TATAPYASAN ng P0.15 ang presyo ng kada piraso ng pandesal o kaya naman ay dagdagan ng 2 gramo ang bigat nito epektibo ngayong Miyerkules.
Ito’y matappos magkasundo ang Department of Trade and Industry (DTI) at mga panadero na magkaroon ng rollback matapos bumagsak ng halos P300 ang presyo ng LPG.
Iginiit ng DTI na makatwiran lang na magbawas-singil sa mga produktong gumagamit ng LPG.
Nasa 27 hanggang 30 grams ang average na timbang ng pandesal na nagkakahalaga ng P2.
Binanggit ng Philippine Federation of Bakers Association (PFBA) na hindi nila pinipilit ang kanilang mga miyembro na sundin ito pero wala anila silang duda na makikiisa ang mga panadero para sa kanilang mga suki.
Nilinaw naman ng DTI na hindi pa kasali ang Pinoy Pandesal at Pinoy Tasty sa pagbaba ng presyo dahil hindi community bakery ang gumagawa nito.
Bukod sa pandesal, inanunsyo rin ng DTI na magbababa ng presyo ang isang major brand ng powdered milk. Ang dating P51 na 150 grams ay magiging P50 simula Marso 1. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment