PARANG aso’t pusa ang role nina Vin Abrenica at Sophie Albert sa episode ng Wattpad ng TV 5 simula ngayong Monday, 9:30 pm.
Kasi, nagkasama sila sa isang sitwasyong ‘di sila magkakilala. Parehong balo ang parents nila. Nagkakilala at nagkaibigan. Mother ni Vin at tatay ni Sophie ang magkaibigan.
Sa totoo lang sa tunay na buhay ay magsyota ang dalawa. Super sweet ‘pag magkasama.
Aminado si Sophie na malungkot siya kapag isang araw na ‘di sila nagkita ni Vin.
Ganyan na ka-sweet ang relasyon ng dalawa. Kaya naman si lalaki ay gumagawa ng paraan para magkita sila lagi.
Naipakilala na nilang dalawa ang kani-kanilang parents. At ease na si Sophie sa bahay nina Vin, samantalang si Vin ay nakakapunta na sa mala-mansion na bahay nina Sophie sa Wack-Wack, Mandaluyong City.
Kamag-anakan ni Sophie si Kris Aquino. Ang dating president at yumao nang si Cory Aquino ay kapatid ng lola ni Sophie. Ibig-sabihin malapit na magkamag-anak ang dalawa.
Ani Sophie: “Every year sa reunion ng mga Cojuangco ay nagkikita kami ni Kris.”
Samantala, sa episode ng Wattpad, desperate ang dalawa na huwag magkatuluyan ang dalawa, gumawa ng strategy silang dapat maging maglover sila na kahit hindi nila gusto ang isa’t isa. Sinabi nila sa parents nilang magpapakasal sila para ‘di matuloy ang kasal ng mga magulang.
Sa relasyon nilang kunwaring magsyota ay madalas silang mag-away. Nakatutuwang panoorin. Ang episode na Fake Fiance ay nakaabot na ng 2.5-million na readership sa Wattpad. ON THE SET/NOEL ASINAS
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment