Saturday, January 3, 2015

Kuya Germs, na-ospital sa mild stroke

ISINUGOD sa ospital ang batikang TV host na si German Moreno dahil sa mild stroke.


Kinumpirma ng anak nitong si Federico Moreno na nagpapagaling na ngayon si Kuya Germs sa Acute Stroke Care Unit ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.


Gayunman, nasa maayos nang kalagayan ang 71-anyos na TV host bagama’t hindi pa ito maaaring tumanggap ng bisita at mga tawag.


Naniniwala naman ang Pamilya Moreno na bunga ng labis na pagod ang mild stroke ni Moreno.


Humihingi rin ng panalangin ang pamilya sa publiko para sa mabilis na paggaling ni Kuya Germs. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Kuya Germs, na-ospital sa mild stroke


No comments:

Post a Comment