KUMAKALAT ngayon ang impormasyon na ang suspendidong Philippine National Police (PNP) chief na si Dir. Gen. Alan Purisima ang tunay na nasa likod ng operasyon ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.
Sa pahayag ng isang police general, hindi umano masisisi sina DILG Sec. Mar Roxas at PNP OIC Leonardo Espina kung wala man silang direktang kaalaman sa pangyayari dahil talagang covert o lihim na operasyong iyon.
Ayon sa heneral, batid ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagtugis ng pulisya kina Malaysian terrorist Marwan at Basit Usman, ngunit walang malinaw na impormasyon kung may opisyal na marching order ito mula sa MalacaƱang.
Sinasabing ipinagtiwala kay Purisima ang operasyon dahil ito ang nakatutok sa galaw ni Marwan mula pa noong taong 2005.
Sinabi pa ng opisyal, plano sanang dalhin at agad na iharap sina Marwan at Usman kay Pangulong Aquino na nagtungo sa Zamboanga noon kung nahuli ang mga terorista.
Pero sa hiwalay na impormasyon, lumalabas na wala sa Maguindanao ang mga tinutugis na mga bandido kundi nasa Lanao area. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment