Monday, November 3, 2014

GUINGONA ET AL. vs DRILON

SI Senate President Franklin Drilon ang latest na nadagdag sa humahabang listahan ng nakakasuhan ng plunder na opisyal ng pamahalaan.


Ang plunder case laban kay Drilon ay bunsod sa pag-jacked up umano sa presyo ng itinatayong Iloilo Convention Center.


Ang ICC na pinondohan umano ng tumataginting na mahigit P1-billion ay ‘overpriced’, ayon sa sumbong ni Manuel Mejorado sa Office of the Ombudsman.


Bukod kay Drilon, kasama sa sinampahan ni Mejorado ng plunder sina Highway Sec. Rogelio Singson at Tourism Sec. Ramon Jimenez.


Ang tatlong matataas na personaheng ito, ayon sa reklamo ni Mejorado, ay nagkutsabahan sa konstraksyon ng tinawag niyang “overpriced the convention center.”


Pero ayon kay Drilon, walang basehan si Mejorado sa kanyang akusasyon.


Si Mejorado na dating consultant sa kanyang opisina sa Senado ay galit lang, “dahil hindi ko nagawa ang hiling na matalagang press undersecretary o TESDA director”, ayon kay Drilon.


Para malalaman ang katotohanan sa likod ng paratang ni Mejorado na isa ring journalist na nakabase sa Iloilo, dapat sigurong silipin ito ng Blue Ribbon committee.


Ito’y para hindi mag-isip ang sambayanan na walang kinikilingan si blue ribbon committee chair Teofisto Guingona sa pagganap sa kanilang trabaho.


Mula kasi nang pumutok ang sinasabing overpriced ICC, marami ang nanawagan na imbestigahan din si Drilon at iba pang pinaratangan sa ICC controversy.


Tulad ng dinirinig na Makati City Hall building II na sinasabi ring ‘overpriced’ ang pagpapatayo, dapat ay imbestigahan din ang controversial ICC, ayon sa panawagan.


Kaya ang umiinit na panawagan ngayon – ikasa ni Guingona ang Senate inquiry para sa sinasabi ni Mejorado na ‘overpriced’ na Iloilo International Convention.


Ang tanong – masusulyapan kaya ng sambayanan ang paghaharap nina Guingona at Drilon sa senado hinggil sa isyu ng ICC.


At kung talagang matapang sina Senators Alan Peter Cayetano, Koko Pimentel at iba pa, ang hamon ng sambayanan – samahan n’yo si Guingona sa pag-imbestiga kay Drilon.


Tingnan natin kung sila’y kikilos sa panawagan na bayan. CHOKEPOINT/BONG PADUA


.. Continue: Remate.ph (source)



GUINGONA ET AL. vs DRILON


No comments:

Post a Comment