and Country Club (WWGCC) na si Juico ang inaasahan niya mula sa 15-man PATAFA board members na papalit sa kanya.


Matatandaan na ipinagkatiwala ni Go kay Juico ang dalawang malaking torneo na 14th IAAF World Championships sa athletics noong Agosto 10-18 sa Moscow, Russia, kasama ang tumakbo sa men’s 400-meter hurdles Fil-Am na si Eric Cray at 27th Southeast Asian Games sa Myanmar noong Disyembre 11-22.


Nakapag-uwi naman ang athletics ng kabuuang 6-4-3 (ginto-pilak-tanso) sa kada dalawang taong SEA Games.


“Right now, there are processes to be followed para hindi magulo sa POC and PSC. But I will gladly accept the endorsement and the leadership of the association once Mr. Go decided to step down and the election is held properly,” pahayag naman ni Juico.


Dalawang buwang naratay sa ospital si Go at mahigit P2-milyon ang nagasta dahil sa sakit.


Nakalalakad na ito ngayon ng normal bagamat kailangang gumamit ng tungkod.


Nasa puwesto si Go sa athletics sapul nang relyebuhan si Gov. Jose Sering sa pagkapangulo noong 1991. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Juico, papalit kay GTK


An Entire Year Of Opportunities

Manigong Bagong Taon sa Inyong Lahat!


It is such immense joy and optimism that I welcome everybody into this year of 2014.



As we enter 2014, all of us are given again an entire’s year worth of opportunities which will shape the course of our lives. I do hope that our aspiration extend to our beloved country. This nation still faces a great deal of trials ahead, but we can all make it if we strive and work together. This 2014, let us all pledge towards collective positive change, which will push our entire country forward on the path of prosperity and lasting peace.


We have been through a lot, but we have so much to look forward to. Mabuhay ang Pilipinas!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



An Entire Year Of Opportunities


3 taga-putol ng illegal water connection, pinagbabaril

Ni Francis Wakefield


Tatlong kalalakihan ang namatay matapos pagbabarilin ng isang pinaghihinalaang retiradong sundalo habang pinuputol ang ilegal na koneksiyon ng tubig ng suspek sa Barangay Pinagsama, Taguig City kahapon.


Kinilala ni Senior Supt. Arthur Asis, hepe ng Taguig City Police, ang tatlong biktima na sina Tyrol Mortos, Enrique Golo at Ronald Mabonga, pawang residente ng Vulcan St., Barangay Pinagsama, Taguig City.



Base sa imbestigasyon, naganap ang pamamaril dakong 8:42 ng umaga sa 31 Mt. Apo St., Palar Village, Barangay Pinagsama.


Sinabi ni Asis na ang tatlong biktima ay empleyado ng isang water association sa lugar na naatasang putulin ang ilegal na

koneksiyon ng tubig sa bahay ng suspek.


Habang pinuputol ang koneksiyon ng tubig, bigla na lang lumitaw ang suspek at pinagbabaril ang tatlo.


Dalawang suspek ang dinampot ng pinagsanib na puwersa ng Taguig City Police-Special Weapons and Tactics (SWAT), Police Community Precinct at Taguig Tactical Motorcycle Rider Unit (TMRU).


Nabigo naman ang pulisya na ihayag ang pagkakilanlan ng dalawang naarestong suspek.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



3 taga-putol ng illegal water connection, pinagbabaril


2 bata, pinugutan sa labanan

BANGUI, Central African Republic (AFP) – Dalawang bata ang pinugutan sa lumalalang labanan sa Central African Republic, sinabi ng UN agency for children noong Lunes, idinagdag na “unprecedented” ang antas ng karahasan na ginagawa sa kabataan.


Sinabi ng UNICEF na dalawang bata ang pinugutan, at ang isa ay pinutol pa ang mga bahagi ng katawan.



Sinabi rin nitong iniimbestigahan nito ang pagkamatay ng 16 na bata at 60 nasugatan simula nang sumiklab ang labanan noong unang bahagi ng Disyembre.


“We are witnessing unprecedented levels of violence against children,” sinabi ng kinatawan ng UNICEF Central Africa na si Souleymasne Diabate.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



2 bata, pinugutan sa labanan


Wall, nagtala ng 30 puntos para sa panalo ng Wizards


AUBURN HILLS, Mich.- Nagtala si point guard John Wall ng 30 puntos, ang kanyang career-high na may pitong mga laro na taglay ang mahigit sa 20 puntos, kung saan ay binigo ng Washington Wizards ang Detroit Pistons sa ikalawang pagkakataon sa tatlong pagtatagpo, 106-99, kahapon sa The Palace.



Nagsalansan si forward Trevor Ariza ng 15 puntos, 11 rebounds, 4 assists at 6 steals, habang nag-ambag ang guard na si Bradley Beal ng 13 puntos para sa Wizards. Binura ng Washington (14-14) ang 12-point, second-half deficit upang pagwagian ang ikalimang pagkakataon sa anim na mga laro.


Inungusan ng Wizards ang Detroit, 106-82, noong Linggo sa Washington, tinapyas ang seven-game losing streak sa Pistons. Pinangunahan ni forward Greg Monroe ang Pistons, nabigo sa ikalimang pagkakataon sa anim na mga laro, taglay ang 22 puntos at 10 rebounds.


Nagtarak si center Andre Drummond ng 16 puntos at 16 rebounds, inasinta ni guard Brandon Jennings ang 15 puntos at 14 assists, habang nagdagdag si forward Josh Smith, pinagpahinga sa second half noong Linggo, ng 16 puntos at 9 rebounds.


Tinipa ni Detroit rookie guard Kentavious Caldwell-Pope ang lahat ng kanyang career-high 17 points sa first half, at nabigo ang Pistons (14-19) sa ikaanimn pagkakataon sa pitong nakalipas na home games.


Binuksan ng Wizards ang fourth quarter na may 11 unanswered points, kinapalooban ng tres ni forward Martell Webster, upang kunin ang 89- 87 lead. Ang 20-foot shot ni Webster sa nalalabing 5 minuto ang nagdala sa Washington sa 95-91 advantage.


Ang perimeter shots naman ni Beal at center Nene ang nagbigay sa 101-96 sa natitirang 2 minuto. Ang fadeaway jumper ni Wall sa final minute ang nagdala sa panalo.


Narating ni Caldwell-Pope, umiskor ng kumbinasyong 13 points sa nakaraang limang mga laro, ang kanyang career high na mayroong 11-point second quarter kung saan ay sinunggaban ng Pistons ang 63-53 lead.


Ikinasa ni Jennings ang 10 assists kung saan ay umiskor ang Pistons ng 20 second-chance points tungo sa kanilang 14 offensive rebounds bago ang break. Lolobo pa sana ang kanilang kalamangan kung hindi sana nagmintis ang 9 sa kanilang 17 free-throw attempts. Tumapos ang Detroit sa 21-for-35 (60 percent) mula sa foul line.


PASAKALYE: Hindi nakita sa aksiyon si guard Rodney Stuckey, ang sixth man ng Pistons, sanhi ng sore right shoulder. Pinagpahinga siya ng dalawang mga laro na kapareho ring injury. … Sisimulan ng Washington ang three-game homestand kontra sa Dallas Mavericks ngayong Bagong Taon.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Wall, nagtala ng 30 puntos para sa panalo ng Wizards


More Opportunities In New Year

2013 has been a year full of challenges for us Filipinos. But it was also the year that we showed to the world that we can overcome any adversity.



New Year brings with it the hope of new beginnings and fills our hearts with the courage to face the challenges that life brings. We celebrate the coming of the new year for it is the time to start over, a time to rebuild. And as we do so, may we learn from the past and use it as a foundation to build a stronger, better future.


Along with all the new hopes and promises that the New Year brings, I pray that it also brings more opportunities for all of us to work together to serve our fellow men and build a better Philippines.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



More Opportunities In New Year


Abe, hindi welcome sa China

BEIJING (AP) — Inakusahan ng China noong Lunes ang prime minister ng Japan ng hypocrisy at sinabing hindi ito welcome sa China matapos siyang bumisita sa dambana na nagpaparangal sa war dead ng Japan, ang huling senyales ng lumalalang

hidwaan ng dalawang bansa.



Sinabi ni Foreign Ministry spokesman Qin Gang na ang pagbisita ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa Yasukuni shrine sa central Tokyo ay labis na nakasama sa relasyon ng dalawang bansa at isinara ang pintuan sa anumang dialogue ng mga

lider.


“Abe’s hypocrisy in his claims of prioritizing relations with China and hopes for dialogue with the Chinese leaders has been fully revealed,” sabi ni Qin sa isang regular briefing.


“The Chinese people do not welcome him,” aniya.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Abe, hindi welcome sa China


US, mas prayoridad ni Capadocia

Ni Angie Oredo


Hindi makapagdesisyon ang Philippine women’s tennis No. 1 player na si Marian Jade Capadocia kung alin sa pitong unibersidad sa Estados Unidos at Europa na nag-aalok sa kanya ng athletic scholarships ang pipiliin sa pagtuntong sa kolehiyo ngayong 2014.



Inamin ni Capadocia na inalok siya ng pitong unibersidad na bigyan ng athletic scholarship kung saan ay pinapaboran nito ang pag-aaral sa US kung saan ang nakatatanda niyang kapatid na babae ay nagtatrabaho bilang midwife.


“Tapos na po ako ng high school sa Mabini Campus sa Arellano University, kaya I’m ready na po for college. Iniisip ko po either sa University of Mississippi or University of Texas,” sinabi ni Capadocia.


Ito ay dahil ang UM Ole Miss Rebels at UT Longhorns ay kapwa nasa Division I sa US National Collegiate Athletic Association kung saan ang huli ay nagawang iuwi ang women’s title noong 1993 at 1995.


Kasalukuyang kumakampanya ang 18-anyos na si Capadocia sa dalawang torneo na sanctioned ng International Tennis Federation (ITF) at Women’s Tennis Association (WTA) sa Hong Kong Victoria Park Tennis Court.


Huling nabigo ang laking San Jose, Antique na makatuntong sa main draw ng $25,000 Hong Kong Tournament kung saan ay nalasap nito ang 7-5, 2-6, 1-6 decision kontra No. 2 seed na si Na Lee Han ng South Korea sa qualifying round.


Sumabak din si Capadocia sa aksiyon sa $10,000 Chevalier Hong Kong ITF-WTA Women’s Circuit Series 2013 kung saan ay nakuha nito ang silya sa main draw matapos ang magkakasunod na panalo sa qualifying round.


Pinatalksik nito ang top seed na si Abbie Myers ng Australia, 4-6, 6-4, 6-3, bago hinablot ang isa sa walong silya sa main draw sa paghugot ng 6-3, 6-4 panalo kontra kay Chinese Taipei Chia Hsien Yang.


Gayunman, ang kampanya nito ay agad naputol matapos ang 6-3, 6-1 kabiguan sa French bet na si Chloe Pacquet sa main draw tungo sa pagkakalasap sa kanyang pangkalahatang singles record na 35-22 (panalo-talo).


Huling nagwagi si Capadocia sa katatapos lamang na 32nd Philippine Columbian Association Open sa nakaraang Disyembre 2013 sa paghugot sa kanyang ikatlong sunod na korona matapos itala ang 6-1, 7-5, 6-4 panalo kontra kay Anna Clarice Patrimonio.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



US, mas prayoridad ni Capadocia


Propitious Year For The Nation

My warmest greetings to the Filipino people as we welcome the New Year.


The year was propitious for the nation, especially for the economy: This year, we were able to secure successive ratings upgrades from the three most prominent credit ratings agencies. Our stock market reached its highest level in history this year, reflecting the confidence in an economy that continues to lengthen its strides, and which has now grown by at least 7% for five consecutive quarters.



The year was also eventful in terms of strengthening the bureaucracy and our institutions. The successful elections last May affirmed how Philippine democracy remains strong, allowing the Filipino people to demonstrate the power of their voice by giving fresh mandate to leaders who will hopefully steer the nation to a brighter future. Together with Congress, we put an end to a mechanism perceived to be a source of corruption and patronage in Philippine politics. And just recently, we have agreed on an important annex to the comprehensive agreement that will secure final, lasting peace in Mindanao, and bring much needed investments to that oft-neglected part of our Republic.


However, along with our victories, the past year has also burdened our people with various challenges. Lawless elements threatened our sovereignty in Zamboanga City; a 7.2-magnitude earthquake devastated Bohol, Cebu, and neighboring provinces, right before a once-in-a-generation super-typhoon once again tested the resolve of our countrymen across the Visayas.


At the time, each of these appeared too great for us to bear; taken together, a weaker-willed people would have been brought to their knees. But steadied by our dreams, we rose to meet the task at hand. We have proven to the world, and to ourselves, that no siege, no tremor, no storm can make the Filipino yield. With our unity strengthened, our confidence lifted, and our bayanihan spirit reignited, these setbacks are mere bumps on the road in our journey towards the fulfillment of our aspirations. In this New Year, a time of transition, change, and hope, let us all look deep into ourselves, examine all the events that transpired over the past year, and endeavor to become the empowered, motivated participants in nation-building that our country requires at this crucial juncture in our history.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Propitious Year For The Nation


Keira Knightley, hindi kinaya ang Twitter

MAAARING handy arena for self-promotion ang Twitter, pero inamin ni Keira Knightley na 12 oras lamang ang itinagal niya sa social networking site at kaagad binura ang kanyang account.


Sinubukan ng 28-anyos na aktres – na minsang inilarawan ang Internet na ‘dehumanising’ – ang 21st century microblogging pool sa pagbubukas ng isang account gamit ang pekeng pangalan, pero kaagad itong binura nang mapatunayan niya ang kanyang unang pangamba sa social media.



Aniya sa February edition ng Harper’s Bazaar UK: “It made me feel a little bit like being in a school playground and not being popular and standing on the sidelines kind of going, ‘Argh.’’


Ang kanyang pag-iwas sa social networking sphere – na ang dibisyon ng fans at celebrities ay nagiging blurred at ambiguous – ay maaaring iugnay sa misconception na siya ay ‘haughty,’ ngunit ipinagkibitbalikat lamang ito ni Keira.


‘No, I think that’s fine… I like being private,” aniya. “I haven’t asked a lot of the actresses who I really admire, ‘How do

you do it?’ because I don’t want to know.


“Maybe I’m childish in that way; I just don’t want to know about your life.’


Sa kabila ng napakatagumpay na career simula nang gampanan ang prominenteng papel sa 2002 sleeper hit na Bend It Like Beckham, sinabi ni Keira na nilalabanan pa rin niya ang uphill battle sa male dominated industry.


“I go to work at 5.30 in the morning; I wouldn’t get back probably until nine o’clock at night. Most of the guys that I talk to – and I’ve spoken to a lot of guys about it – they say ‘My wife does everything.’ You think, ‘Why wasn’t I thinking about this five years ago?’”


Dagdag niya: “Hollywood has a really long way to go. I don’t think that anybody can deny that, really, and I think as much as you are getting more women playing lead roles… they’re still pretty few and far between.”


Aminado siya na makalipas ang mahigit 20 taon sa industry, ngayon lang niya narating ang punto na nagiging confident na siya sa kanyang sariling kakayahan na hindi kailangan ang approval ng ibang tao.


“(I was) spending so much time being neurotic and beating myself up (that I thought) actually, if I didn’t, I might get further by just going, ‘Oh, f**k it.”


Magbabalik si Keira sa big screen ngayong Enero sa Jack Ryan: Shadow Recruit ni Kenneth Branagh kasama sina Chris Pine at Kevin Costner.


Ipalalabas ang pelikula sa Enero 31.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Keira Knightley, hindi kinaya ang Twitter


108 mediaman, pinatay noong 2013

BRUSSELS (AFP) – May 108 media professionals ang pinatay sa buong mundo habang ginagawa ang kanilang trabaho, at ang Syria ang pinakamadugong bansa kasunod ng Iraq, sinabi ng International Federation of Journalists noong Martes.


Bumaba ang bilang ng mga nasawi ng 10 porsiyento mula 2012 ngunit sinabi ng IFJ na kailangan pa ring kumilos ang mga gobyerno “to stem the bloodbath in the media”.



Naglabas ang grupo ng tinagurian nitong “desperate appeal for governments across the world to end impunity for violence against journalists and media staff”.


Inilista ng IFJ ang Syria bilang pinakamapanganib na bansa sa 15 namatay na mamamahayag, sinusundan ng Iraq sa 13, Pakistan, Pilipinas, India na may tig-10, Somalia, pito at Egypt, anim.


Sa mga rehiyon, ang Asia-Pacific ang pinakamalala, na pinangyarihan ng 29 porsiyento ng mga pagkamatay, at Middle East at Arab world na may 27 porsiyento.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



108 mediaman, pinatay noong 2013


Zac Efron, nakasuot ng sobriety chip

NAGSUOT si Zac Efron ng six-months sobriety chip sa isang basketball game.


Ang High School Musical star, na pumasok sa rehab noong Abril sa diumano’y paggamit ng cocaine at alcohol abuse, ay nakitang nakasuot ng blue Alcoholics Anonymous (AA) sobriety chip, na ibinibigay sa mga pagpupulong bilang simbolo ng encouragement and support, sa chain na nakasabit sa kanyang leeg habang sinusuportahan ang LA Lakers sa Los Angeles noong Disyembre 20.



Ang bituin ng Parkland ay pinaniniwalaang pumasok sa treatment noong unang bahagi ng 2013 nang magpahayag ang isang kaibigan ng pagkabahala sa kanyang ‘’erratic’’ behaviour habang ginagawa ang upcoming raunchy comedy na Neighbours.


Si Zac, na nabalian ng panga noong nakaraang buwan nang madulas siya sa pool at bumagsak sa labas ng kanyang bahay, ay ginawang katatawanan ang mga tsismis na nakuha niya ang pin pagkatapos ng magdamag na pagpa-party.


Ang 26-anyos na bituin ay lumabas sa isang video, ipinaskil online noong Disyembe 23, kasama ang kanyang That Awkward Moment co-stars na sina Miles Teller at Michael B. Jordan, na nagbirong nasaktan niya ang sarili nang iparanas niya sa isang babae ang ‘’worst sexual experience of her life’’ at nagpaliwanag na: ‘’So she picked up a book, a heavy book, and slammed it into your beautiful face.’’


Kinailangang lagyan ng wire ang bibig ni Zac at dahil sa matinding sakit ay napilitang kanselahin ang upcoming promotional tour para sa pelikula.


Bumubuti na ang kanyang kalagayan.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Zac Efron, nakasuot ng sobriety chip


Bangkang kolorum, binabantayan

Puspusan ang pagbabantay ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga bangkang kolorum na naglalayag ngayong holiday season.


Partikular na binabantayan ng PCG ang mga sasakyang pandagat lalo na ang mga bangka na patungong isla ng Boracay na dinadagsa ng mga bakasyunista tuwing peak season.



Ayon kay PCG-Caticlan Acting Station Commander Pedro Taganos, ilang operators ang namemeke ng mga sticker at kinokopya lamang ang naunang permit at pinapalitan ang petsa para lamang makapaglayag.


Iniinspeksyon din ng PCG ang mga lifejacket ng mga cargo at vessel na dapat may tig-isa ang bawat pasahero nito at binili sa accredited suppliers ng PCG para sa seguridad ng mga pasahero. – Beth Camia


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bangkang kolorum, binabantayan


Kalagayan ni Schumacher, kritikal pa rin

Nananatili sa induced coma si Michael Schumacher at ang kanyang kritikal na kondisyon ay inilarawan ng mga doktor bilang “extremely serious” matapos ang isang skiing accident noong Linggo.


Nagtamo ang seven-time world champion ng severe head injury matapos tumama sa isang malaking bato, at kasalukuyang ginagamot sa isang ospital sa Grenoble.



Sa isang press conference noong Lunes ng umaga, nilinaw ng mga doktor na nangangalaga kay Schumacher kung gaano kaseryoso ang mga natamong pinsala ni Schumacher at napakaaga pa upang magbigay ng prognosis.


Ayon kay Professor Jean- Francois Payen: “I would say that this accident was particularly serious and was dealt with immediately at our hospital. He was immediately operated on after a brain scan and afterwards his condition is critical.”


“As far as cerebral care [is concerned], all the recommended treatments have been introduced, but for the moment we are not able to express ourselves with regard to Michael Schumacher’s future. He is in a critical condition and his condition is said to be extremely serious. He is in intensive care.”


Kinumpirma ng medical team na si Schumacher ay pinanatili sa isang induced coma upang mas dagdagan ang kanyang tsansa na makarekober matapos operahan nang makitang siya ay may cerebral contusion at edema. Mayroon din siyang mga sugat sa utak.


Ang kalalaan ng mga injury ni Schumacher at ang kanyang kasalukuyang kondisyon ay nangangahulugan na hindi pa tiyak na masabi ng mga doktor kung kumpleto o hindi ang magiging recovery ng German.


Dagdag ni Payen: “We are currently not able to talk about after effects. We are talking about treatments and working hour-by-hour.”


“We are going to try to gain time, and try to give ourselves some time. The treatments that are going to be introduced, we know what we are hoping for from these treatments.”


“But currently I am not able to give you any more information, and cannot tell you what direction we are going in or what prognosis we are going to have.”


Sa kabila nito, naniniwala na ang mga doktor na ang malakas na pangangatawan ni Schumacher ay makatutulong upang siya ay gumaling. – Yahoo! Sports


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Kalagayan ni Schumacher, kritikal pa rin


Sombrero, ipinagbawal sa pawnshop

Ipinagbawal na rin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Carmelo Valmoria ang pagsusuot ng sombrero at sunglasses sa mga pawnshop at cash transfer outlets upang kaagad na makilala ang mga suspek sa panloloob o pigilin ang nakaambang pag-atake.



Umapela ang NCRPO chief ng kooperasyon at pang-unawa ng publiko sa nasabing rekomendasyon dahil para naman ito sa kanilang kaligtasan at seguridad.


Unang ipinagbawal ng pulisya ang pagsusuot ng sombrero at sunglasses pati na ang martilyo, liyabe at maso sa mga mall kasunod ng pag-atake ng Martilyo Gang sa isang jewelry shop sa SM North Edsa kamakailan. – Bella Gamotea


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Sombrero, ipinagbawal sa pawnshop


Bradley mapipinsala kay Pacquiao- Campbell

Bagamat hindi pa inihahayag ng Top Rank Inc. kung sino ang makakaharap ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao, lumilitaw na lamang na si WBO welterweight champion Timothy Bradley na umiskor ng kontrobersiyal na 12-round split decision nang una silang magharap sa Las Vegas, Nevada.



Ngunit kung magkakaroon ng rematch, naniniwala si dating world lightweight champion Nate Campbell ng United States na ilalampaso sa ibabaw ng ring ni Pacquiao at posibleng mapinsala si Bradley.


“I don’t think much of Bradley as a puncher, but Bradley’s going to do everything he can to win. But Bradley knows he can’t keep Pacquiao off of him,” sinabi ni Cambell kay boxing writer Chris Robinson ng Hustle Boss. “This time around, Pacquiao might hurt Bradley.”


Nakalaban ni Campbell si Bradley at nagresulta ang kanilang laban ng “No decision” matapos lumabo ang kanyang mga mata nang ma-headbutt ng dating WBO junior welterweight champion.


Para kay Campbell, bilis lang ang puhunan ni Bradley at walang lakas ang mga suntok ng kanyang kababayan.


“No, he can’t punch,” giit ni Campbell sa mga suntok ni Bradley. “He’s not a puncher.”


Nagbanta siya na posibleng mapinsala si Bradley kung makakaharap ang Pacquiao na dinominahan ang mas matikas na si Brandon Rios sa Macau, China kamakailan.


“If Pacquiao gets in shape like Pacquiao can get in, not only will he walk right through Bradley, he’s liable to ruin Bradley,” dagdag ni Campbell. – Gilbert Espeña


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bradley mapipinsala kay Pacquiao- Campbell


Kim Chiu, hindi bagay na Dyesebel?

Ni Reggee Bonoan


ANG daming nag-react sa sinulat namin kahapon na si Kim Chiu na ang napiling Dyesebel. Hindi raw bagay ang role dahil nga sobrang payat siya.


Narito ang ilang komento ng mga nakabasa ng item:



“Ang payat-payat po ni Kim, hindi siya bagay na Dyesebel, mukha siyang tinik. Kung siya talaga, sana magpataba siya ng konti para naman bumagay, baka mahiwalay ang costume niya, ha-ha-ha.”


Mukhang fans ni Julia Montes ang nag-comment.


“Mas bagay po kay Julia ang Dyesebel, mas seksi at mas malaman siya. Maganda mukha niya, tisay, bagay sa kanya ang role. Kung ibabase sa ibang gumanap na Dyesebel hindi po nahuhuli si Julia, si Kim, malayo ang itsura.”


“Hindi bagay si Kim, ateng,” say naman ng ilang katoto. “Mas bagay si Julia, in fairness.”


Iisa ang sagot namin sa lahat, “As of now, mas aktibo ang fans ni Kim at higit sa lahat, mas marami siyang iniendorsong produkto na puwedeng suportahan siya kumpara kay Julia.”


Dito ibinabase, ‘di ba, Bossing DMB?


(Pero napakalaki ng puntos ng mga nagkokomento na hindi bagay kay Kim, Reggee. –DMB)


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Kim Chiu, hindi bagay na Dyesebel?


Blg 6:22-27 ● Slm 67 ● Gal 4:4-7 ● Lc 2:16-21

Nagmamadaling pumunta ang mga pastol sa Bethlehem at natagpuan nila si Maria at si Jose at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Pagkakita rito, pina totohanan nila ang pa hayag na binigkas sa kanila tungkol sa batang ito. Namangha rin ang mga nakarinig sa mga sinasabi ng pastol sa kanila. Iningatan naman ni Maria ang mga ito at pinagnilay-nilay sa kanyang puso. Umuwi ang mga pastol na niluluwalhati at pinupuri ang Diyos dahil nakita nila ang lahat ng kanilang narinig ayon sa ipinasabi sa kanila. Pagsapit ng ikawalong araw, kailangan nang tuliin ang bata; noon siya pinangalanang Jesus, ang itinawag sa kanya ng anghel bago pa siya ipinaglihi.


PAGSASADIWA

Tagapagdala si Maria ● Itinatampok sa Dakilang Kapistahang ito ang natatanging karangalan ni Maria bilang Ina ng Diyos. Ang “kaluwalhatian” ni Maria—ang Immaculada Concepcion, ang Pagaakyat sa Langit, at ang mga titulong makikita natin sa Litanya ni Maria— ang lahat ng ito ay kaugnay ng pag dadala niya sa Tagapagligtas dito sa mundo. Walang katulad at di mapapantayan ng sino mang nilalang ang kanyang papel sa plano ng pagliligtas. Isang natatanging tawag ito kay Maria na kanyang tinugon sa pamamagitan ng malalim na pananampalataya, kababaan, at kagandahang-loob.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Blg 6:22-27 ● Slm 67 ● Gal 4:4-7 ● Lc 2:16-21


THE LAST SUNSET…

LAST SUNSET IN 2013 inabangan ng marami ang pinaka magandang sunset ng Manila Bay at sa huling araw ng 2013 at sa parating na bagong taon ng 2014.

INABANGAN ng marami ang pinakamagandang sunset sa Manila Bay bilang huling araw ng 2013.



The post THE LAST SUNSET… appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



THE LAST SUNSET…


Industriya ng itlog, i-regulate

Isinulong Rep. Estrellita Suansing (1st District, Nueva Ecija) ang regulasyon sa pagbebenta at distribusyon ng mga itlog sa bansa sa pamamagitan ng paglikha ng isang regulatory body.



Sa House Bill 3363, lilikhain ang Regulatory Enforcement Unit (REU) sa ilalim ng Department of Health (DOH) at ng Food and Drug Administration (FDA) para sa pagkakaroon ng regulasyon sa pagkaklase, packaging, pagtatatak, inspeksiyon, at expiration ng mga itlog na ibinebenta para sa lokal at pandaigdigang pamilihan.


Ikinatwiran ni Suansing na sa Republic Act 9711 (Food and Drug Administration Act) at Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines), walang probisyon sa egg regulation. – Bert de Guzman


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Industriya ng itlog, i-regulate


YUMMY!

MADALING ARAW pa lang ay nakasalang na sa baga ang mga lechon baboy sa litsonan sa la loma Qc para sa pagdating ng mga mamimili na ihahanda sa kanilang hapag kainan sa pagsalubong sa bagong taon/

MADALING-ARAW pa lang ay nakasalang na sa baga ang mga lechon baboy sa litsunan sa La loma, QC para sa pagdating ng mga mamimili na ihahanda sa kanilang hapag kainan sa pagsalubong sa Bagong Taon.



The post YUMMY! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



YUMMY!


Mall sa Binondo nasusunog

INIANGAT na sa ikatlong alarma ang nagaganap na sunog sa Binondo, Maynila ngayon lamang.


Ganap na alas-12:30 ngayon nang sumiklab ang sunog sa 999 mall sa nasabing lugar.


Inaalam na ang sanhi ng insidente.


The post Mall sa Binondo nasusunog appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mall sa Binondo nasusunog


Baby nalunod sa gatas, patay

PATAY ang apat na buwan na lalaking sanggol matapos malunod sa iniinom na gatas sa Talakag, Bukidnon.


Nabatid na mismong ang ina ng biktima ang nagpainom ng gatas sa baby gamit ang bottle feed.


Nabatid na habang dumedede ang sanggol ay iniwan siya ng kanyang ina na noon ay naglalaba kaya laging gulat ng pagbalik niya ay nangingitim na ang bata.


Tinangka pang dalhin ang baby sa Northern Mindanao Medical Center sa Cagayan de Oro City subalit binawian din ng buhay.


The post Baby nalunod sa gatas, patay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Baby nalunod sa gatas, patay


Pinay itinanghal na Miss Tourism International 2013

ISA pang Pinay ang nagbigay ng karangalan sa bansa bago magtapos ang taong 2013 nang koronahan bilang Miss Tourism International kanina.


Si Angeli Dione Gomez ay nanguna sa 60 kalahok na ginanap ang patimpalak sa Putrajaya Marriott Hotel, IOI Resort City, Sepang Utara, Malaysia.


Si Miss Thailand Sunidporn Srisuwan ang 1st runner up (Miss Tourism Queen of the Year International 2013), Second runner up si Miss Australia – Sarah Czarnuch (Miss Tourism Metropolitan 2013) at third runner up si Miss Dominican Republic – Michelle Alexis Torres (Miss Tourism Global 2013) habang fourth Runner up naman si Miss Malaysia – Thaarah Ganesan (Miss Tourism Cosmopolitan).


The post Pinay itinanghal na Miss Tourism International 2013 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pinay itinanghal na Miss Tourism International 2013


UPDATE: 5 patay sa hostage taking sa Naga

LIMA ang patay, kabilang ang suspek na nag-suicide matapos ang hostage drama sa Pili, Camarines Sur.


Umabot sa walong oras ang hostage drama sa pamilya Zepeda sa loob ng bahay sa Barangay New San Roque.


Kaninang alas-6:00 ng gabi nang kumpirmahin ng PNP na lima ang patay kabilang ang nagpakamatay na suspek na si Anthony.


Alas-4 ng hapon nang i-hostage ng suspek ang kanyang kapatid na si Victor misis nito na si Charmaine, tatay na si Expidito at ang kasambahay na si Melly.


Nauna nang iniulat kaninang umaga na nagkaroon ng sagutan ang suspek at kanyang ama na nauwi sa pamamaril ng una at patayin ang kanyang tatay at kapatid.


Makaraan ang pamamaril ay nagpakamatay din ang suspek.


Sinasabing lulong sa ipinagbabawal na gamot ang salarin.


The post UPDATE: 5 patay sa hostage taking sa Naga appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: 5 patay sa hostage taking sa Naga


12-anyos tinuklaw ng ahas habang naghahapunan sa Tacloban

NAKALIGTAS man sa hagupit ng supertyphoon Yolanda, nanganganib naman ang buhay ng batang lalaki matapos tuklawin ng ahas habang naghahapunan pasado alas-sais ng gabi kahapon sa Tacloban.


Kinilala ang biktimang si Lenard Abio, 12, ng Barangay Abucay, Tacloban.


Isinugod agad ang biktima sa EVRMC Hospital.


Ayon sa nanay na si Pacita Abio, habang sila ay kumakaing mag-anak ay hindi nila napansin na may pumasok na ahas sa kanilang tolda at bigla na lang tinuklaw ang biktima.


Nilalapatan na ng luas ng mga doktor ang naturang pasyente.


The post 12-anyos tinuklaw ng ahas habang naghahapunan sa Tacloban appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



12-anyos tinuklaw ng ahas habang naghahapunan sa Tacloban


Goodbye, Beatles

Disyembre 31, 1970 nang maghain si Paul McCartney ng The Beatles ng demanda laban sa sarili niyang banda, isang indikasyon na magkakawatakwatak na ang Fab Four.



Idinemanda ni McCartney ang mga dati niyang bandmate na sina John Lennon, George Harrison at Ringo Starr, at ang parent company nilang Apple Corps, sa pagtatalaga sa manager ng Rolling Stone na si Allen Klein bilang bago nilang manager, kaysa ang mga inlaw ni McCartney na sina Lee at John Easton.


Hindi nagtitiwala si McCartney kay Klein, pero ayaw ng tatlo pang miyembro ng Fab Four na maging manager ang mga in-law ni McCartney, dahil sa posibilidad na paboran ng mga ito ang multi-instrumental composer. Matapos magdisband, naging matagumpay ang solo musical careers ng dating Fab Four.


Disyembre 8, 1980 nang mabaril at mapatay si Lennon at Nobyembre 2001 naman nang mamatay si Harrison sa lung cancer. Nananatiling aktibo sa musika sina McCartney at Starr.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Goodbye, Beatles


Pulis, iba pa na magpapaputok ng baril i-video, kunan ng litrato - PNP

MANILA, Philippines - Kunan ng video at lit­rato! .. Continue: Philstar.com (source)



Pulis, iba pa na magpapaputok ng baril i-video, kunan ng litrato - PNP


Chinese med na ‘wa epek’ pinapa-recall ng FDA

MANILA, Philippines - Pinatatanggal ng Food and Drug Administration (FDA) sa mga botika ang isang brand ng antibiotic na nagmula sa China dahil sa ilang isyu .. Continue: Philstar.com (source)



Chinese med na ‘wa epek’ pinapa-recall ng FDA


2 testigo sa Zambo siege bantay sarado

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Justice (DoJ) ang seguridad ng dalawang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na testigo para sa k .. Continue: Philstar.com (source)



2 testigo sa Zambo siege bantay sarado


24 arestado sa illegal na paputok, 12 na biktima ng stray bullets

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 24 katao ang naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa pinalakas na kampanya sa Oplan Iwas Paputok .. Continue: Philstar.com (source)



24 arestado sa illegal na paputok, 12 na biktima ng stray bullets


Batang pulubi dumarami

MANILA, Philippines - Naalarma si dating Pangasinan 3rd District Rep. Rachel Arenas sa pagkalat ng mga namamalimos sa kalsada, lalo na ang mga bata. .. Continue: Philstar.com (source)



Batang pulubi dumarami


Baguio mas dadayuhin dahil sa TPLEX

BAGUIO CITY, Philippines - -- Inaasahang lalong dadagsa ang turista sa lungsod na ito ngayong bukas na sa publiko ang Tarlac-Panga­sinan-La Union Expressway .. Continue: Philstar.com (source)



Baguio mas dadayuhin dahil sa TPLEX


Oil price hike pasalubong sa Bagong Taon

MANILA, Philippines - Panibagong pasakit sa mga motorista ang isinalubong ng mga kumpanya ng langis sa Bagong Taon sa pagtataas sa presyo ng kanilang produkt .. Continue: Philstar.com (source)



Oil price hike pasalubong sa Bagong Taon


Simula 2014 Orasan isunod sa PhST - DOST

MANILA, Philippines - Hinikayat ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga Pilipino na isabay ang mga orasan sa Philippine Standard Time (PhST) n .. Continue: Philstar.com (source)



Simula 2014 Orasan isunod sa PhST - DOST


‘Holiday burial’ sa Tacloban, itutuloy

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Health (DoH) at National Bureau of Investigation (NBI) na babalik sila sa Tacloban, Leyte kahit holiday para i .. Continue: Philstar.com (source)



‘Holiday burial’ sa Tacloban, itutuloy


Pangangalaga sa Manila Bay, tiniyak

BALANGA CITY – Pinangunahan kamakailan nina Bataan Gov. Albert S. Garcia at Balanga City Mayor Joet Garcia ang libu-libong estudyante ng Bataan Peninsula State University para sa pledge of commitment para maproteksiyunan at mapangalagaan ang Manila Bay.



Sa selebrasyon ng Manila Bay Day sa Plaza Mayor ng lungsod, binigyang-diin ni Gov. Garcia ang walong commitment para maprotektahan ang mahahalagang water system sa silangan ng Bataan. – Ronald Supnad


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pangangalaga sa Manila Bay, tiniyak


KATUMBAS NG GINAWA

I bargained with life for a penny, and life would pay no more, However, I begged at evening When I counted My scanty store. For life is just employer, It gives you what you ask, I worked for a menial’s hire, only learned and to de dismayed, That any wage I had asked of life, Life would have willingly paid.



Sinasabi sa tula na anuman ang ating ginawang mabuti o masama, pagbabayaran natin ito. Ang pagbabayad na gagawin angtin ay hindi installment. Ito ay ayon sa gaan o bigat n gating mga kasalanan.Iyon ang sinasabi na ang ating malaking sahod ay ibibigay sa atin kung ating paghihirapan.


Sa pagsapit ng gabi ay nagmamakaawa ang makatang sumulat ng malaking kabayaran at ang ibinigay lamang sa kanya ay isang penny o isang sentimo. Wala nang ibibigay pa pagkat iyan lamang ang katumbas ng kanyang ginawa.


Narito ang isang istorya ni Julia na bagay na bagay sa kanyang personalidad. Maraming kakilala ako na Julia ngunit napakasipag nila. Ito ay pawang “sana” ang kanyang sinasabi. Sana’y nagtapos siya ng pag-aaral. Sana ay nakinig at nakinig siya sa kanyang mga magulang na huwag mag-aasawa ng bata pa. Sana ay pipiliin niya ang kanyang magiging mister upang gumanda ang takbo ng kanyang buhay. Nagiisa si Julia kaya’t spoiled siya sa kanyang Papa. Nang mag-asawa siya sa isang sugalero ay winaldas nito ang lahat-lahat ng ari-arian ni Julia.


Naging marka senyorita si Julia noong maliit pang bata pagkat tatlo ang kanilang katulong. Ang yaya niya ang kumuha ng kanyang bag sa loob ng kanyang kwarto nang magtanan sila nang gabing iyon. Pirma lamang ng pirma si Julia sa

tuwing magbibili ng lupa ang kanyang mister at iba pang ari-arian sa pangalan ni Julia. Ang kanyang mister ay nabundol ng truck noong ito’y nanggaling sa jogging noong umagang iyon. Ang hindi kapani-paniwala ay isang dyip lamang ang

nakipaglibing. Mga kontribusyon lamang ang ipinaglibing sa kanya.


Ang mabuti na lamang ay lagi siyang nakahawak sa Panginoon mula noong una. Hindi niya ito ginawang “sana”.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



KATUMBAS NG GINAWA


Ex-con, pinatay sa Tacurong

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Hindi na inabot ng Bagong Taon ang isang dating bilanggo na nasawi makaraang pagbabarilin sa Purok New Negros, Barangay San Pablo sa lungsod na ito noong Disyembre 29.


Tadtad umano ng tama ng mga bala mula sa .45 caliber pistol ang katawan ni Orlando Sumagaysay, alyas Suma, nasa hustong gulang, walang hanapbuhay, ng Bgy. San Pablo, Tacurong City.



Ayon sa report ni PO2 George Cascabel George, galing sa tindahan si Sumagaysay nang biglang sumulpot ang dalawang hindi nakilalang salarin na lulan sa motorsiklo at pinagbabaril ang biktima. – Leo P. Diaz


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Ex-con, pinatay sa Tacurong


3 cell phone, tinangay ng Budol-Budol

TARLAC CITY – Aabot sa malaking halaga ng mga cell phone ang napaulat na natangay ng isang babaeng umano’y miyembro ng Budol-Budol Gang na nagpanggap na kostumer sa isang tindahan ng gadget sa Metro Town Mall sa Barangay Sto. Cristo, Tarlac City, kamakalawa ng umaga.



Kinilala ni PO2 Edward Labisen Del Rosario ang mga nabiktima na sina Janel Yarte, 20, sales clerk, ng Bgy. Balingcanaway; at Arlene Santos, 32, administrative officer ng Digitown Mobile Phone, na pag-aari ni Jonelle Cariaga, 26, ng Sitio Tarvet, Bgy. San Rafael, Tarlac City.


Kabubukas lang ng tindahan nang isang babae na nagpakilala lang bilang Shane ang bumili ng Nokia C5 na nagkakahalaga ng P7,290, Nokia C6 na P12,490, at Nokia N700 na nagkakahalaga ng P12,290.


Sa pahintulot ni Santos, dinala ni Yarte ang mga cell phone sa suspek na nasa isang fast food restaurant, na nagsabi namang ipakikita niya sa isa pang kostumer ang mga telepono pero hindi na bumalik pa sa biktima.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



3 cell phone, tinangay ng Budol-Budol


Monday, December 30, 2013

DEAR SANTA

Dear Santa Claus,


Sana po ay nasa mabuti kayong kalusugan, kahit na nagkakatunawan na ang mga yelo diyan sa North Pole dahil sa Climate Change.



Matagal ko po itong pinag-isipan, Santa. Matagal din po kasi akong nagtampo sa inyo dahil last Christmas, hinintay ko ang pagdating n’yo, mukhang naligaw ang mga reindeer n’yo. Ngayon, sumusulat po ako dahil iniisip ko na baka puwede po akong humingi ng pabor sa inyo kahit tapos na ang Pasko. Maraming batang gusgusin po ang naghintay noong

gabing iyon para sa inyong regalo, na hindi naman dumating kahit ang inyong masayang Ho-ho-ho!


Katulad ng lahat ng mga bata, gusto ko rin po ng mga regalo tuwing Pasko. Kaya po nang mabalitaan ko sa mga kalaro ko ang tungkol sa inyo, natuwa ako. Sabi nila, magsabit lang daw ako ng isang medyas sa bintana—gabi ng December 24, at kinabukasan may matatanggap na raw po akong regalo mula kay Santa Claus. Pag bihira lang po kayong makatanggap ng pamasko, magiging excited po talaga kayo.


Kahit na hindi ko po ma-imagine kung anong laruan, libro, damit, o pagkain lang kaya ang magkakasya sa isang medyas, naghanap pa rin po ako. Palihim lang, kasi siguro madamot akong bata at gusto kong masolo ang regalo ninyo. Pinilit kong maghanap ng mas malaki-laki, Santa, para makasigurong mas malaki-laki rin ang magkakasya. Kaya lang, isang maliit na lumang medyas lang po ang aking nakuha.


Binantayan ko po ang bintana’t nagenjoy sa pag-i-imagine kung ano kaya ang regalo ninyo sa akin. Hanggang sa nakatulugan ko na iyon at nakalimutan din kinaumagahan. Ganoon po yata talaga ang malnourished na bata, Santa, malilimutin. Naalala ko na lang ang medyas nang tanungin kami ng nanay namin kung sino at bakit nakakalat ang isang medyas namin. Gumawa po ako ng kuwento para hindi mapahiya, Santa.


Kaya ako po’y nalungkot nang Paskong iyon at nagtampo. Pero ngayong malaki na ako at kaya nang bumili ng sariling medyas ko, nais ko po sanang humiling sa inyo. Tutal, nakalimutan ninyong idaan ang regalo ninyo noon: Sana po sa susunod na Pasko, bumisita kayo at pakidalhan po ninyo ng regalo ang kahit po isa lang na gusgusing bata. Maraming salamat po sa generosity n’yo, Santa.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



DEAR SANTA


‘Goodbye Paputok’, ikinasa ni Mayor Malapitan

Nagsagawa ng motorcade ang mga opisyal at kawani ng Caloocan City upang ilunsad ang ‘Goodbye Paputok’ at paalalahanan ang mga residente na iwasang magpaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon ngayong hatinggabi.


Pinangunahan ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang motorcade, na sinimulan sa Caloocan North City Hall.



Namahagi ng mga poster at tarpaulin ang alkalde na may larawan ng mga aksidenteng idinulot ng paggamit ng paputok.


“Ako po ay nagsusumamo sa aking mga kababayan na huwag nang magpaputok at gumamit na lang ng mga alternatibong paraan sa pagsalubong sa Bagong Taon,” sabi ni Malapitan. “Mag-ingay na lang po tayo o kaya’y kumuha ng sirang kaldero at ito na lang ang pukpukin, o kaya’y mag-torotot na lang.”


Inikot ng convoy ni Malapitan ang 188 barangay sa lungsod bago nagtungo sa Caloocan Poblacion para alayan ng bulaklak ang bantayog ni Gat. Jose Rizal, bilang paggunita sa ika-117 anibersaryo ng kabayanihan ng Pambansang Bayani kahapon. – Orly L. Barcala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Goodbye Paputok’, ikinasa ni Mayor Malapitan


GTK, nakatuon sa Asian Games

Nakatuon na ang Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) sa nalalapit na 17th Asian Games matapos ang matagumpay na kampanya sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar.



Ito ang inihayag ni Go Teng Kok sa gagawing paghahanda ng national tracksters sa paglahok sa kada apat na taong torneo bagamat inamin nito na kulang sa pasilidad at kagamitan ang mga atleta na dapat sana’y nagpadagdag pa sa koponan ng tatlo hanggang apat na medalya.


“We could have won more gold medals,” sinabi ni Go sa isinagawang Thanksgiving Lunch sa Orchids Garden Hotel sa una nitong pagtatrabaho sapul nang maoperahan sa colon noong Hulyo.


“We don’t have training venues for our throwing events. We could have won three more gold,” pahayag pa ni Go.


“We requested even for a vacant warehouse to serve as a training venue of our athlete pero ang ibinigay sa amin ay speed coach. We have the talent but how can they perform if they can’t practice,” giit ni Go, kasama sa okasyon ang napipisil na papalit sa puwesto niya na sina Philip Ella Juico at Congressman Rufus Rodriguez.


Dumalo din sa okasyon sina PATAFA legal adviser Nicanor Sering at national coach Joseph Sy.


Ipinaliwanag naman ni Go na hangad nitong maisagawa ang eleksiyon ng asosasyon subalit dahil na-revoke ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang kanilang accreditation na kailangan pa nilang hintayin ang bagong certification na posibleng lumabas sa buwan ng Pebrero bago ganapin ang eleksiyon.


“Actually, I am taking a rest right now and leave the leadership to Popoy (Juico) and Rufus (Rodriguez). I am thinking of retiring already and is looking for a smooth transition of leadership. Let us just look at the next two months before we could finally say to a new leadership,” saad ni Go. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



GTK, nakatuon sa Asian Games


CHEd hahanapan ng pondo ang PDAF scholars

Ni Ina Hernando Malipot


Tiniyak ng Commission on Higher Education (CHED) sa State Universities and Colleges (SUCs) noong Lunes na mababayaran ang tuition ng libu-libong estudyante na apektado ng pagbura sa congressional “pork barrel” dahil ang ahensiya “will find the funds for them.”



Noong Nobyembre, opisyal na idineklarang “unconstitutional” ng Supreme Court (SC) ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o congressional “pork barrel”, na nagbabawal sa pagpapalabas ng nalalabing “pork” funds para sa taon.


Sa isang official statement, sinabi ni CHED Chairperson Patricia Licuanan na ang Commission “is finalizing its audit as to exactly how many and how much it owes the SUCs for accepting the PDAF grantees.”


Tiniyak din niya na babayaran ang scholarships ng mga estudyante— partikular na ang nasa second half ng kasalukuyang school year—dahil ang CHED ang magpopondo para sa kanila. Batay sa datos ng CHED, mayroong 1,800 SUCs sa buong

bansa.


Sa kasalukuyang academic year, ang mga estudyante sa kolehiyo ay nasa second semester na. Gayunman, maghahanap pa ng paraan ang CHED kung paano tutulungan ang “pork barrel” scholars na umaasa sa financial assistance na kaloob ng mga mambabatas.


Unang inamin ni Licuanan na magiging malaking hamon para sa Comission ang paghahanap ng solusyon para sa mga apektadong iskolar.


Gayunman, tiniyak niya na ang Commission “will work something out so that students do not suffer.”


.. Continue: Balita.net.ph (source)



CHEd hahanapan ng pondo ang PDAF scholars


Kim Chiu, gaganap na bagong Dyesebel

KIM Chiu


Ni Reggee Bonoan


KUMPIRMADONG si Kim Chiu na ang gaganap na Dyesebel at si Xian Lim ang kanyang magiging leading man.


In passing, nabanggit sa amin ng aming source na si Kim ang gaganap bilang bagong Dyesebel kahit na may pa-audition pa ang Dreamscape Unit ng ABS-CBN para manglito lang.



Matagal nang nababanggit sa amin na may bagong serye nga sina Kim at Xi an, pero hindi naman sinasabi ang titulo hang gang sa aminin ng aming source na Dyesebel pala ito.


Una naming sinulat na si Kristine Hermosa ang gaganap ayon naman sa taga-production ng ABS-CBN, pero nagkaproblema raw dahil hindi pumayag si Oyo Sotto dahil magpapakita ng katawan ang dating aktres.


Marami ang sikat na artistang makakasama ni Kim sa Dyesebel pero hindi pa ito inire-reveal, say pa ng aming source.


Samantala, tinext namin ang publicist ng Dreamscape Unit ni Deo Endrinal na si Eric John Salut, pero hindi kami sinasagot hanggangnatapos naming tipahin ang balitang ito.


Anyway, ‘pag nagkataon, namumukod tanging si Kim ang gaganap na Dyesebel na tsinita, he-he-he …


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Kim Chiu, gaganap na bagong Dyesebel


Sariling aning prutas, ihain sa Bagong Taon

HIMOK NG AGRICULTURE DEPARTMENT

Ni Ellalyn De Vera


Umapela ang Department of Agriculture (DA) sa mga Pilipinong konsumidor na nagbabalak mamili ng mga bilugang prutas para sa Bagong Taon na tangkilikin ang mga lokal na ani.


“By buying fruits that are planted, cultivated, harvested and sold locally, we help our own farmers earn more from their hard work, and at the same time, encourage more production of these commodities,” sabi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala.



“After all, locally-grown round fruits abound, and they are as good, if not better, than the imported ones in terms of taste and nutritional value,” dagdag niya.


Naging tradisyon na sa mga Pilipino ang maghanda ng isandosenang pampasuwerteng bilugang prutas sa media noche o New Year’s eve midnight feast. Kaugnay nito, isinuhestyon ng DA na bilhin ng mga konsumidor ang mga lokal na prutas gaya ng rambutan, guyabano, atis, caimito, coconut, lanzones, bayabas (guavas), mabolo, dalandan (native oranges), pineapple, melon at chico.


Maaari ring piliin ng mga konsumidor ang mga prutas ng Davao gaya ng pomelo at mangosteen, o ang mas exotic na uri na tinatawag na sapinit na tinaguriang “Pinoy wild raspberry.”


Isinusulong ng DA ang pagpapalakas sa pagkonsumo ng mga prutas at gulay, upang mapabuti ang nutritional condition ng mamamayang Pilipino. Ipinakikita sa bagong nutritional data na pakonti nang pakonti ang kinakaing gulay at prutas ng mga Pilipino simula 1978 hanggang 2008, sa average per capita consumption ng gulay na nasa 110 grams (bumaba mula sa 145 grams noong 1978), at prutas sa 54 grams (mula sa 104 grams noong 1978.)


Inilabas noong Disyembre 2012 ng National Statistical Coordination Board, isinusuhestyon rin ng survey na ang konsumo ng bansa sa gulay at prutas ay kabilang sa pinakamababa sa buong Asia.


Inirerekomenda ng World Health Organization ang daily intake ng 400 grams ng gulay at prutas bawat tao (150 kilograms bawat taon) upang makatulong na maiwasan ang kakulangan sa vitamins and minerals gayundin ang sakit sa puso, ilang

cancer, diabetes, katabaan at ang mga tinatawag na lifestyle diseases.


Bilang bahagi ng kanyang High Value Crops Development Program, nakatuon ang DA sa productivity enhancement, research and development, organic farming, post-harvest training, value adding and processing, at market access of fruits, vegetables at iba pang high value commodities kapwa sa lokal at pandaigdigang merkado.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Sariling aning prutas, ihain sa Bagong Taon


Kid Molave, naghari sa Juvenile C’ship

Sariling kinoranahan ng Kid Molave ang napakahirap na 2-year-old race sa pagkubra ng 2013 Philracom Juvenile Championship noong nakaraang Linggo sa dinumog na MetroTurf, ang tahanan ng Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas.



Matapos pumosisyon mula sa striking distance sa mga nanguna, nagsagawa ang 2-year-old island-born bay colt ng Into Mischief sa labas ng Unsaid ng matinding pagarangkada mula sa outer rail sa far turn kung saan ay inungusan nito ang nangungunang Skyway at Barcelona.


Matagumpay na sinunggaban nito ang unahan sa maalikabok na arangkadahan mula sa kanyang mga matitinding

kalaban patungo sa payoff wire na kaakibat ang three-length lead.


Ang panalo ng Kid Molave ang nagkaloob sa nakalululang P1.5-million premyo para sa mayari na si Manny Santos, iprinisinta ng kanyang stable manager na si Valentino Yu sa ginanap na awarding ceremony.


Isa na naman itong nakakalulang payoff para kay Santos (nasa ibang bansa) matapos na kunin ng Kid Molave ang P1.8-million nang pagwagian ang 2013 Philtobo 2- Year-Old Championship sa kaagahan ng buwan na ito.


“Doon pa lang ho sa far turn alam ko nang mananalo na kami dahil marami pa ‘yung kabayo ko. Dito ho sa straight medyo nag-ease off na ako dahil malayo na kami,” saad ng winning rider na si Jonathan Hernandez.


Pinalitan nito si jockey Jesse Guce (ang Jockey of the Year na pinili ng Philippine Sportswriters’ Association para sa 2013) na mas piniling sakyan ang kanyang regular stable’s entry na Barcelona. Napasakamay nito ang ikalawang puwesto at premyong P562,500.


“Masaya ako sa naging resulta ng aming paghihirap sa kabayong ito. Sana naman ay magpatuloy pa ang aming suwerte sa susunod na taon para naman sa Triple Crown,” ayon kay winning trainer Egoy Hipolito matapos tanggapin ang tropeo.


Pumangatlo ang longshot Castle Cat, inayudahan ng hineteng si Chris Garganta kung saan ay nabiyayaan sila P312,500 habang ang fourth placer ay ang Skyway, ang top favorite na minanduhan ni Mark Alvarez, ay kumubra ng P125,000.


Ang finishers para sa 1,600-meter championship race ay ang Kukurukuku Paloma, Mr. Bond, Hello Patrick, The Lady Wins, Up And Away, Fairy Star, High Grader, Mabsoy, Matang Tubig at Love Na Love, ayon sa pagkakasu nod.


Sina Philracom commissioners Jess Cantos, Lyndon Guce at Eddie Jose ay inasistihan ni MMTCI senior vice president Rudy

Prado sa paggawad ng mga tropeo.


Ang whole-day races, suportado ng 12 Trophy Races at inisponsoran ng MetroTurf’s friends, ay sadyang naging matagumpay na nakakalap ng nakalululang P37.3-million kita.


“We would like to thank all those who supported the races at the MetroTurf. Although we had just started operating last February, the support we get from all sectors of the industry – from the owners, trainers, jockeys, racing aficionados and many others – is really tremendous. And we would like to express our wholehearted gratitude to all of you!” saad ni Prado


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Kid Molave, naghari sa Juvenile C’ship


IPAGDIWANG NATIN ANG BAGONG TAON


Sa Pilipinas, ipinagdiriwang sa labis na kasiyahan ang Bisperas ng Bagong Taon. Ang mga miyembro ng pamilya ay nagsusuot ng bagong damit, ang iba nakapolka dots na kamiseta at nagsisimba. At pagkatapos, nagtitipun-tipon sila para sa tradisyunal na Media Noche na kalimitang nasa sentro ng hapag-kainan ay ang litsong baboy, hamon, keso de bola, fruit salad, leche flan, at isang dosenang bilog na prutas. Nagpapasalamat ang pamilya sa Panginoong Diyos para sa taon na nagdaan at upang maging mas mabuti ang 2014.


Maraming pamilya ang nagpapatuloy ng nakagisnang tradisyon na nakaangkla sa paniniwala na magdudulot ito ng suwerte. Tinitiyak nila na ang kanilang mga pitaka at bag ay may mga barya. Inaalog nila ang sisidlang lata na may barya. Nakasindi ang lahat ng ilaw sa tahanan bago sumapit ang hatinggabi upang makaakit ng magandang kapalaran at mas malinaw na pagdedesisyon sa buong taon.


Hinihimok ng mga magulang na tumalon ang kanilang mga anak sa taas na kanilang makakaya upang sila ay tumangkad. Ang iba naman, binabasa nang malakas ang kanilang New Year’s resolutions upang matiyak ang mga ito ng iba pang miyembro ng pamilya. At, sa kabila ng masidhing pagsisikap ng ilang ahensiya ng gobyerno na ipagbawal ang pagpapaputok, halos lahat ng pamilya ay nagsisindi ng kuwitis sa kanilang mga bakuran o sa kalyeng tapat ng kanilang bahay.


Kahit sa ano mang paraan natin ipagdiwang ang Bisperas ng Bagong Taon, panatilihin nating ligtas ang ating mga pamilya sa kasagsagan ng selebrasyon. Gayon din naman, upang lumapat sa kahirapan ng panahon ngayon at sa pagsaalang-alang ng libu-libong pamilyang hindi man lamang makabili ng disenteng pagkain, panatihin nating matipid ngunit makahulugan ang ating mga aktibidad na tunay na nagpapatibay ng ating pamilya.


Ang Manila Bulletin, sa pangunguna ng Chairman of the Board of Directors na si Dr. Emilio T. Yap, President and Publisher Atty. Hermogenes P. Pobre, Executive Vice President Dr. Emilio C. Yap III, Editor-in-Chief Dr. Cris J. Icban Jr., Business Editor Loreto D. Cabañes, iba pang opisyal at kawani, sa pagsalubong ng Bagong Taon, ay humihimok sa ating mga mambabasa na hilingin sa Diyos na gabayan tayo upang maging mas mainam ang 2014 na may pag-asa, kapayapaan at pagmamamal sa ating pamilya at ng Republika ng Pilipinas at buong mundo. MABUHAY!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



IPAGDIWANG NATIN ANG BAGONG TAON


Madrid nanalangin vs aborsiyon

MADRID (AFP)— Libu-libong Katoliko ang nakiisa sa isang open-air mass sa central Madrid noong Linggo upang ipagdiwang ang Holy Family, ilang araw matapos aprubahan ng Spanish government ang paghigpit sa batas sa aborsiyon.


Sa pagtitipon ng maraming taon sa central Plaza de Colon square, hinimok ng marami sa kanila ang gobyerno na lubusan nang ipagbawal ang aborsiyon nang exceptions.



Ikinalulungkot ni Madrid Archbishop Antonio Maria Rouco Varela na ang mga pamilyang Kristiyano ay hinahamon ng public concept ng personal life na markado ng “transience”.


Sa ilalim ng bagong batas na ipinasa ng parliament, pinapayagan lamang ang aborsiyon sa mga kaso ng rape o kapag ang pagbubuntis ay nagiging banta sa pisikal o sikolohikal na kalusugan ng ina.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Madrid nanalangin vs aborsiyon


Regine, positibo ang pananaw sa 2014

Regine Velasquez


Ni Michael Joe T. Delizo


TINADTAD ng mga problema si Regine Velasquez ngayong taon, kabilang na ang pagkakaospital ng kanyang ama.


Inamin niya na tila natabunan ng mga pinagdaan ang negatibong bagay ang ilan sa magagandang nangyari sa kanyang buhay nitong 2013.



“Hindi ko alam kung ano ‘yung magandang bagay na nangyari sa akin, marami naman, kaya lang minsan naoovershadow ng pangit ‘yung maganda, so parang hindi ko maisip kung ano ‘yung maganda,” wika niya sa Bulletin Entertainment. “That’s very human.”


Kabilang sa mga biyayang ipinasasalamat niya ang tuluyang paggaling ng kanyang ama gayundin ang dalawang konsiyerto niya ngayong taon – ang repeat ng kanyang 25th anniversary Silver concert at ang Foursome Valentine’s Day concert kasama sina Ogie Alcasid, Pops Fernandez at Martin Nievera, na itinuturing niyang highlights ng kanyang career.


Hindi siya gaanong umaasa para sa 2014, dahil ayaw niyang ma-preempt ang kapalaran. Kung mayroon man siyang pinanghahawakan, ito ay ang pananatiling positibo habang patuloy na nagdarasal.


“I’m just looking forward period. Parang right now sa sitwasyon natin parang that’s all we need lang. You just look ahead and keep praying. Kasi hindi naman natin alam what’s gonna happen in the future. You just have to keep praying, looking forward and be positive,” aniya.


Sa pagbabalik-tanaw niya sa nagdaang taon, sinabi ni Regine na iniiwasan niyang magkaroon ng pagsisisi dahil, katwiran niya, “it’s not gonna change anything.”


Paliwanag ni Songbird, “‘Di ba you keep regretting na, ‘Sana hindi ko na ginawa ‘yon.’ Nabago ba? Hindi naman. So, parang you just feel guilty.”


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Regine, positibo ang pananaw sa 2014


Pulis, 3 mangingisda, nawala sa laot

Isang pulis at tatlong mangingisda ang iniulat na nawawala habang nagsasagawa ng rescue operation sa tumaob na bangka ng isa pang pulis na inatasang magsagawa ng retrieval operation sa isang natagpuang patay sa isang isla sa Tandag City, Surigao del Sur, kahapon.



Kinumpirma kahapon ng Tandag City Police na patuloy ang search at rescue operation sa nawawalang si PO1 Jeffrey Coquilla, at tatlong mangingisda na hindi pa kinilala, matapos tangayin ang mga ito ng malalaking alon kasunod ng pagtaob ng sinasakyan nilang bangka habang inililigtas si SPO1 Mariano Concha Jr.


Ayon kay Tandag City Police chief Supt. Jeffrey Laurence Mauricio, una niya inatasan si Concha para magsagawa ng retrieval operation sa natagpuang bangkay na si Ergie Plaza Suazo, na miyembro ng Tandag City Traffic Management Group, na unang napabalitang nawawala matapos tumaob ang sinasakyan nito kasama ang pamilya sa Barangay Quezon.


Sa pagresponde ni Concha sa natagpuang bangkay sa Mancagangi Island ay tumaob din ang sinasakyan niyang bangka, kaya ipinadala ang grupo ni Coquilla, pero pinaghampasan sila ng malalakas na alon at tinangay. – Fer Taboy


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pulis, 3 mangingisda, nawala sa laot


Bulkan pumutok

SAN SALVADOR (AFP)— May 2,000 katao ang inilikas sa silangan ng El Salvador nang pumutok ang bulkang Chaparrastique.



Nagsimulang bumuga ng abo ang 2,330 metrong taas na bulkan dakong 1630 GMT noong Linggo, dahilan para makansela ang ilang dosenang flights sa maliit na bansa sa Central America. Walang iniulat na namatay sa pagsabog na tumagal ng

halos 2.5 oras, ayon sa environmental ministry.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bulkan pumutok


LPG, may big time rollback; gasolina, magtataas naman

Ni Bella Gamotea


Isang magandang balita ang nakaantabay sa mga consumer.


Asahan na ang big time price rollback sa liquefied petroleum gas (LPG) sa unang linggo ng 2014.



Bagamat hindi naglabas ng taya, posibleng malaki ang ibababa sa presyo ng cooking gas ng mga kumpanya ng langis at iba pang LPG retailers.


Magugunitang inulan pa ng batikos ang Department of Energy (DoE) nang magtaas noong Disyembre 2 ang Petron ng P14.30 sa kada kilo ng LPG, katumbas ng P157 sa bawat 11-kilogram na tangke ng Gasul at P7.99 sa auto-LPG.


Nagpatupad din ang Solane ng P11 taas-presyo o P120 sa regular na tangke ng cooking gas, habang P13 naman ang sa Total at Liquigaz, dahil umano sa pagtaas ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan, at malaki ang demand nito dahil taglamig sa ibang bansa.


Hindi naman ligtas sa price hike ng Petron ang mga lugar na sinalanta ng bagyong ‘Yolanda,’ kabilang ang Aklan, Bohol, Leyte at Samar, na hinati lang sa dalawang bahagi; P8 ang itinaas ng LPG noong Disyembre 2 at ang natitirang P6.30 ay ipinatupad noong Disyembre 15.


Samantala, may masamang balita naman sa mga motorista, dahil nakaambang tumaas ang presyo ng petrolyo.


Tinatayang mahigit P1 ang idadagdag sa kada litro ng gasolina, habang P0.50 naman sa diesel, bunga sa paggalaw ng presyuhan ng langis sa international market.


Disyembre 17 huling nagpatupad ng price hike ang Petron, PTT Philippines, Seaoil at Total, nagdagdag ng P0.40 sa gasolina ngunit tinapyasan ng P0.55 ang diesel, habang hindi nagbago ang presyo ng kerosene.


Ang price adjustment ay hindi ipinatupad sa mga lugar na sinalanta ng lindol at bagyo.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



LPG, may big time rollback; gasolina, magtataas naman


Michael Schumacher, comatose sa France matapos ang skiing accident


GRENOBLE, France (AFP) – Nasa kritikal na kondisyon si Michael Schumacher, ang retired seven-time Formula One champion, noong Lunes matapos sumailalim sa brain surgery kasunod ng skiing accident sa French Alps, sinabi ng mga doktor.


Ang 44-anyos na German ay “suffering a serious brain trauma with coma on his arrival, which required an immediate neurosurgical operation”, saad sa pahayag ng ospital sa timog silangan ng lungsod ng Grenoble sa France.



“He remains in a critical condition.”


Nag-skiing si Schumacher kasama ang kanyang 14-anyos na anak sa upmarket Meribel resort, kung saan siya ay may property, nang mahulog at tumama ang kanyang ulo sa isang bato.


Inilipad siya sa isang lokal na ospital, at makalipas ang isang oras ay inilipat sa mas kumpletong pasilidad sa Grenoble. Isang surgeon at brain specialist mula sa Paris ang kaagad na ipinatawag upang pamahalaan ang paggamot sa kanya.


Sinabi ng director ng Meribel resort na si Christophe Gernigon-Lecomte, pagkatapos ng aksidente na may suot na helmet si Schumacher ay “conscious but a little agitated”, nagpapahiwatig na hindi nakamamatay ang natamong pinsala nito.


Nang ma-comatose si Schumacher, napagtanto ng mga doktor na mas malala ang kanyang pinsala kaysa nauna nilang pinangangambahan.


Sinabi ng dalawang mountain police officers na nagbigay ng first aid kay Schumacher na siya nagkaroon ng “severe cranial trauma” nang madatnan nila ito at isang helicopter ang dumating para mailipat siya sa loob lamang ng 10 minuto.


Ang kilalang Parisian neurologist, doctor na si Gerard Saillant, ay dumating sa Grenoble hospital sakay ng police car upang tumulong sa pagbibigay-lunas sa sikat na pasyente.


Nasa ospital na ang asawa niyang si Corinna at ang kanilang dalawang anak.


Ang pahayag ng ospital ay nilagdaan ng neurosurgeon ng pasilidad, ang professor na incharge sa anaesthesia/revival unit, at ng deputy director ng ospital. Inilabas ito katuwang ng press team ng dating racer sa Germany.


Maglalabas ng update sa kondisyon ni Schumacher sa mga susunod na oras, ayon sa tagapagsalita ng ospital.


Bantay-sarado ng mga pulis ang bukana ng ospital sa pagdagsa ng mga mamamahayag, at tagahanga, ang ilan ay nakasuot ng mga kulay ng dating stable Ferrari ng Formula One legend, na naghihintay ng balita tungkol sa kanyang kalusugan.


Kaisa ng libu-libong well-wishers ang reaksiyon ng Brazilian Formula One racing driver na si Felipe Massa sa Twitter.


“I am praying for God to protect you my brother!! I wish you a speedy recovery Michael,” sulat ng dating Ferrari driver.


Si Schumacher, naninirahan kasama ang pamilya sa Switzerland, ay nasa pribadong bakasyon sa Meribel, ayon sa kanyang tagapagsalita.


Ipagdiriwang niya ang kanyang ika-45 kaarawan sa Biyernes.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang aksidente, ayon sa ski resort.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Michael Schumacher, comatose sa France matapos ang skiing accident