NAPILITANG bumalik agad sa aksyon sa bugbugan ni UFC Welterweight Champion Johny Hendricks dahil na-postpone ang Middleweight title nina Chris Weidman at Vitor Belfort sa darating na Disyembre 6.
Sa 2015 pa dapat ang laban ni American Southpaw Hendricks subalit inanunsyo ng UFC ang bagong main event na ipapalit sa naudlot na laban nina Weidman at Belfort, ang Johny Hendricks vs. Robbie Lawler II para sa Welterweight title ng UFC 181 na gaganapin sa Las Vegas’ Mandalay Bay Events Center.
Ang nasabing bagong main event ay isang rematch kung saan ay tinalo ni Hendricks si Lawler via unanimous decision, 48-47, 48-47, 48-47 sa 25-minute toe-to-toe slugfest sa una nilang pagkikita noong Marso 16, 2014.
Nagkaroon ng bicep injury si Hendricks matapos ang panalo niya kay Lawler kaya kailangan niyang magpa surgery dahilan para mahinto siyang lumaban.
“The welterweight champion was close to 100% healthy,” patungkol ni Ehrhardt kay Hendricks.
May kartang 16 wins na may walong knockout at two losses ang binansagang “Bigg Rigg” na si Hendricks habang ang tinatawag nilang “Ruthless” na si Lawler ay may barahang 24 wins, 10 losses at isang No Contest.
May taas na 5’10 si Hendricks habang si Lawler ay 32-anyos at may taas na 5’11.
Samantala, magiging co-feature bout ang Anthony “Showtime” Pettis vs. Gilbert “El Niño” Melendez para sa lightweight title. ELECH DAWA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment