MARIING inihayag ng Moro National Liberation Front (MNLF) na mali ang mga intelligence report na natanggap ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa paglusob sa kuta ng mga rebelde sa Mamasapano, Maguindanao para huliin si Zulkifli bin Abdul Hir, alyas Marwan.
Ayon kay Emmanuel Fontanilla, Spokesperson ng MNLF, nasa Lanao si Marwan noong sugurin ng SAF-PNP ang lugar kaya sigurado siyang hindi nila napatay ang terorista.
Kinondena ng opisyal ang polisiya ng administrasyong Aquino na ibinukod ang MNLF sa usaping pangkapayapaan at hindi pinaabisuhan sa isinagawang raid na nagbunga ng masamang insidente.
Maaari umano silang magbigay ng impormasyon sa mga awtoridad para matukoy ang kinaroroonan ng suspek kapag nakipag-ugnayan lamang sila sa MNLF.
Tinawag din ni Fontanilla na “exclusion and greed combined,” ang nangyari matapos mapaulat na gusto umanong makuha at masolo ng PNP ang reward money na $5-million mula sa US government para mahuli si Marwan at teroristang si Basit Usman. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment