IYAN ang sabi ni Pangulong Benigno Aquino 3rd (BSA3) eh. May reklamo ba tayo?
Heto ang idinagdag pa ni PNoy. “Para naman sa mga walang sawa na bumabatikos sa ating bawat kilos, ipinagpapasa-DIYOS ko na lang sila.”
“Baka naman dumating ang araw ay pagkalooban sila ng dagdag-kaalaman at kabutihang loob ng Poong Maykapal na sila naman ay TUMINO.” Kakitiran!
Ang pinag-uusapan pa lang natin ay ang mga biktima ng bagyong Yolanda na isang taon na ngayon, halos wala pa ring nagagawa na maayos ang kanyang rehimen.
Papaano ‘yung mga sinira ng mga bagyong sina Pablo at Sendong, ‘yung winasak na lindol sa Bohol at mga nawalan ng kabuhayan at tirahan sa maikling giyera sa Zamboanga City?
Sasabihin pa rin ba ni G. Aquino na “we are doing our best?”
Galit ka sa mga kritiko. Galit ka sa mga kalaban mo sa politika. Galit ka sa nakaraan. Ano ang gusto mo na mangyari, Mr. Aquino?
Hindi malulutas ng politika at personal na galit ang problema ng bansa. Hindi ba naghahanap ka ng solusyon?
Mahalaga ang kritisismo lalo na’t ito ay may dalang suhestyon o rekomendasyon. Concrete criticism ang tawag doon.
Marami ang kritiko na may alternatibong solusyon. Ang tanong, tinangka mo man lang ba na gawin o maski subukan ang mga iyon?
Iyan ang mahirap sa isang lider na talo pa ang “bulag, pipi at bingi” sa katotohanan.
Mismo nga mga miyembro ng iyong gabinete na ang nagsasabi na wala kang kasingtigas ng ulo! Ayaw mong maunahan?
‘Yung sinabi mong pagtimbang sa mga usapin, mas naniniwala ka sa report at sulsol ng iyong mga gabinete na walang ginawa kundi gaguhin at pagsinungalingan ka.
Sabi ni DSWD Sec. Dinky Soliman, 90% na ang natutulungan pero umiiyak ang 99% na wala sila halos natatanggap na tulong sa iyong pamahalaan!
Katulad din sa MRT3 na dinudugas ng iyong mga tauhan.
Sa halip na ipaayos sa APT Global na kumikita ng halos P60-milyon kada buwan para imantine, alagaan, palitan ang mga nasisirang gamit sa riles at mga bagon, meron ba?
Ang pangako sa agrikultura na balik-eksporter tayo, ‘yun pala, mas malalang importasyon.
‘Yung pangangalaga sa kalikasan, binubuldoser ng mga iligal na minerong dayuhan.
‘Yung kuryenteng sapat naman pala sa susunod na taon, gusto mamili ng generator para lang pagkakitaan at marami pa.
‘Yun ba ang nakatutulong sa iyong pamahalaan? Pantay ba ang batas sa iyong mga kamay?
Mismong ang kaalyado mo na si Akbayan partylist kongresman Walden Bello ay pumapalag na, hahamunin mo pa na tumakbo muna siya sa pagka-Pangulo? Iyan ba ang solusyon, Mr. President?
Patay na ang mga kabayo, yet, “you are still doing your best?” It must have been long resolved if you are not inept, Mr. Aquino! BALETODO/ED VERZOLA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment