Tuesday, November 11, 2014

2015 panukalang budget isusumite na sa plenaryo

ISUSUMITE na sa Lunes sa plenaryo ng Senate Finance Committee ang 2015 proposed national budget na P2.606-trilyon.


Ayon kay Sen. Chiz Escudero, chairman ng komite, isasagawa naman sa Martes ng kanyang mga co-chairman ang sponsorship speech para sa budget.


Aniya, inaasahan nito na tatagal ang debate hanggang sa katapusan ng Nobyembre o unang linggo ng Disyembre ng taong ito.


Isasagawa naman ang mga committee at individual ammendments at inaasahang matatapos ang talakayan at maipapapasa ang pambansang budget bago mag-recess ang kongreso sa Disyembre 18, 2014.


Tinukoy din ng solon ang malaking pagkakaiba ng erata ng executive department sa computation ng Kamara at Senado.


Aniya, sa Kamara, umabot sa P19-bilyon ang erata, samantalang sa Senado, P43-bilyon ang kanilang computation.


Sa naturang erata, meron aniyang tatanggalin habang ang iba naman ay natanggal na ng Kamara.


Hindi rin aniya malinaw o hindi naka-itemize ang ilang erata kaya humihingi pa ng kaukulang detalye dito ang senador.


Pinakamalaki aniya sa erata ang para sa contingent fund na aabot sa P8-bilyon.


Giit nito, hindi natalakay ang erata sa mga committee budget deliberation dahil huli na rin itong isinumite ng ehekutibo.


Gayunpaman, hindi naman kalakihan ang erata dahil aabot lamang ito sa 1.65 porsyento ng kabuuang 2015 proposed national budget. LINDA BOHOL


.. Continue: Remate.ph (source)



2015 panukalang budget isusumite na sa plenaryo


No comments:

Post a Comment