Tuesday, January 27, 2015

3 karnaper, kalaboso sa CCTV

ARESTADO ang tatlong karnaper matapos makilala sa kuha ng close circuit television (CCTV) camera sa Maynila.


Hawak ngayon ng Manila Police District-Anti Carnapping Unit (MPD-ANCAR) ang mga suspek na sina Wilmer Opelenia, Louie Banglay at Raffy Camelon.


Ayon sa MPD-ANCAR, unang naaresto kagabi ang suspek na si Opelenia matapos makita sa footage ng CCTV ang kanyang tattoo sa kanyang kanang braso na may tatak na “what would jesus do.”


Sumunod namang natunton ang dalawa pa nitong kasabwat na sina Bangaly at Camelon.


Nabatid na madalas umano ang nakawan ng motorsiklo sa Quirino Ave. sa Maynila kaya naman pinayuhan ng pulisya ang publiko na siguruhing maayos na naka-lock ang kanilang mga sasakyan bago ito iwanan o i-park.


Narekober naman ang isa sa motorsiklo na ninakaw ng mag suspek subalit hindi na kumpleto ang mga bahagi nito.


Ayon sa MPD-ANCAR, ipinapasa umano ng mga suspek ang ninanakaw motorsiklo sa second party na siya namang magpapasa rin sa iba.


Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga naarestong suspek na ngayon ay kapwa nakakulong sa detencion cell ng MPD-ANCAR. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



3 karnaper, kalaboso sa CCTV


No comments:

Post a Comment