Sunday, November 2, 2014

Paeng, typhoon category na

NASA typhoon category o ganap nang isang malakas na bagyo si Paeng habang nananatili sa silangang bahagi ng Philippine area of responsibility (PAR).


Ayon sa PAGASA, huli itong namataan sa layong 1,190 km silangan ng Baler, Aurora (15.6°N, 132.7°E).


May taglay itong lakas ng hangin na 150 kph at pagbugsong 185 kph.


Inaasahang magpapatuloy ito sa pagkilos pahilaga hilagang-silangan ng 13 kph.


Sinabing lalabas ng PAR ang bagyo sa Miyerkules.


Wala pa rin naman itong direktang epekto sa bansa at walang nakataas na babala ng bagyo sa anomang lugar.


Sinabi ni weather forecaster Glaiza Escullar na pagsasalubong ng mga hangin o convergence at Amihan ang magdadala ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Bicol region, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Palawan, Batangas at Quezon.


Makararanas naman ng bahagyang maulap na kalangitan na may pulo-pulong mahinang mga pag-ulan ang Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos.


Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulo-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.


Idinagdag ni Escullar na hindi magla-landfall si Paeng at sa katunaya’y nag-recurve o paiwas na ito ng bansa. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Paeng, typhoon category na


No comments:

Post a Comment