Wednesday, January 28, 2015

Tataas-singil sa kuryente, nakaamba ngayong Pebrero

INANUNSYO ng Manila Electric Co. (Meralco) na aakyat ang singil sa kuryente ngayong Pebrero, bagama’t sa papasok na linggo pa matutukoy ang halagang ipapatong sa kanilang singil.


Ipinaliwanag ng Department of Energy (DOE) na halos 2,000 megawatts ang nawala sa Luzon grid kasunod ng biglaang aberya at scheduled maintenance ng mga planta.


Naaantala lamang ng malamig na temperatura at mahinang konsumo ang tuluyang kakapusan sa suplay ng kuryente.


Puspusan na ang pagkuha ng Meralco sa dagdag na suplay at nakapagkontrata na ng mahigit 600 megawatts sa Interruptible Load Program (ILP).


Hindi rin matiyak ng Meralco na walang mararanasang brownout ang kanilang mga kustomer sa summer.


Hinikayat na lamang ng kumpanya ang publiko na gumamit ng appliances na mas mahina ang konsumo tulad ng LED lightbulb at television.


Inaayos na rin ng Meralco ang iskedyul ng kanilang Power Lab na pwedeng ipasuri ng mga kustomer ang energy efficiency ng kanilang mga kagamitan at gadgets. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Tataas-singil sa kuryente, nakaamba ngayong Pebrero


No comments:

Post a Comment