AYAW nang magsalita tungkol sa kanyang ex ang aktres. At deadma lamang ito sa alok na pakikipagkaibigan sa kanya. Manigas daw ito dahil hindi na niya ito papansinin.
Na-trauma na kasi ang aktres sa drama ng kanyang ex. Kapag okey sila, sasamantalahin siya. Kumbaga, kukunin lang ang kanyang loob at pagkatapos dudugasan na siya ng mahahalagang bagay.
Kamakailan ay nawalan ng mga mamahaling gamit sa bahay ang aktres dahil kinulimbat nitong kanyang ex. Tinulungan pa raw ito ng mga kasambahay sa pag-aakalang okey nga sila ng kanilang ma’am kaya madaling naidispatsa ang mamahaling kagamitan.
Tsk! Tsk! Tsk!
***
PANGALAWANG MALUNGKOT NA KAARAWAN KAY ATE VI
Mga immediate family members lamang ni Vilma Santos ang nakasama niya para i-celebrate ang kanyang ika-61th birthday noong isang araw (Nov.2).
Sa sobrang pagdadalamhati ni Ate Vi sa pagpanaw ng kanyang accountant/Girl Friday na si Aida Fandialan, naapektuhan ang kanyang kalusugan. Sa sobrang pag-iisip at hindi makakain ng maayos, inatake siya ng kanyang ulcer kaya na-confine siya sa hospital.
Tinubuan din siya ng malaking pimple sa kanyang ilong to the point na nagmukha raw siyang si Rudolf The Red-Nosed Reindeer. At ang malala, hindi naman siya pwedeng uminom ng anti-biotics dahil sa kanyang ulcer kaya idinadaan na lang ito sa suero.
Lahat ng invitations katulad ng pag-appear sa ASAP as guest at sa iba pang TV shows ay magalang niyang tinanggihan
“Hindi ako pwede mag-make-up. I can’t even stay under the sun even for a while. My doctors told me that sobrang stressed ako and I have to slow down. I told myself, ‘Give yourself a break; remember that health is wealth,’” paliwanag ni Gov. Vi kay Ricky Lo.
At bilang public official daw, ani Ate Vi, para magampanan niya ng maayos ang kanyang trabaho, kailangang physically, mentally and emotionally okay siya.
Pero meron naman daw na celebration siyang gagawin para sa kanyang staff, constituents at sa movie press.
Noong nakaraang taon ay malungkot din ang kanyang naging kaarawan dahil sa pagyao din ng kanyang biyenang si Madam Carmen Gonzales-Recto.
Belated happy birthday, Ate Vi!
Sa susunod puro masasayang selebrasyon na ang mararanasan mo hanggang sa ika-100 taong kaarawan mo. Hehehe!
***
ALLAN K HAHATAW SA PAGCOR NGAYONG NOVEMBER
Topnotch comedian Allan K reigns supreme at Pagcor stage this month. Mark your calendar for his series of shows on November 4 (Casino Filipino Angeles), November 5 (Casino Filipino Malabon Satellite), November 12 (Casino Filipino Pavilion), November 20 (Casino Filipino Ronquillo), November 21 (Casino Filipino Olongapo), and November 26 (Casino Filipino Tagaytay).
Allan K is one of the brilliant entertainers in the country today. He will bring the house down with his comic banters with the audience and with his guests Le Chazz and AJ Tamiza.
Expect a night of melody and harmony as musical theater sensation Ima Castro and K Menn take centerstage for a vocal showdown at Pagcor on November 12 at Casino Filipino Malabon Satellite (Le Grande Hotel) and November 22 (Casino Filipino Tagaytay). The guys of K Menn are Steev Fernandez, Mykle Benedicto and Eeboy Quizol.
The band Pretty Young Thing (PYT) will charm their way to the hearts of the audience as they perform on November 28 at Casino Filipino Angeles. The girl band is composed of Miriam Jayne Mayo, Dania Soan, and Sharmaine Marie Eugenio. They will perform together with K Menn.
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment